HIW 23

25K 414 6
                                    

Hindi ko alam kung bakit natakot akong pumasok ng opisina. Nagkulong lang ako sa buong kwarto ng buong araw. At isa pa, kaninang umaga pa masama ang pakiramdam ko.

Uminom na ako ng gamot at nagpahinga nalang sa aking kwarto. Sa tuwing iniisip ko na papasok ako sa office at makikita ang laman ng envelope ay kumikirot na agad ang puso ko.

Eto naman talaga ang gusto ko diba?

Gusto ko nga ba?

Kinabukasan ay pumasok na ulit ako sa kompanya. May mga kailangan daw kasi akong pirmahan at isa pa, kailangan ko 'tong harapin.

Good morning Ma'am!”

Bati ng mga nakakasalubong ko. I bit my lip and sighed. Pumasok ako sa office ko at as usual, wala namang nagbago. Napunta naman ang aking atensyon sa lamesa.

Sunod sunod ang aking paglunok ng makita ang isang envelope. Pumunta ako dito at kinuha 'to.
Dahan dahan ko siyang binuksan at ng makita ko 'to ay nanuyo ang aking lalamunan at kumikirot sa sakit ang aking puso.

Nabitawan ko ang papel at sunod sunod na pumatak ang mga luha ko. Hindi na nagigng klaro ang paningin ko dahil sa pagiyak ko.

Napahagulgol na lamang ako. Hindi ako makapaniwalang ganon ganon nalang. Bakit sobrang bilis?

Ang sakit sakit ng nararamdaman ko. Hindi ko mapaliwanag dahil sa naguguluhan ako? Gusto kong magalit pero bakit? Bakit nakakaramdam ako ng galit samantalang dapat nga maging masaya ako e.

Isinantabi ko muna ang bagay na 'yon dahil marami pa akong dapat gawin. Pero hindi ako makapagconcentrate dahil si zee lang nasa isip ko ngayon!

Mugto mugto ang aking mga mata at humahapdi narin 'to dahil hanggang ngayon, wala parin 'tong tigil sa pagluha.

Does this mean, may nararamdaman pa ako sa kanya?

Dahil hindi naman ako masasaktan ng ganito kung wala akong nararamdaman sa kanya, e. Pero bakit?

Kung sino pa 'yung taong nanakit sayo, siya pa ang taong hinahanap hanap mo at minamahal mo.

Ang unfair unfair ng buhay, bakit kailangan pang masaktan para matuto?

Bigla nalang umikot ang paningin ko at hindi ko alam kung bakit gusto ko nalang sumuka. Dali dali akong pumasok sa cr at sumuka.

At natatandaan ko na wala naman akong nakain na kung ano. Pero bakit ganito ang pakiramdam ko? Kahapon pa masama ang pakiramdam ko.

Is there something wrong with me?

Naghugas nalang ako ng aking mukha at pinagmasdan ang sarili sa salamin.

“Finally, nabawi mo narin mula sa asawa mo ang kompanya mo. At nakuha mo na din ang kalayaan mo mula sa kanya, pero bakit ka nasasaktan?” tanong ko sa aking sarili.

I should be happy right now! Tama! Hindi dapat ako umiiyak at nasasaktan dahil ginusto ko 'to!

Inayos ko ang aking sarili at lumabas na ng cr. Nagulat naman ako ng makita ko si sic na nakaupo sa couch.

“Ma'am serine.” sabi niya.

Hindi ko alam kang bakit kumakabog na naman ang aking puso sa kaba. Lumapit siya sa akin at iniabot ang envelope.

Envelope na naman?

Sa tuwing humagawak ako ng envelope, kinakabahan ako at feeling ko may malalaman na naman akong bagay na pwedeng bumago sa buhay ko.

“Iyan po ang resulta sa pinapagawa niyo sa akin.”

Napakagat nalang ako sa aking ibabang labi ng tinitigan ko ang envelope. Should I open it?

His Intruder Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon