HIW 3

23.6K 370 21
                                    

Kasalukuyan akong nagluluto ng adobo, Kare Kare and pasta. Pero patapos narin ako.




“Wow! Ang bango naman no'n!” rinig kong sabi ni seven.


“Gutom na ako!” dagdag naman ni red ng makita niya ako sa kitchen.



Umupo sila sa dining ng hindi pa naliligo dahil pawis na pawis sila kaya napatingin ako kay zee hubby ko na nakatopless. Shem's! Ba't parang uminit dito sa kusina?


‘Yung wet sizzling abs niya! Si kite naman top less din pati si Kuya jez.


“Hindi pa ba muna kayo maliligo? Ambabaho niyo na, oh!” I joked.



Ambango nga nila, e. Halatang endorser ng mga pabango. Yeah, lahat ng mga yan model. Yung isa, sa bench. At ‘yong isa sa pabango. At 'yung isa din naman basta! Diko na matandaan. May mga pa brief brief pa, e.




“Grabe ka naman serine! Ang bango bango ko kaya! Kahit amuyin mo pa mga ako, e.” sabi ni red at bahagyang itinaas taas ang kili kili niya.




Umirap nalang ako at nagfocus sa pagluluto. Kaya ayun naligo muna sila bago kumain.





Kung may makulit sa grupo nila ay yon ay si red at seven. Pareho silang matakaw at sobrang kulit.





Inihain ko na ang mga pagkain ng dumating na sila dad and mom. I kissed them on their cheeks at sabi nila ay susunod na din daw sila.




Ako naman ay naligo na din dahil nakakahiya naman sa mga lalaki na yon.




Nagshorts nalang ako pero hindi yong maiksi.at karaniwang damit na sinusuot ko tuwing nasa bahay. Itinali ko na ang aking buhok at bumaba na.



Andun na silang lahat at ako nalang pala ang hinihintay. Umupo na ako at nagsimula na kaming magpray.




“Amen!”



Habang kumakain kami ay pasulyap sulyap naman ako kay zee hubby ko. I bet baka hindi niya nagustuhan ang luto ko.





“Wow! Grabe ang sarap naman netong mga pagkain!”  sabi ni seven na talagang nakakailan na ng pagkain.



“Syempre. Magaling kaya magluto si serine!” sabi naman ni red kaya napatungo nalang ako sa mga sinasabi nila.




Ang saya saya lang sa pakiramdam dahil may gusto ng mga ginagawa mo.




“Kailan ka natutong magluto, serine?” tanong naman ni kite.




Nahiya naman ako sa tanong niya. Naalala ko kasi yung sinabi niya nung nakaraang araw.



“U-uh. Nung 9 years old ako natutong magluto. Tinuruan kasi ako ni mommy.” sabay baling ko Kay mommy na nakangiti sa akin.


Tumango tango nalang sila.



Muntikan ko namang hindi malunok ang kinakain ko ng magsalita si mom. Oh-uh.




“Jez, kilala mo ba ang lalaking pinagbibigyan ni serine ng food?” sabi ni mom.





Napalingon naman silang lahat sa akin. Bigla akong kinabahan at iniisip na sana ay lamunin na ako ng floor ngayon.



“Mom!” suway ko.



Ngumiti lang sa akin si mom ng matamis. Omygosh.



“Hindi ko po kilala auntie, e.” sagot ni Kuya jez kaya napahinga nalang akong maluwag.



His Intruder Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon