*Daniel's P.O.V*
umaga na. kakagising ko palang bigla ko agad naalala yung sinabi sakin ni Julian kahapon..
si Carlo talaga gusto ko..
si Carlo talaga gusto ko..
si Carlo talaga gusto ko..
si Carlo talaga gusto ko..
Julian.. bakit? bakit kaibigan ko pa?
bumangon na ko sa kama ko, dumiretso na ko ng banyo para maligo. pagtapos ko maligo bumaba na ko para kumain.
"goodmorning nak" bati sakin ni mama. ma, ano good sa morning ko kung yung babaeng mahal ko may gusto sa pinaka matalik kong kaibigan?
"morning ma" bati ko kay mama sabay kiss sa forehead niya.
"kamusta tulog mo anak?"
"ayos lang naman po ma, kaen ka na rin po"
pagtapos namin kumain. pumasok na ko sa school.
***
andito na ko ngayon sa school. sina Michael, John, Carlo at Mark nagkekwentuhan. wala ako sa mood makisali sakanila, lalo na't kasama rin nila si Carlo..
lumapit sakin si Jonathan.
"morning bro. mag isa ka yata ngayon? badtrip ka pre? sino umagaw ng lollipop mo!? susuntukin natin! patawa talaga tong si Jonathan!
"nakain ko na lollipop ko. problema nga lang pati stick nasama" natawa naman siya ang babaw netong lalaking to. pero pag si iba napaka tahimik at seryoso. abnormal tong si Jonathan.
"aba! matindeeee!" sigaw ni Jonathan na tila elibs na elibs sa sinabi ko. at aba pumapalakpak pa! baliw na tawag dito
agad ko siyang binatukan. natauhan naman siya sa ginawa ko.
"kamusta pala panliligaw mo kay Julian?" change topic tong lalaking to
"wag na muna nating pag usapan yan pre"
"bakit? kase ayaw niya sayo? dahil mas gusto niya kay Carlo?"
"kelan ka pa naging chismoso Jonathan?"
"simula nang mapansing kong si Carlo ay may lihim na pagtingin kay Julian!" aba pre tagalog na tagalog ha? lihim na pagtingin psh baliw to
"paano mo naman napansin?"
"naalala mo nung first day? sinabi mo kay Carlo na may bago tayong chix na classmate, nag katitigan kaya yung dalawa. pero si Julian unang umiwas pero si Carlo? hanggang sa umupo si Julian nakatitig parin siya. basta ilang beses ko nang napapansing nagkakatinginan silang dalawa. sa room nga nagkakatinginan eh! nung nalaman ni Carlo na liligawan mo si Julian, gulat na gulat siya diba? nung araw din na tutulungan sana ni Carlo bitbitin mga gamit ni Julian. basta marami pang iba! di mo ba napansin yon? pre lalaki din ako kaya alam ko kung pano mainlove ang lalaki. di ko alam kung ba't di mo napansin. bakla ka yata o siguro tanga ka lang talaga!"
aray? natanga at nabakla pa ko! tagos puso pre. jk
pero oo nga naman? tanga mo talaga Daniel ba't di mo napansin yon!? bakla ka siguro noh!? nakanang!
"sana hindi masira ang barkada natin nang dahil lang sa babae" sabi sakin ni Jonathan at pumunta na sa pwesto nila Carlo.
*Julian's P.O.V*
english subject namin ngayon. laughtrip kami kay sir! patawa talaga tong lalaking to! parang si Jonathan lang? hahaha ayos to pangpawala ng problema!
napatingin kaming lahat sa lalaking tumayo. si Carlo pala yun.
"ops! san ka pupunta!?" tanong ni sir kay Carlo
"sir lilipat lang po ng upuan! mainit po sa pwesto ko" - carlo
"aba ode magpayong ka!" - sir
"sir wala po akong dalang payong" - carlo
"pahiramin niyo nga tong Varsity ng Volleyball team natin nakakahiya naman sakanya! naiinitan siya!" laughtrip kaming lahat sa sinabi ni sir!
"sir ako may payong!" sigaw ko
"Ms. Santos, pahiramin mo nga kay Mr. Buenaventura yang payong mo" utos sakin ni sir
tumayo naman ako at lumapit kay Carlo. nadaanan ko yung pwesto ni Daniel. napatingin ako sakanya. halata sa mukha niya ang inis. umupo na ko sa upuan ko pagtapos ko ibigay ang payong ko kay Carlo.
"ok na ba yan Mr. Buenaventura? mainit parin ba?" tanong ni sir kay Carlo
"sir naman e" sabi ni carlo sabay kamot sa ulo
ang pogi niya talaga! ok lang kahit hindi siya magkagusto sakin. basta ako? mahal ko na talaga siya.
~ ~ ~
[A/N: hi guys! ok lang ba tong chapter na to? hahaha sorry waley. lol vote & comment naman kayo please? :'> thankyou pala sa mga readers :D labyaaah guys <3]
BINABASA MO ANG
You're MINE & I'm YOURS (Perfect Couple)
Teen FictionLahat tayo gustong magkaroon ng relasyong magkapatid kung mag protektahan, mag asawa kung mag turingan at mag bestfriend kung mag usap. Parang sila Julian at Carlo. Maraming naiinggit sa ganda ng relasyon nila.Yung bang wala na talagang makakapaghiw...