Chapter 5

20 0 0
                                    

*Carlo's P.O.V*

lumipas ang ilang araw. lagi ko napapansin si Daniel na laging kasama si Julian, tinutulungan bitbitin gamit niya, basta yung mga gawain ng lalaking manliligaw. nililigawan na ba niya si Julian? or siguro sila na? siguro nga sila na. hahayaan ko nalang silang dalawa.

papunta ako ngayon sa likod ng stage. malamang, tatambay. gusto ko mapagisa. nasasaktan ako pag nakikita kong magkasama sina Daniel at Julian.

nang malapit na ko sa likod ng stage, may narinig akong naguusap.

"kelan mo ba ko sasagutin?" kilala ko yung boses na yun ha!? di kaya si..

"Daniel, diba sabi ko naman sayo wag ka na maghintay? ayoko muna mag boyfriend. ilang beses ko na sinasabi sayo pero di ka nakikinig sakin. tuloy ka parin sa panliligaw mo" sabi na eh. si Daniel at si Julian. pero.. bakit ganun? nag aaway sila? hindi pa pala sila!? akala ko ba sila na!?

nakinig lang ako sa usapan nila. at nakasilip. alam kong di nila ako mapapansin neto.

"ba-bakit ba? a-ayaw mo ba sa -a-akin?" nauutal na tanong ni Daniel kay Julian.

"sorry Daniel.. kaya ko sinabi sayong wag ka na maghintay dahil may iba akong gusto, ayaw kitang umasa. ayaw kitang saktan kaya di ko sinasabi sayo. akala ko titigil ka na sa panliligaw sakin pero hindi pala. talaga ngang gagawin mo lahat. sorry kung ganito nangyari. alam kong kasalanan ko kase di ko inamin sayo agad. pero pwede pa naman tayo maging magkaibigan diba? mas tatagal tayo pag naging magkaibigan tayo" paliwanag ni Julian kay Daniel.

"sino ba? isa ba sa mga kaibigan ko? or schoolmate natin? sino siya Julian!? mag mamakaawa ako sakanya na sakin ka nalang!" sabi ni Niel habang nakahawak siya sa magkabilang balikat ni Julian.

"sorry talaga Daniel.. pero, si Carlo talaga ang gusto ko.." a-ako!? ako ang gusto niya!? pa-paano!?

"si Carlo? tss.. may gusto ka sa kaibigan kong ubod ng pagkababaero!? Julian, hindi mo kilala si Carlo.." - daniel

"alam ko, hindi ko pa talaga siya gaanong kilala. pero nung una ko pa talaga siyang nakita. hindi ko alam kung ba't ganun naramdaman ko. ibang iba talaga naramdaman ko. sorry Daniel.. di ko sinasadyang mainlove sa kaibigan mo. hindi ko alam na aabot pala sa ganito" - Julian

inlove siya sa aken!? totoo ba to!? nananaginip lang ba ako!? pakisampal nga ako! OY JOKE LANG! :P

"bakit bestfriend ko pa? ang sakit.. ngayon lang ako nakaramdam ng ganito.. damn!" sinuntok ni Daniel ang pader.

nagulat si Julian sa ginawa ni Niel. agad niyang pinigilan si Daniel. Daniel, sorry mahal ko rin si Julian. sana di masira pagkakaibigan naten. agad na kong umalis. baka mahuli pa nila ako.

*Julian's P.O.V*

tama ba ginawa ko? di ko alam na magagawa niya yun sa sarili niya. bakit ko siya sinaktan? ayoko siyang saktan dahil kaibigan ko siya. akala ko magiging ok na lahat.. feeling ko lalong lumala..

habang naglalakad ako papuntang room. nakasalubong ko si Jubelle.

"bes? san ka ba pumunta!? kanina pa kota hinahanap!" - Jubelle

"bes, tama ba ginawa ko? aminin kay Niel yung totoo? na si Carlo talaga mahal ko?" tanong ko kay Jubelle. Siya lang nakakaalam na mahal ko si Carlo.

"yun ba iniisip mo? tama lang ginawa mo. nagsabi ka naman ng totoo e. kung di mo sinabi yun, aasa lang sayo si Niel. wag mo na problemahin yun. sana may mahanap pa si Niel na babaeng mamahalin din siya"

"sana nga bes. sana di siya saktan"

~ ~ ~

[A/N: sorry guys. onti lang :3 abangan niyo nalang yung next chapter :)) vote & comment naman kayo guys please? :'> thankyou <3]

You're MINE & I'm YOURS (Perfect Couple)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon