Chapter 4

22 0 0
                                    

*Daniel's P.O.V*

andito kami ngayong magbabarkada sa bench. tambayan namin to. maaga pa naman kaya hindi pa mag start ang klase. napatingin ako sa babaeng naglalakad, si Julian pala yon. ang ganda niya talaga. inlove na ko sakanya! subukan lang nila na agawin nila saken si Julian. lagot sila saken.

nakatitig lang ako sakanya, bigla akong natauhan ng marinig kong tinawag nila Michael si Julian.

"Goodmorning Julian!" sabay sabay nilang bati kay Julian.

natigil sa paglalakad si Julian at napatingin sa pwesto namin. ngumiti naman siya samin. ang ganda! mukha siyang anghel.

"naks pre! kinikilig ka oh!? hahaha! namumula si Daniel! nababakla ka na!" sabi saken ni John na tawang tawa. ts kainis pre wag ako! di ko na kaya! mamamatay na ko sa sobrang kilig! alam kong nakakabakla pero ok lang! hahaha ganito talaga pag inlove.

lumapit samin si Julian. "Niel, sorry pala kahapon ha? hindi ako pumayag na sumama sa iniyo sa Mcdo. tambak kase assignments natin kahapon. next time nalang" nakangiting sabi ni Julian sa akin.

nagtaka naman ako sa sinabi niya. "sino nagsabi sayo?"

"ha? si Carlo kaya nagsabi saken"

napatingin ako kay Carlo at ngumiti naman siya saken. naks pre! salamat sa tulong!

"ahh oo nga pala. ok lang Julian! may next time pa naman diba?" - ako

"oo naman. sige punta na ko sa room bye" - Julian

"ahh! Julian tulungan na kita" sabi ni Carlo kayJulian. ano nanaman to Carlo?

"pre dapat si Daniel gumagawa niyan hindi ikaw. diba pre?" sabi ni Mark sabay tingin saken.

"nako wag nalang guys. ok lang ako" sabi ni Julian sabay alis.

akala ko papayag siya kay Carlo. dapat talaga ako gumagawa nun. pero di ako nagseselos! kaibigan ko si Carlo. medyo nainis lang ako sa sarili ko kase di ko manlang naisip na tulungan siya bitbitin gamit niya.

*Julian's P.O.V*

andito ako ngayon sa room. nagkekwentuhan kami ni Jubelle. as always naman e. lam niyo namang di mauubusan ng kwento tong babaeng to.

maya maya pa ay dumating na rin ang teacher namin kasabay ng mga Campus Prince. bitbit nila gamit ni maam. aba? aba? haha ang babait naman nila.

napatingin ako kay Carlo habang papunta siya sa kinauupuan niya. nang makaupo siya bigla siyang napatingin saken. napaiwas tuloy ako bigla! shems! kinikilig ako!

habang nagtuturo si maam. ayan! inaantok ako. kaantok kaya! first subject Math? ts. aga aga saket sa ulo neto! makatulog na nga lang ako.

***

"Julian. gising! wuy!"

"Julian! bubuhusan ka na namin ng tubig!"

"hindi paren gumigising?"

nakarinig ako ng may gumigising saakin. hirap ako imulat mata ko! gusto ko pa matulog.

biglang may humawak sa buhok ko. hinaplos haplos buhok ko.

"Julz. gising na. ano na? buhay ka pa ba?" bulong saken nung lalaki. tumayo balahibo ko! napamulat tuloy ako. napasigaw at natumba ako sa kinauupuan ko. lakas ng impact shems! lalong sumakit ulo ko!

"hala! Julz sorry!" sabi ni Carlo. si Carlo bumulong saken!? Gosh! nakakahiya!

iniabot saken ni Carlo kamay niya. hindi ko alam kung hahawakan ko ba o hindi? awkward..

bigla nalang tinulak ni Daniel si Carlo.

"pre naman e. sabi ko gisingin mo hindi gulatin mo. may masakit ba sayo?" sabi ni Daniel at tinulungan akong tumayo.

"sorry talaga Julz" sabi ni Carlo sabay peace sign. ang cute niya!

"Julz?" tanong ko sakanya.

"Julz. pinaikli ko lang yung Julian. haba haba kase e!" sabi ni Carlo saken

"ahh. ok lang yun! ok lang ako. wala ba tayong teacher?" tanong ko sakanila.

"wala bes! absent si sir. turuan nalang kita nung sa Math" - Jubelle.

"tara tambay tayong canteen?" tanong samin ni Michael.

"kayo nalang muna. Julian, pwede ka bang makausap?" tanong saken ni Daniel.

"ha? about san?" tanong ko sakanya

"basta. mauna na kayo guys. susunod ako. sama niyo narin si Jubelle. hintayin niyo kami sa canteen" utos ni Daniel sakanila.

umalis na sila para kumaen. naiwan kami ni Daniel sa room.

"awk.. hahahahah! awkward! hahahaha" sigaw ko habang tumatawa

"Ingay mo woy! i have something to tell you Julian" sabi saken ni Daniel

"ano yon?" tanong ko sakanya sabay ngiti

"pwede ka bang ligawan?" nagulat ako sa tanong niya. as in.. Wow lang a? ano na sasabihin ko netoooo!

"ahh.. ehh.. hehe! Niel, sorry pero ayoko muna mag boyfriend e" - ako

"kaya ko maghintay" - siya

"hayst. wag na Daniel. friends nalang tayo" - ako

"basta maghihintay ako! gagawin ko lahat umOO ka lang. mahal na kita Julian! wala ka bang gusto saken!? ngayon lang ako nagkaganito sa babae! seryoso ako sayo" - siya

"Daniel, wag ganito. mas ok na yung friends talaga tayo" - ako

"naman oh! basta! maghihintay ako! sabi niya sabay alis ng room. pano ko ba sasabihin sakanya? inlove siya saken pero inlove ako sa kaibigan niyang si Carlo.. ang hirap. ayoko masira pagkakaibigan nila nang dahil lang sakin.

~ ~ ~

[A/N: waaaaa! hahaha hellooo guys. ok lang ba tong chapter na to? naeexcite ako pag nagkaalaman na e! hahaha hintayin niyo lang yung next chapter guys :))]

You're MINE & I'm YOURS (Perfect Couple)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon