Final Chapter

27.6K 478 31
                                    

'Zee Kenester's Point of View'

"Ma, punta lang po ako ng playground!" paalam ko kay Mamie Ellie.

I was 14 years old back then, pero bumibisita parin ako ng playground para pagmasdan siya.

Sumakay ako sa aking bike at huminto ng makita ang hinahanap ko. She was wearing a simple white dress at masayang naglalakad kasama ang yaya niya.

I don't know her name but every time that I see her, my heart beating so fast. I can't even go near her because I feel like I'm scared. So, okay na sa akin ang pagmasdan lang siya mula sa malayo.

But then one day, I saw her fell on the ground. Damn! Gustong gusto ko siyang lapitan pero sobrang kaba ang nararamdaman ko.

Lalapitan ko na sana siya ng bumalik na ang yaya niya at binuhat siya. Nagpapanic ang yaya niya at driver niya habang isinasakay siya sa kanilang sasakyan.

She was 10 years old at nalaman ko na lagi pala siyang sakitin. Alam ko naman sa umpisa palang tuwing ngumingiti siya, may bahid na lungkot ang magaganda niyang mata.

Since that day, hindi ko na siya nakita pa. Hindi na siya bumabalik sa playground. Fvck, this is gay but I think, I fell inlove with that girl.

"Ken, I think this is her phone number. If you want to contact her, I won't stop you 'cause she's your mother." dad said and patted my head.

I don't know what to say. Matagal ko ng alam na hindi si Mamie Ellie ang totoong mama ko pero I still love her. Kahit na hindi ko siya totoong nanay. At gusto ko lang makilala ang totoong mama ko.

It just that, I want to ask her. Ang dami kong tanong sa kanya. Bakit niya ako binigay kay dad? Ang alam ko kase, iniwan niya ako kay dad dahil hindi pa raw siya ready sa akin.

'Lets meet at the park at 3 pm. Please take care! I love you!'

'Yon ang huling text na natanggap ko sa kanya bago mangyare ang aksidenteng 'yon.

Alas dos palang ng hapon ay nandun na ako sa park. Sobrang saya ko ng araw na 'yon dahil sa wakas, makikita ko na siya at masasagot na ang mga tanong ko sa buhay.

Pero alas tres na ng hapon pero wala akong nakita ni anino niya. Naglibot libot ako sa buong park at nagbabasakaling makita siya at napunta ako sa gilid ng hallway.

At sa hindi inaasahan, may nakita akong magandang babae na kaedad lang ni Mamie Ellie. Hindi ko alam pero parang ang gaan gaan ng loob ko sa babaeng 'yon. At napagtanto kong siya ang babaeng hinihintay ko kanina pa dahil kumaway siya sa akin at ngumiti.

Pero napako ang aking tingin sa batang babae na naglalakad patawid sa kalsada at parang walang kamalay malay dahil papalapit na ng papalapit ang isang truck.

Busina ng busina ang truck sa bata pero parang wala siyang naririnig at ng tumingin ako kay mama, ay wala na siya do'n.

Napunta ang aking atensyon sa kalsada at parang unti unting tumigil ang lahat ng makita ko si mama at ang batang babaeng nasa playground. Imbes na ang batang babae ang masasagasaan ay itinulak ng mama ko ang batang 'yon at siya ang nabunggo ng truck.

Tila ba napako ako sa aking kinatatayuan at hindi makagalaw dahil sa aking nakita. Dumating ang ambulansya at parehong walang malay ang batang babae at ang mama ko.

Simula ng araw na 'yon, pakiramdam ko parang nawalan ako ng buhay. Andun na e, masasagot na ang mga katanungan ko. Makilala ko na ng totoo kong nanay pero namatay siya ng ganon ganon lang.

His Intruder Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon