Michael's P.O.V
hi guys! kilala niyo naman kung sino ako diba? di na kailangan mag pakilala. so eto, andito kaming tropa sa timezone. nag hiwa-hiwalay kami. sabi ni julian -.- may sayad talaga yung babaeng yun. kami lang nila jonathan at carlo magkasama. hindi namin alam kung anong lalaruin namin kaya pagala gala lang kami dito sa loob ng timezone. may kalakihan naman to. grabe tong dalawang kasama ko. wala yata silang balak mag salita. mga di nag kikibuan. boring tuloy. magkaka'bad breath ako neto! dahil gusto kong dumaldal. niyaya ko nalang silang lumabas muna at dun nalang kami magkwentuhan. masyadong maingay dito sa loob. di kami mag kakaintindihan.
nang makalabas na kami ng timezone naisipan kong magtanong kay carlo about kay julian.
"pre kelan mo balak?" tanong ko sakanya. tumingin naman silang dalawa sakin.
"sino kausap mo?" tanong nilang dalawa sakin. sabay pa talaga. duet? kelangan duet?
"ikaw"
"sinong ikaw?" tanong ulit nila. kabanas tong dalawang to!
"ikaw nga sabi!"
"sino ngang ikaw?"
"ikaw nga! slow pre slow!?"
"g@go ka ba!? kita mong dalawa kaming nag sasalita dito tas sasabihin mo IKAW!?" oo nga no!? nako pucha! pahiya ako! tanga ko naman!
"oo alam naming tanga ka matagal na" sabay nilang sagot sakin. mind reader ba tong dalawang to?
"hindi kami mind reader" sagot ulit nilang dalawa. hindi nga talaga mond reader -_____-
"tumigil na nga kayo! kanina pa kayo duet ng duet!" - ako
"k" sagot nila sakin. kelangan pati yun sabay!? nakakabanas talaga tong dalawang to!
bigla ulit kami natahimik. may dumaan na anghel? gusto ko ulit dumaldal!
"sino pala kausap mo kanina pre?" tanong sakin ni jonathan
"si carlo" agad namang napatingin sakin si carlo
"ako?"
"hindi hindi! yung katabi mo." napalingon naman siya sa katabi niyang lalaki na medyo nasa 30+ na ang edad.
"uhm mawalang galang na ho. sabi po ng kaibigan ko ikaw daw po kausap niya. kaso parang ayaw niyo po pansinin. pansinin niyo naman po kahit ngayon lang para matigil na bunganga niya" agad naman akong napatayo. tatakasan ko na sana sila nang biglang..
"kausap mo ba ako hijo? sorry di ako nakikinig. ano nga ba ulit sinasabi mo?" tanong sakin nung lalaking katabi ni carlo. bwisit yan oh!
"ahh.. ehh.. hehe.." yun lang naisagot ko. eh sa nahihiya ako! pahiya na ko eh! humanda sakin si carlo!
napatingin naman ako sa dalawa na halatang nag pipigil ng tawa. bwisit! humanda kayo sakin!
"ayos lang hijo. sabihin mo lang. makikinig ako"
"ano po.. kase.. uhm.. san p-po ba n-nakakabili ng i-ice c-cream?" sh*t! bakit ice cream sinabi mo!? tila ka bata michael!
natawa naman yung dalawa sa sinabi ko. tila wala ng bukas kung makatawa tong mga to! -____-
"yun lang ba hijo? hindi ko kase kabisado tong mall na to. sorry ha?" sabi nung lalaki bwisit pahiyang pahiya na koooo!
"ahh.. o-ok lang po. hehe.." shems naman oh!
BINABASA MO ANG
You're MINE & I'm YOURS (Perfect Couple)
Teen FictionLahat tayo gustong magkaroon ng relasyong magkapatid kung mag protektahan, mag asawa kung mag turingan at mag bestfriend kung mag usap. Parang sila Julian at Carlo. Maraming naiinggit sa ganda ng relasyon nila.Yung bang wala na talagang makakapaghiw...