Chapter 15

10 0 0
                                    

Carlo's P.O.V

"ma! kakauwi ko lang po!" sigaw ko nang makapasok ako sa bahay.

hinatid ko pa kase si julian sa bahay nila. at ayon nga, kinausap na ako ng parents at ng kuya't ate niya. makalipas kase ng isang linggo simula nung umamin ako sakanya, napagisipan namin ni julian na ipaalam na namin sa family namin. kahapon ko siya pinakilala kay mama. gustong gusto siya nila mama at kuya at gustong gusto rin ako ng family niya basta wag ko raw sasaktan ang prinsesa nila. hinding hindi ko talaga siya sasaktan. prinsesa ko na rin siya ngayon. basta ang saya ko sobra. ako na yata ang pinaka masayang lalaki sa buong mundo!

"hoy! tulala ka jan!? anong ayos mo!? may pangiti ngiti ka pa jan. psh julian again bro?" epal talaga tong si kuya ced

"kuya naman! wag kang epal please lang ha?" sinuntok naman ako ni kuya sa braso ng pabiro at saka siya tumawa

"si mama pala?" tanong ko sakanya

"may binili lang sa grocery"

"baliw ka ba't di mo sinamahan si mama!?"

"sabi niya siya nalang daw e. pinipilit ko nga sumama ako pero ayaw talaga" hayst si mama talaga. kaya nga sasama si kuya para may taga bitbit kung sakaling maraming bibilhin

kwentuhan lang kami ng biglang nag ring ang phone ni kuya. tumingin siya sakin.

"hello ma? .. ahh .. ok po .. sige po sasabihin ko po .. ok po .. ingat po pag uwi .. yes mom iloveyou bye"

"si mama? ansabe?"

"pauwi na daw siya. uhm, sunduin daw natin si julian kasama family niya. dito na daw sila mag dinner" nagulat ako sa sinabi ni kuya. nanlaki ang mata ko at nang mag sink in sa utak ko ang sinabi niya, lumapad na ang ngiti ko.

"oh ano? ngingiti ka nalang ba jan o aalis na tayo?"

"tsk panira talaga to. tara na nga!"

***

andito na kami ni kuya kila julian. hinihintay nalang si julian at ate joanna. hayst mga babae talaga ang tagal mag ayos.

"hoy joan! bumaba ka na dyan! kung makapag ayos ka naman parang ikaw ang may bisita!" sigaw ni kuya julius kay ate joanna. bumaba naman na si ate joanna kasama si julian

"FYI lang kuya! hinihintay ko lang tong si baby girl! ts"

"tampo ka na niyan? tara nga dito. di ka naman mabiro" paglalambing ni kuya julius kay ate joan at saka siya niyakap neto. ang sweet naman netong magkapatid na to.

"inggit ka bro? tara tayo din" bulong sakin ni kuya

"mandiri ka naman kuya ts"

"awts. ayaw sakin ng kapatid ko."

"oa lang?"

"okay na ba? wala na kayong nakalimutan?" tanong ni tito kanila julian

"wala na po daddy" sagot nalang nilang tatlo

"so lets go?" yaya ni kuya

hinawakan ko ang kamay ni julian.

"gutom ka na ba baby?" tanong ko sakanya

"hindi pa naman" sagot niya

"ako na mag dadrive bro" hinagis ko naman sakanya yung susi ng sasakyan niya. yea, sasakyan niya ang gamit namin.

binuksan ko ang pangalawang pinto ng sasakyan para makapasok sila ate joan, julian at tita. sa likod naman sila kuya julius at tito. ako sa tabi ni kuya.

Julian's P.O.V

andito kami ngayon sa bahay ng Buenaventura. hinihintay lang namin maluto ng katulong ang mga pagkaen.

nang matapos na. inihain na nla sa mesa ang mga pagkaen. wow! ang sasarap ng mga pagkaen! natatakam na ko!

"ang laway" bulong sakin ng katabi ko

"wag kang epal" pagsusungit ko kay carlo. tumawa lang siya. lakas trip neto

habang kumakaen kami, biglang nagsalita si tita

"so, mahal na mahal niyo talaga ang isa't isa? gusto ko ang anak niyong si julian para sa anak ko" natuwa naman ako sa sinabi ni tita. palagi niyang sinasabi sakin na gusto niya ko.

"kami rin. gusto namin si carlo sa anak namin. wag lang niya sasaktan" ay nako dad. di niya ko sasaktan. may tiwala ako sakanya

"di ko po gagawin yun tito. mahal na mahal ko po ang anak niyo. prinsesa nga po kung ituring ko siya" feeling ko namula ako sa sinabi ni carlo

"si baby namumula!" sigaw ni kuya julius. aaarrrggghhh! damn you! binubuking mo ko kuya!

nagtawanan naman ang lahat. nakakahiya naman :(

andito kami ni carlo sa garden nila. habang ang families namin ay nagkekwentuhan sa loob. nakaupo kami ni carlo sa damuhan.

nagulat ako ng bigla siyang humikab at inistretch niya kamay niya dahilan para maakbayan ako.

"dumadamoves?" tanong ko ng tumatawa

"di wag" pag mamaktol niya at tinulak ako ng mahina

"joke lang naman baby!" umakbay ulit siya sakin

"baby, alam mo bang sobrang saya ko? ang dating pinapangarap ko lang noon ay akin na ngayon? akin ka lang baby ok?"

"yes baby. wala ng makakapaghiwalay satin. legal na tayo kaya kung sino umepal sa lovestory natin bubugbugin ko!" he just chuckled

"sadista ang girlfriend ko" sabi niya nang tumatawa

"ang babaw ng kaligayahan mo!"

"ts parang siya hindi. atleast di ako gaanong matakaw. tama lang. eh ikaw? panay kain nga di naman tumataba" ay? nang aasar?

"biniyayaan kase ako ng sexy body. kaya kahit anong kain ko, sexy parin ako" ayan nanaman. mas malala ang tawa niya ngayon. grabe tong lalaking to!

"pagbibigyan kita pero ngayon lang ha? bukas hindi na" sabi niya ng di parin tumitigil sa tawa

"ge tawa pa! saya mo" inis kong sabi sakanya

"nagtampo agad. niloloko lang naman kita"

tumingin ako sakanya ng masama. nagtaka naman siya

"what?" tanong niya. mapagtripan nga..

"so niloloko mo lang pala ako!?"

"ha!? hindi! i mean nag jojoke lang ako"

"nag jojoke ka? so di ka pala seryoso sakin samantalang ako seryoso sayo!? ang unfair mo!" dama kong kinakabahan na siya sa inaasal ko. akala niya naman napikon na talaga ako? hahaha! pag napikon kase ako natatakot na siya e.

"baby naman" yakap niya sakin

"ts"

"nagtatampo pa. sorry na." tumingin ako sakanya ng may halong nakakalokong ngiti

"what the!? pinagtitripan mo nanaman ako! naman e" naka pout pa siya hahaha

"wag ka mag pout. di bagay hahaha!" pero ang totoo? ang cute niyaaa!

"hindi ha! sabi ng mama ko bagay daw sakin mag pout" ay ang kapal?

"kasing kapal mo na yung dictionary sa bahay namin baby grabe!" natawa naman kami.

niyakap niya ulit ako.

"youre mine and im yours baby. iloveyou." bulong niya at saka ako hinalikan sa noo. napangiti naman ako sa ginawa niya

"iloveyou more & most baby" sagot ko sakanya at binigyan siya ng matamis na ngiti

~ ~ ~

[A/N: hi guys! vote and comment naman kayo. please? yiieee. salamat <3 thankyou din sa mga readers :"> hintayin niyo lang yung next chapter. salamat ulit <3]

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 12, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

You're MINE & I'm YOURS (Perfect Couple)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon