Julian's P.O.V
nagising ako sa sikat ng araw. grabe hindi pala ako nakapagpalit ng damit kagabi. ginising naman nila ako kagabi para kumain ng matapos na ko inantok agad ako kaya di agad ako nakapagpalit.
napatingin ako sa side table, nakapatong dun yung paper bag na blue magic na binigay sakin ni carlo kagabi. umupo ako sa kama ko at inabot ang paper bag. bubuksan ko na sana ng biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko
*tok* *tok* *tok*
"pasok lang po" sigaw ko. binuksan naman ni mommy yung pinto. tumabi siya sakin sa kama.
"baby girl, what's that?" tanong sakin ni mommy. hindi ko pa pala nasasabi sakanila na bigay sakin to ni carlo
"bigay po sakin ni carlo kagabi" sabi ko nang nakangiti
"carlo ba ang pangalan niya?"
"yep. carlo buenaventura po ma"
"ahh. alam mo ba baby, gusto ko siya for you. maski naman daddy mo diba?" napangiti ako sa sinabi ni mommy
"well, i think he likes you too baby"
"ts hindi rin siguro ma" yun na lamang ang nasabi ko. napaka impossible naman kase e.
"the way he looks at you, dun ko nakita na mahal ka rin niya anak" ma naman e, pinapakilig mo ko!
"ma.."
"you're blushing" sabi ni mommy habang nakangiti. yumuko nalang ako. nahihiya ako kay mommy. first time niya kong makitang mag blush
"dalaga na ang anak ko. osha, kung gutom ka asa kitchen lang yung ulam nakaluto na ko. dun lang ako sa kwarto namin ng daddy mo, mag papahinga lang ako" tumango nalang ako kay mommy at hinalikan siya sa pisngi
nang makalabas na siya ng kwarto ko. itutuloy ko ng buksan tong paper bag.
nang mabuksan ko na.. BABOY! baboy na stuff toy! :D paborito ko ang mga baboy na stuff toy. ewan ko ba, nakukyutan kase ako.
niyakap-yakap ko ang stuff toy na bigay niya sakin. ang sarap yakapin! kinuha ko ang cellphone ko sa side table. itetext ko si carlo para mag pasalamat sa binigay niya. uy! may mga nag text
from: michael
guys! simba nga tayo. tas kain na rin sa labas :) kita kita nalang mga bandang 4:00pm. simba at kain lang naman e. di na gagala hahaha poor na ko :( lol haha ok seeyah guys!
from: mark
guys simba daw tayo mamaya a? seeyah!
from: daniel
uy mamaya magkikita kita nanaman tayong tropa! :D kitakits
from: bes jubelle
simba daw mamaya magkikita kita nanaman tayis! hahaha walang sawaan ng mukha k? ge kita nalang later :))
nireremind lang pala nila na may simba kami mamaya. nireplyan ko nalang sila ng 'goodmorning, ge kitakits nalang later.'. meron pa pala isa!
from: carlo bakulaw <3
goodmorning halimaw :) musta tulog? btw, nagustuhan mo ba yung binigay ko sayo kagabi? sana magustuhan mo ;) nga pala mamaya may simba daw tayo. seeyah later julz :')
kinilig ako sa message niyaaaa! kyaaaaa! naman e :') itext ko nalang nga rin!
to: carlo bakulaw <3
goodmorning bakulaw :)) kakagising ko lang. and yea, nagustuhan ko :') thankyou talaga ha?
*message sent*
after 2 minutes nagreply na siya
from: carlo bakulaw <3
you're always welcome :)) osha kumaen ka na sleepyhead :p
to: carlo bakulaw <3
oo na. kakaen na :p
*message sent*
hindi ko na hinintay ang pagreply niya. nakangiti akong bumaba sa kusina para kumain.
Jonathan's P.O.V
hi! hello! hi! hello! hi! hello! bye! bye! bye! dejk lang. hahaha corny ko no? pogi naman. hahahaha atleast totoo ako sa sarili ko! hahaha :P kilala niyo naman ako diba? isa ako sa Campus Prince sa East High Academy (EHA) ewan ko ba kung ba't Campus Prince tawag saming anim. dahil siguro pogi lang talaga kami. ok alam ko na yun naman pala eh. hahaha! alam ko na yun na pogi kami matagal na :) hahaha tahimik ako pag iba kasama ko pero pag silang tropa ko kasama ko? sobrang daldal ko. ako din yung matalino saming anim, may mga utak naman sila pero medyo di daw nila ako mareach. mga busy kase sa mga babae, buti pa si carlo nag bago na. tnx to julian, si carlo kase pinaka mabagsik samin mangchix. hahahaha! sabi niya kase dati nakakagwapo daw yung maraming babae. ts sarap sapakin no? nga pala, di ako mahilig mangbabae. medyo lang hahaha pero mas hilig ko talaga sa mga libro.
ge maiba na tayo. andito kami ngayon sa simbahan. kumpleto nanaman ang tropa. medyo nakakaantok tong boses ni father. alam niyo yung parang lasing na sobrang puyat? imagine niyo yung ganung lalaki tas nagsasalita! ganun siya magsalita. ang boring! gusto ko man matulog pero bawal, asa harap kami ngayon ng diyos.
napatingin ako kay mark dahil nag hikab siya.
"dude nasa simbahan tayo wag mo naman lakasan yang paghikab mo" bulong ko sakanya
"eh sa nakakaantok nga kase. dagdag mo pa boses ni father ts" sagot niya
nang kakanta na ng ama namin, napatingin kaming lahat kay carlo dahil katabi niya si julian. naks! first holding hands nila. baka nga holding hands tawag dun? hahaha mahawakan lang kamay holding hands agad? hindi ba pwede kelangan lang ng ganun kase kakanta ng ama namin?
nang matapos ang kanta. maya maya pa'y peace be with you na XD
"guys peace be with you" sabi samin nila julian at jubelle
"peace be with you din sa iniyo. mga pare rest in peace" sabi ni michael. loko talaga to
"julz peace be with you" agad namang sinunggaban ng halik ni carlo si julian. sa pisngi guys! hindi lips!
napahawak nalang si julian sa pisngi niya kung san hinalikan ni carlo at saka siya tumingin sa ibang direksyon. hahaha! kinikilig si julian! halatang halata! di pa kase sila mag aminan e! ay alam pala ni carlo na may gusto sakanya si julian. kaso tong si carlo ayaw pa umamin. torpe bwisit
"nakita ko yoooon!" sigaw ni michael. di naman yung sigaw talaga. sakto lang pero medyo malakas. gets? kung hindi bahala na kayo!
"ako rin!" sigaw nila. akala ko ako lang nakakita. halos lahat pala kaming barkada nakita yun.
"ay sorry julz. di na mauulit" sabi ni carlo
"ok lang" ngumiti naman si julian kay carlo
"dumadamoves si carlo" sabi ni daniel. natawa nalang kami sa sinabi niya
(mcdo)
mcdo ulit kami kakaen. kahapon mcdo, ngayon mcdo ulit. ts si carlo kase e. porket gusto ni julian dito dun na rin siya. unfair! :( loljk
habang kumakaen kami kwentuhan lang kami ng kwentuhan. nang matapos kaming kumain, nagstay pa muna kami and after that napagdesisyon na namin na umuwi na dahil gabi na rin baka may mangyari pa sa dalawa naming kasamang babae.
"guys sabay na kami uuwi ni julian. babye! ingat kayo ha?" - jubelle. may pagkasweet din tong babaeng to. parang kapatid na rin turing ko sakanya pati na rin kay julian. only child lang kase ako.
umuwi na rin yung limang kumag. nagmaneho na rin ako pauwi. nang makarating ako sa bahay agad kong ibinagsak ang katawan ko sa kama ko. pumikit ako at di ko namalayan nakatulog na pala ako.
~ ~ ~
[A/N: hi guys! :D sorry ang corny ng chapter na to. hintayin niyo nalang yung next chapter :) vote and comment naman kayo guys plith? :') thankyou <3]
BINABASA MO ANG
You're MINE & I'm YOURS (Perfect Couple)
Teen FictionLahat tayo gustong magkaroon ng relasyong magkapatid kung mag protektahan, mag asawa kung mag turingan at mag bestfriend kung mag usap. Parang sila Julian at Carlo. Maraming naiinggit sa ganda ng relasyon nila.Yung bang wala na talagang makakapaghiw...