HIW 16

24.6K 423 13
                                    

"H-husband? K-kayo na ulit, serine?" naguguluhan na tanong ni kite.

Anong sasabihin ko? Na oo? Na nalaman kong hindi peke ang kasal namin kaya eto kami ngayon at magsasama ng halos tatlong buwan at pagkatapos ay makikipaghiwalay na ako sa kanya? Ang great lang!

"Yes, bro. We're back together and we're going to be a family now."

Nanlalaki naman ang aking mga Mata at ganon din si kite dahil sa sinabi ng lalaking 'to! Anong pinagsasabi niyang magiging pamilya na kami?! Sinasabi ba niyang b-buntis ako?

Kinurot ko naman sa bewang 'tong si zee kaya ayun hindi maipinta ang mukha. Pilit naman akong ngumiti kay kite na mukhang hindi rin makapaniwala.

"N-nagbibiro lang si zee, kite h-hehe."

Zee laughed kaya napatingin kami sa kanya. "Anong nagbibiro ang sinasabi mo wife? Kinakahiya mo ba ang gabing pinagsaluhan na---araaaaay!" piningot ko naman ang kanyang tenga.

"U-uhm...sensya ka na kite, a? Kwento nalang ako next time! B-bye!" hinila ko nalang si zee paalis dun at iniwang tulala si kite.

Ng makalayo na kami ay saka ko pinaghahampas si zee. "Ano ka ba naman! Ba't mo 'yon sinabi? Zee naman e!" inis kong sabi at nilampasan siya.

Pumunta ako sa counter kung nasaan ang cart namin at sinamaan ang babaeng malagkit ang tingin sa asawa ko. OO ASAWA KO! KAINIS!

"A-ah. Sir, binantayan kong mabuti 'yang cart mo hihi." malanding sabi niya sa asawa ko at nagpapacute pa!

"Thank you." tugon naman niya.

Napairap nalang ako at huminga ng malalim. Kumalma ka, serine. Paa mo lang yan. Paa mo lang yan.

Ngumiti ako ng matamis at lumingon sa kanila.

"Hubby, didn't I told you to behave?" at pinandilatan pa siya. Mukha namang hindi niya nagets. "Alam mo, imbes na suyuin mo ako dahil sa nangyare kanina, wala ka pang ginawa kundi makipaglandian diyan sa babaeng yan!" inirapan ko siya at umalis.

Alam kong pinagtitinginan kami ng mga tao dahil sa pagsigaw ko at rinig ko ang pagtawag sa akin ni zee pero hindi man lang niya ako sinundan. Ma's lalo lang akong nainis dahil sa ideyang 'yon!

Akala ko pa naman, susundan niya ako at mag so sorry siya pero ma's pinili niya ang mga hays! Yung babaeng 'yon ang kapal!

Nauna na ako sa kotse at hinintay nalang siya 'don. Badtrip! Super great talaga!

Buong byahe ay hindi ko siya pinansin kahit na kulit siya ng kulit sa akin. Ng makarating kami sa bahay ay agad agad akong bumaba. Kaso, hindi pa ako nakakalayo ay niyakap na niya ako ng mahigpit sa aking likuran.

"Sorry na, wife. Huwag ka ng magtampo oh..." aniya at isiniksik ang kanyang mukha sa aking balikat. "Alam mo naman na ikaw lang, e. Ikaw lang ang pinakamaganda sa akin at ikaw lang ang babaeng minahal ko."

Napairap nalang ako at napanguso. Bat ba ang lambing lambing ng boses niya at ang sarap sarap pakinggan sa tenga ko?

Tinanggal ko ang kamay niyang nakayakap sa akin at hinarap siya. "I told you to behave but you didn't. " inis kong sabi.

Ngumisi siya sa akin at napatili ako ng wala sa oras ng hinigit niya ako papunta sa kanya ng sobrang lapit namin na halos nakayakap na siya sa akin.

"Ang sarap makitang nagseselos ang asawa ko, hnm? Ang ganda ganda mo talaga! Shit." napapikit naman ako ng halikan niya ang tungki ng ilong ko.

A lot of guys say's that I'm beautiful pero, bakit kay zee lang ako naniniwala?

Itinulak ko siya at umiwas ng tingin. "Hindi ako nagseselos, no! Asa ka!" sabi ko at tinalikuran siya.

His Intruder Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon