Part Six ~ Jokes

5.9K 35 0
                                    

JOKES:

Isang araw sa isang paaralan.

Teacher: Class, sino ang mga nakakakilala kay JOSE RIZAL dito?

BATA1: Hindi ko po kilala m'am e!

BATA2: Hindi ko rin kilala, ma'am!

BATA3: Ako din ma'am e. Hindi ko rin kilala!

BATA4: Baka nasa kabilang klase si Jose Rizal, ma'am!

ANSABEEE?

-----

Pedro: Kabise, ano sa salitang Chinese ang PANGIT?

Kabise: Ikaw. Hahahaha!

Pedro: Sigurado ka ba sa sinasabi mo? Assignment ng anak ko 'yan e.

Kabise: Tumingin ka sa salamin nang malaman mo kung totoo. XD

-----

China: Hi, Simsimi.

Simsimi: Shut up!

China: Ha? Simsimi, kilala mo ba ang Pilipinas?

Simsimi: Oo. Sila yung may-ari ng Spratly Islands at Scarborough Shoal na pilit inaangkin ng mga Tsino na nasubrahan ata sa pagkain ng Tikoy at minalas lalo sa Fengshui.

China: Hindi. Sa amin talaga yun. May map kami to prove.

Simsimi: Utut mo!

China: Huhuhu. Love mo naman kami diba?

Simsimi: Asa!

China: Bakit galit ka sa amin?

Simsimi: Half Filipino ako. Allergic ako sa Intsik!

China: Dito ka na sa'min. Bibigyan ka namin ng mga gadgets na gusto mo.

Simsimi: Ayaw ko. Low quality. Okay na ako sa My Phone. Kahit saan ka magpunta, ikaw ay My Phone online!

China: Bahala ka. Sige ka, i-hack ka namin.

Simsimi: Sige, kapag naayos niyo na yung mga websites niyong hanggang ngayon ay down pa rin.

China: Isusumbong kit kay Jet Li, Jackie Chan at sa mga Shaolin Monks!

Simsimi: Sige lang. Tingnan lang natin kung may laban 'yang mga 'yan sa aswang, maligno, serena, engkanto at kay Darna, Captain Barbell, Leon Guerrero, Bong Revilla, Cesar Montano at baka makalimutan mo? Kakampi namin ang The Avengers!

-----

May nakita ang dalawang bata na isang weighing scale. Nang aapak na ang batang babae bigla siyang pinigilan ng batang lalaki.

Boy: Wait! 'Wag kang umapak diyan!

Girl: Huh? Bakit naman?

Boy: Kasi, pag umaapak si nanay diyan, umiiyak siya. 

-----

Binaba sa gitna si Vice Ganda ng isang jeep at nabundol siya ng isa pang jeep.

MANONG: Nasaktan ka ba?

Vice Ganda: *Naasar* Ay hindi, nag-enjoy ako. Uliting natin, bungguin mo pa ako. Isa pa! Dali! Ang sarap kasi. Nakabundol ka tapos itatanong mo kung masakit? Ikaw kaya bundulin ko? Tapos i-share mo sa akin feelings mo, tapos na-enjoy mo, sige, magbungguan tayo. Laruin natin t'as ipauso nating, bunggu-bungguan.

-----

Aling Dionisia: Inday, akin na nga yung seeds ko.

Inday: Bakit po magtatanim po ba kayo?

Aling Dionisia: Anong magtatanim sinasabi mo? Nasisilaw ang mata ko kaya kailangan ko yung seeds.

-----

Las Vegas Waiter: May I take your order, Madam?

Aling Dionisia: Soup.

Waiter: Chicken, asparagus, noodle, fish or soup of the day?

Aling Dionisia: Soup drenks!  

-----

Dionisia: Doc gusto ko magpalagay ng breast.

Doctor: *Gulat* Magpapaseksi ka? 

Dionisia: Breast sa ngipen ba. Para umayos yung ngipen ko! Deba uso 'yon?  

-----

"You is! You is! You is!" Sigaw ni Aling Dionisia pagdating sa Amerika. "Nandito na ako sa "You is"!" :))

-----

Sa isang sosyaling salon:  

Gretchen B.: I want my hair dyed jet black, cut it short and then treat it with lots of keratin extracts.

Aling Dionisia: I want my hair dyed gold, curl it to the fullest leven then implant a diamond at the tip of every strand.

Taob! Hahaha. Bentang-benta si Aling Dionisia.

=====

P's Note: 'Yan na lang muna. Natatawa lang kasi ako kay Aling Dionisia. :)) Pagbigyan na. Bored ako. XD Salamat sa pagbasa at pagtawa. XD

Tagalog Banats and Jokes | CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon