SABRINA'S PoV
Lumipas ang Christmas at New Year na hindi ko kasama si Zac or kahit si Brix! Si Zac kase busy sa project niya kasama ang lintang si Liza! Jusko! Kala naman ng babaeng yon hindi ko alam na may gusto siya kay Zac!? Kahit sabihin pang trabaho nila yon, aba! iba ang galawan ni ate girl mga Sis! At ayon si Brix nag bakasyon sa province nila sa Cagayan with his whole family. Ang lungkot diba?! Buti nalang at tapos na ang Christmas and New Year nayan!
May pasok na kami ngayon at konting tadyak nalang sa mukha ni Tiffany—I mean, konti nalang Graduated na ako. Yehey!!!
"Babe!"
Napahinto ako sa tumawag. Omg si Brix na bayan?! Malamang si Brix ang hinihintay ko Sis! Siya naman ang totoo kong Boyfriend! Unti-unti akong tumingin sa likod at nakita si...Zac nag iba ang awra ko. Nakaka dissapoint ha!
"Oh? Bat parang naging malungkot ka? Hindi ka ata masaya na makita ako"
"H-Huh? A-Ano kaba?! Syempre masaya ako! Nakakalungkot lang kasi ngayon nalang ulit kita nakita eh"
"Ahh, nagtatampo ka no??"
"Ha? H-Hindi! Okay lang yun"
"Sus! Wag ka ng malungkot ha? Babawi ako. Oh ito para sayo"
Ngumiti ako ng tipid at tinignan ang ibinigay ni Zac sakin na regalo. Maliit yun na box. Nung una, nag tataka pa ako at ayaw ko kunin pero inilagay niya yun sa kamay ko para buksan
"Sige na, buksan mona para sayo yan"
Onti-onti kong binuksan yung box at nakita ang isang napakagandang necklace! Tumingin ako kay Zac at nakangiti siya ngayon saakin
"Masaya kaba?"
"Ah O-Oo naman!"
Kinuha niya ang necklace sa kamay ko at pumunta sa may likuran ko para isuot saakin ang bagay na iyon. Napangiti ako at napahawak sa pendant na puso.
"You look so beautiful Sabrina"
"T-Thankyou"
"Let's go?"
Hinawakan niya ang kamay ko at nag lakad na kami papunta sa room. Tumingin ako kay Zac at napaka malumanay lang ng awra niya. Nakahawak parin ako sa pendant dahil—bakit ganon? Parang iba ang pakiramdam ko sa kwintas nato?
.
.
.
.
."Saan ba tayo pupunta Zac?"
Andito kami ngayon sa kotse niya. Paano ba naman kase? Pag kauwian kinaladkad na ako agad palabas ng University at hindi niya sinasabe sakin kung saan kami pupunta!
"Kakain tayo"
"Saan nga?"
"Basta mag relax ka lang, malapit na tayo"
Huminga ako ng malalim at tumingin sa daan. Pinag mamasdan ko kung anong lugar bato? Teka? Park? Dito kami kakain? Bakit dito?
"Were here"
Lumabas ng kotse si Zac at pinagbuksan ako. Inalayan pa niya ako pababa. Hindi 'to basta Park. May mga rides kasi at maraming kainan at kung ano anong mga larong makikita sa perya. Pinaghalong Park at Perya ang theme ng lugar nato. LOL pero ang ganda!
"Naalala mo paba nung pinipilit mo akong pumunta dito? Kasi nung first date natin dito kita dinala at nagustuhan mo"
Tumawa siya ng mahina at ako naman ay nag tataka? Pinilit ko siyang pumunta? Ngayon lang ako nakapunta dito ah! At hindi kami nag date dito noon?? Sinasabe neto?
"Gusto mo bang mag laro? Tara!"
Hindi pako pumayag o nag hindi hinila niya nanaman ako. Akala ko ba kakain kami?! Hindi kami masyadong nag pupunta sa matao, buti nalang din dahil hindi naman matao ngayon. Alam niyo naman mga Sis! Artista ang Boyfriend ko diba?! Nakajacket pa nga siya ngayon at naka cap at naka shades pa! Mahirap na, baka pag ka guluhan pa bigla!

BINABASA MO ANG
My three Ex's and Me
Teen FictionPaano kung makita mo si ex boyfriend na may mahal ng iba? At nalaman mong hindi kana niya maalala pero ang alaala niyo ay naalala niya sa iba? Magpapakilala kaba? Aaminin mo bang mahal mo pa rin siya? Paano kung may present boyfriend kana at biglang...