Chapter 9

12 0 0
                                    

Daniel's P.O.V

ilang araw na ang nakalipas, nagkakasundo naman na kami ulit ni Julian. friends na kami. at si carlo naman hanggang ngayon hindi parin umaamin kay julian kahit alam na niyang may gusto si julian sakanya.

naglalakad lang ako sa corridor, nang madaanan ko ang music room may narinig akong babaeng kumakanta habang nag pa'piano. napahinto ako sa paglalakad. ang ganda ng boses niya. sisilipin ko na sana yung loob ng music room nang biglang may sumigaw sa tenga ko.

"DANIEL!!!!! KANINA KA PA HINAHANAP NILA CARLO!!"

"aray naman julian! sakit sa tenga langya ka!"

"sarreh bro! so tara na sabay na tayo papuntang room. kanina ka pa hinihintay ng barkada mo!"

"kaso.. ano.. kase.. wait.. uhmm.."

"TARA NAAAAA!!" sigaw niya sabay hila niya sakin.

hindi ko nasilip kung sino yung babaeng kumakanta kanina.

***

andito kami ngayon sa room. bigla nalang lumapit samin si julian. grabe bunganga nitong babaeng to! sobrang close na niya kase samin. kaya minsan kasabay namin sila ni jubelle pag lunch or uwian.

"GUYSSSS!!" sigaw ni julian

"o!?"

"si jubelle nakita niyo ba?"

oo nga no? si jubelle hanggang ngayon di ko parin nakikita.

"nasa mu.. ayooon oh!" sabay turo ni jonathan sa pinto

"HOY BABAE! SAN KA BA NAGPUPUPUNTA!? KANINA PA KITA HINAHANAP!!" grabe natong bunganga ni julian

"makasigaw? nag concert lang naman ako."

"concert? ts buti di umulan" bigla naman niya ako sinamaan ng tingin

"umagang umaga may mangbibwisit nanaman" bulong ni jubelle kahit rinig namin

"mag aaway nanaman kayo! tara tambay canteen?" yaya samin ni John

"tara!" pag sangayon namin

***

habang nagkekwento si julian samin napatingin ako kay carlo na katabi ko lang na sobra makatitig kay julian at halos mawarat na labi niya sa sobrang ngiti niya na abot hanggang tenga na!

"pre kung nakakapatay lang ang pagtitig, malamang kanina pa patay si julian dahil sayo" bulong ko sa katabi kong si carlo

"shh wag kang epal" bulong sakin ni carlo ng di inaalis ang tingin kay julian

"julian, may tanong ako" - michael

"ano ba yan! nagkekwento ako eh! ano ba kase yun!?" inis na tanong ni julian

"kalma ka lang bes! paano kung isa samin ligawan ka except kay daniel. sino pipiliin mo?" tanong ni michael kay julian

agad naman kaming natahimik. si carlo naman napatingin sa ibang direksyon para kunyare hindi siya nakikinig sa usapan.

"depende na yun kung sino ba sa iniyo mahal ko" sabi ni julian sabay ngiti

"eh sino nga ba mahal mo saming lima?" tanong ni mark sabay ngiti ng nakakaloko

"bakit ba kase!? ts" naaasar na tong si julian

"guys wag niyo nang tanungin." sabi ni jubelle

"epal" bulong ko ngunit di ko alam na narinig pala niya kaya inabot niya pa talaga ulo ko para lang mabatukan ako

"hindi ikaw kausap ko! silang lima lang! di mo ba narinig sinabi ni michael kanina!? except lang daw IKAW kaya manahimik ka jan at wag kang makisali!"

"hindi karin naman kasali diba? si julian tinatanong nila. si julian lang! SIYA LANG! okaaaay!?" sarap pikunin nitong babaeng to. ang cute niya kase.. ay mali! lalo siyang pumapanget! kaya natatawa ako pag trip kong pikunin siya!

"tumigil na nga kayo! lagi kayong nag babangayan! nonstop mga dre!? kayo nalang lagi soundtrip namin! dun nga kayo sa kabilang table! ingay niyo!" bulyaw nila saming dalawa kaya't agad kaming natahimik ni jubelle.

Julian's P.O.V

katatapos lang namin kumain. pabalik na kami ng room dahil malapit na matapos ang lunch. naglalakad kami sa quadrangle. kaming dalawa ni jubelle asa gitna ng mga campus prince habang naglalakad. habang naglalakad, nakatingin lang ako sa sahig habang sila nagtatawanan.

"OPS!" sigaw ko habang nakataas ang dalawa kong kamay at nakaharang sakanila kaya napahinto din sila sa paglalakad.

"bakit? ano meron julz? ang lakas ng sigaw mo. lahat ng tao nakatingin na satin" - carlo

nakatingin parin ako sa baba habang papaupo sa sahig. yung upong pang tambay, inayos ko muna palda ko para di ako makitaan. nang mapansin naman nilang nakaupo ako sa sahig at nakatingin rito, nakiupo at nakatingin din sila sa sahig.

"ang mga langgam. kawawa naman kung tatapakan natin sila. so all we have to do is.." napahinto ako sa pagsasalita nang sabay sabay nila akong binatukan at napatayo sila

"aray naman!! pwede bang isa isa lang!? ang sakit pag sabay sabay!!" sigaw ko sakanila sabay tayo

"gagi ka julian!! nagmukha kaming tanga! pinagtitripan mo na pala kami!? nakakahiya nakatingin satin mga tao!" sermon nila sakin

sorry naman? di ko naman alam na nakatingin na talaga e. akala ko nagbibiro lang si carlo.

"hahahahaha!! so-- hahahaha! sorry na guys! hahahahaha" tawang tawa kong sabi sakanila

"baliw ka na!" sigaw nila sakin sabay tawa

You're MINE & I'm YOURS (Perfect Couple)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon