Chapter 14

10 0 0
                                    

Julian's P.O.V

Math kami ngayon pero hindi ako nakikinig. kanina pa! halos di ko na nga alam yung tinuturo ni maam e. pano ba naman kase, di ako makatulog kagabi dahil sa nangyari kahapon sa simbahan. kiniss ako ni carlo sa pisngi! di talaga ako makapaniwala nun. gulat na gulat ako!

nakatulala lang ako. bumalik ako sa sarili ko ng tawagin ako ni maam

"ms. santos! bakit tulala ka?" tanong sakin ni maam. lahat naman ng classmates ko nagsitingin sakin. maski barkada ko nakatingin! nakakahiyaaa

"ahh.. ehh.. wa-wala lang po"

"kung di ka makikinig lumabas ka nalang" turo niya sa pintuan

hindi ako tumayo sa kinauupuan ko. nakayuko lang ako

" hindi ka lalabas!?"

"lalabas na po" yun na lamang ang nasabi ko at lumabas na ko ng room.

may dalawang extrang upuan dito sa labas. umupo ako sa isang upuan. isinandal ko ang ulo ko sa pader at ipinikit ko ang mga mata ko. di ko parin talaga makalimutan e. kinikilig ako! hahahahaha!

10mins. narin sigurong nakapikit ang mga mata ko pero di manlang ako makatulog. gusto ko kase matulog kaso ayaw talaga. naramdaman ko na parang may tumabi sakin. di ko nalang siya pinansin. nakapikit parin ang mga mata ko

"ang ganda mo talaga julian" yung boses na yun.. kilala ko!

"hindi ko alam kung kelan ba ko mag lalakas loob na aminin sayo tong totoong nararamdaman ko. kung alam mo lang.. mahal na mahal kita julian." napadilat ako sa sinabi niya. nanlaki ang mga mata niya.

"ca-carlo!?"

"na-narinig m-mo?" tanong niya. ay hindi! kaya nga napadilat ako e -.-

"o-oo. to-totoo ba mga si-sinabi mo?" shet! nauutal na ko!

"ahh.. ehh.. ano kase julz uhm---" hindi ko na narinig ang sinabi niya ng biglang mag bell

"ha? di ko narinig sorry" - ako. ngumiti naman siya sakin. ano trip neto? joke lang ba yung sinabi niya kanina? :(

"wala julz" sagot niya. pinisil niya ilong ko at saka siya umalis. ts trip lang nga talaga ako.

carlo's P.O.V

"wala julz" yan na lamang ang nasabi ko sakanya. alam kong narinig niya ang mga sinabi ko sakanya kanina nung nakapikit siya. aamin na talaga ako. lalakasan ko na loob ko!

andito ako ngayon sa canteen. hinihintay ang tropa. tanga ko rin, iniwan ko pa dun si julz mag isa eh pwede ko naman siya isabay sakin papunta dito. tss

napatingin ako sa pinto ng canteen. sila na pala yun. napatingin sila sa pwesto ko. yep, may sarili kaming pwesto dito sa canteen. pumwesto sa harap ko si julian.

"pre ba't mo naman iniwan mag isa si julian sa labas ng room? di mo manlang pinasabay sayo eh dito rin naman diretso niya" - mark

"sorry julz" sabi ko nang nakangiti

"ok lang" nye? ang cold naman niya. sinabi niya yun ng di nakatingin sakin.

nakaorder na kami ng pagkain. tumingin ako sa paligid. marami-rami na rin ang tao dito sa canteen. 30 minutes pa naman bago matapos ang lunch. tumayo ako sa kinauupuan ko. mahabang upuan kase to.

"hoy ano ginagawa mo!? mag papakamatay ka na!? wag jan! walang mangyayari pag jan ka! punta tayong rooftop dun ka tumalon!" agad naman naming binatukan si michael. bwisit tong lalaking to. oa sobra!

"hey guys!" sigaw ko ngunit walang gaanong nakinig

"guys! yo! hi? ehem? helloooo!" sigaw ko ngunit wala parin

tumayo naman si jubelle.

"GUYS!? DI NIYO BA NARIRINIG!? PINAPATAHIMIK KAYO NG ISA SA MGA CAMPUS PRINCE! MAY GUSTO SIYANG SABIHIN! MAKINIG NAMAN KAYO!" agad namang natahimik ang buong canteen. hala grabe bunganga netong babaeng to!

lahat sila nakatingin sakin. ano nga ba sasabihin ko!? shet!

"thankyou" sabi ko kay jubelle. tumango nalang siya at ngumiti

"ahh.. ehh.. hehe" yun lang nasabi ko. lahat sila nakatingin parin sakin. ano ba naman yan oh!

tumingin ako sa tropa ko.nakatingin lang din sila sakin. humarap ulit ako sa mga tao dito sa canteen

"guys, kilala niyo naman ako diba? ako si Carlo Buenaventura, kilalang leader ng Campus Prince at alam niyo namang mabagsik ako sa mga chix. pero gusto ko lang malaman niyo.. hindi na ko ang kilala niyong carlo buenaventura na sobra kung mangbabae. yung lahat ng chix nililigawan. hindi na ko yung ganun. 'wanna know why? its because of the girl. maganda siya, matalino, mabait, sweet, para sakin lahat nasa kanya na. alam ko nagsimula to ng una ko siyang makita. ngayon ko lang to naramdaman. sobrang bilis ng pagtibok ng puso ko. parang nga akong statue eh, coz im stuck staring right at you.." tumingin ako kay julian. namula naman siya. ang ganda niya!

inilahad ko ang kamay ko sakanya. parang nagdadalawang isip pa siya.

"hawak ka na girl! ayiiieee!" panunukso ni jubelle kay julz. sumunod naman si julian. pumunta siya sa pwesto ko at tumungtong din sa upuan.

"itong babaeng nasa tabi ko. siya ang tinutukoy ko" nakatitig lang ako sakanya. ganun din siya at nakangiti din.

"siya si julian santos. mahal na mahal ko siya. ngayon lang ako nag mahal ng babae. ngayon ko lang naman kase talaga naramdaman to. dati wala akong pake sa love. ang mahalaga lang sakin noon ay mang ligaw ng mga babae at mang iwan ng mga babae." humarap ako sakanya at hinawakan ang dalawa niyang kamay.

"Julz halimaw. alam kong mahal mo na ko matagal na--"

"aw kapal" nagtawanan naman kami pati ang mga tao dito sa canteen

"pero totoo naman kase diba?" sabi ko sabay pout

"ts. oo na! mahal kita matagal na! ayoko namang aminin sayo kase ang awkward naman kung ako ang unang aamin, ako ang babae tas ako mauuna? ano ka sinuswerte? ts." sabi niya sabay irap na pabiro

"sus. so julian santos. mahal kita at mahal mo rin ko. so pwede bang--"

"ayoko!" nagulat ako sa sinabi niya. akala ko ba mahal niya ako!? bakit ayoko sagot niya!!?

"ayoko! ayoko ng patagalin pa to! tulad nga ng sinabi mo, mahal kita at mahal mo rin ako. parehas tayong nag mamahalan. oo payag ako! simula ngayon boyfriend na kita at girlfriend mo na ko. wala nang pwedeng makapaghiwalay satin! mahal na mahal kita bakulaw" shet! kinilig ako sa sinabi niyaaaa! dapat ako yung magpapakilig e. baligtad naman! ts naunahan ako!

nagsigawan naman ang mga tao sa canteen. pati ang barkada namin. napangiti ako. niyakap ko siya.

"oo walang pwedeng makapaghiwalay satin. akin ka lang at sayo lang ako. i'll promise you that i'll always protect you, care you, and respect you. hinding hindi kita sasaktan. hinding hindi kita papaiyakin. pangako ko sayo yan. iloveyou baby halimaw" hinalikan ko siya sa noo.

"iloveyou more and most baby bakulaw" sagot niya

napaka saya ko. ang babaeng pinapangarap ko lang noon ay prinsesa ko na ngayon.

You're MINE & I'm YOURS (Perfect Couple)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon