*Carlo's P.O.V*
papasok na ko ngayon sa school. habang nagdadrive ako ng motor, may nakasalubong akong babae. pamilyar siya.. nang nilagpasan ko siya huminto ako at napatingin sakanya. sabi na e.. si Julian.
"ahh.. hi Julz. goodmorning" bati ko sakanya
"ahh.. ehh.. goodmorning din. papasok ka na?"
"oo. sabay ka?"
"nako wag na sige una na ko" aalis na sana siya nang maabot ko braso niya. hindi ko alam kung ba't ko ginawa yun.
"ahh.. carlo? uso bumitaw" napatingin naman ako sa hawak ko. shet! hawak ko pa pala braso niya! agad naman akong napabitaw.
"sorry"
"ok lang carlo" saka siya ngumiti
"tara na angkas ka na kase"
"sige na nga"
pag angkas niya ng motor. papaandarin ko na sana kaso baka malaglag. di yata nakakapit sakin?
"julz. wala ka bang balak kumapit? ok lang naman na chansingin mo abs ko kesa naman malaglag ka"
bigla naman niya ako hinampas at tumawa siya
"baliw ka talaga! baka nga may abs ka? psh! tara na nga!" sabay yakap niya sakin. heaven!
***
nang makarating kami ng school. bitbit ko gamit niya. nung una ayaw niyang pumayag. buti napilit ko. lahat ng mga tao sa paligid nakatingin samin. ngayon lang ba sila nakakita ng maganda at poging nilalang?
bigla ko naman nakita si Daniel sa di kalayuan, nakatingin lang siya samin. ang lungkot ng mga mata niya. di na niya ako pinapansin o maski kausapin manlang.
"uhm julz. una ka na sa room. may kakausapin lang ako" binigay ko na sakanya gamit niya.
"sige. kita nalang sa room carlo" sabi niya sabay wave ng kamay.
lumapit naman ako kay Daniel. nang makalapit ako sakanya sinenyasan niya ako na sa likod ng building kami mag usap. nang makarating kami sa likod ng building.. magsasalita na sana ako ngunit naunahan niya ako..
"mahal mo ba si Julian?"
"ba-ba't mo naman yan natanong daniel? dahil ba magkasama kami kanina? nakasalubong ko lang kase siya kanina sa daan kaya pinasabay ko na siya sakin. saka ako may gusto sakanya? pre diba nililigawan mo siya? hahaha pre naman e. hindi syempre ano ka ba naman pre" tinitigan lang niya ako. parang nahalata niya na di ako nagsasabi ng totoo. oo mahal ko si Julian. sorry pre.
"you're lying carlo. just tell me the truth"
napabuntong hininga ako. shet pre sorry.
"pre.. oo. nung una ko siyang nakita, natulala na ko. hindi ko alam, iba yung naramdaman ko nun. ang bilis ng tibok ng puso ko. ngayon ko lang naramdaman yung ganun. kilala mo naman ako, mahilig lang mambabae. walang alam sa love. pero nung nakita ko talaga siya, ibang iba. ts haha nakakabakla na yata. pero pre hayaan mo. mawawala din tong feelings ko sakanya. alam kong mahal na mahal mo siya. ayokong mag away tayo dahil lang sa babae" paliwanag ko sakanya
"no carlo. ligawan mo siya. mahal ka rin niya. mahal na mahal. ayaw niya sakin, ikaw ang gusto niya. siguro nga may magmamahal din saking babae, baka andito lang din siya sa school na to. di ko lang napapansin. mahal niyo naman ang isat isa. ang gusto ko lang mapasaya mo siya. di na ko mang gugulo. ayaw ko rin naman na mag away tayong dalawa dahil lang sa babae kaya ako nalang mag paparaya. sosoportahan kita sa panliligaw mo sakanya kahit masakit" ba't ganyan ka Daniel? ba't mo sinuko agad si Julian? hindi ko alam kung matutuwa ba ko o malulungkot.. matutuwa dahil mapapasakin na si Julian. malulungkot naman ako dahil sa kaibigan ko.
"pre.. hindi.. ayoko.."
"pre ayos lang talaga sakin" tinapik niya ang balikat ko at saka siya umalis.
***
TLE time. pinag groupings kami ni maam para sa cooking contest sa nutrition month. kagrupo ko si Julian. kada magkakatinginan kami, nagkakangitian naman. pag tumitingin naman ako kay Daniel, ngumingiti siya sakin pero halata sa mukha niya na di siya ok.
"so ano plano? kelan daw ba yung contest na yan? - julian
"next next week pa daw julz" - ako
nang matapos na ang groupings. recess na. andito kami ngayong magkakabarkada sa bench.
"pre, totoo? may gusto ka kay Julian?" - michael
"oo pre. may gusto siya kay Julian. pero ayos lang sakin. may iba pa namang babae jan na mamahalin ako. nagmamahalan sila, kaya ok lang sakin na ligawan ni carlo si julian" paliwanag ni Daniel
"sigurado ka bang ok lang sayo?" paninigurado ni Mark
"oo naman. basta suportahan nalang natin si carlo sa panliligaw niya kay Julian. kelan mo ba balak pre?" tanong sakin ni daniel
"ahh.. ehh.. e..wan? liligawan ko siya pag di ka na nasasaktan" - ako
"ha? ok lang naman sakin e" ngumiti pa si daniel
"pre wag kang mapilit. halatang nasasaktan ka pa. tama sinabi ni carlo. ligawan nalang niya si julian pag di ka na nasasaktan. basta pre, dadating din yung babaeng para sayo. malay mo andito lang siya sa campus" - jonathan
"oo na. oo nasasaktan pa ko pero parang onti nalang naman na? bakit? kase.. hehe.. basta.. akin na yun!" - daniel
"wew. daya nito! kwento mo!" - john
"ganito kase.. basta! tara na nga sa room!" daniel
buti naman at nagkaayos na kami ni daniel.
~ ~ ~
[A/N: hi guys! sorry ngayon lang nakapagupdate. after 123456789 years nagka'net narin dito sa bahay XD saka busy rin kase ako sa mga homeworks kaya ayon. sorry talaga guys. hintayin niyo lang yung next chapter :)]
BINABASA MO ANG
You're MINE & I'm YOURS (Perfect Couple)
Teen FictionLahat tayo gustong magkaroon ng relasyong magkapatid kung mag protektahan, mag asawa kung mag turingan at mag bestfriend kung mag usap. Parang sila Julian at Carlo. Maraming naiinggit sa ganda ng relasyon nila.Yung bang wala na talagang makakapaghiw...