HIW 15

27.3K 414 17
                                    

Huminto ang sasakyan sa tapat ng isang pamilyar na bahay. Kunot noo kong nilingon si zee na bumaba ng sasakyan.

Tinitigan ko 'tong mabuti at wala namang nagbago. Ganon parin gaya ng dati. Teka, dito parin ba siya tumitira?

Bumaba ako ng sasakyan at pinagmasdan ng mabuti ang paligid. Mukhang hindi naaalagaan. Napabayaan to be exact. Ang mga damo, ang haba na at ang mga bulaklak ay nalanta na din.

“Do you still live here?”

Nilampasan niya ako habang dala dala ang mga bagahe ko. Psh, sungit! Napangiti nalang ako sa mga iniisip ko. I will make him suffer.

Pagkapasok ko sa bahay ay parang bumalik lahat ng sakit na dinanas ko noon sa pamamahay na 'to. Mapait na pagbabalik.

“Bakit ma's pinili mong tumira dito? Masaya ka ba na naaalala mo ang lahat ng mga ginawa mong katarantaduhan sa akin noon? Ang mga pangbababae mo? Tsk!”

Umupo ako sa couch at kumuha ng isang magazine. Kumunot naman ang aking noo ng makita na ako ang nasa cover. Uh, this was my first magazine.

Tumingin ako ng iba pero puro lahat ako ang nandoon. Tsk. Bakit puro mukha ko ang nandito? Ang great lang.

“You have my first and last magazine. Are you one of my stalker?” nakangisi kong sambit.

Lumapit siya sa akin at inayos ang mga kinalat ko. Ibinalik niya 'yon sa mga lalagyan.

“No. I'm just a supportive husband.” then he winked at me. “I've never been your stalker because stalker is only for those strangers and I'm not a stranger. I am your husband.”

Napanguso nalang ako. Fine! Naiinis ako dahil natuwa ako sa mga sinabi niya. Umakyat na ako sa taas.

Supportive husband, my ass.

Kung may pinagbago man ang bahay na 'to, siguro kulay. At wala ng iba. Hindi paren magbabago para sakin na 'tong bahay na 'to ang saksi sa lahat ng mga paghihirap ko.

Huminto ako sa harap ng pintuan. Ang pintuan...pero bakit kinakabahan nanaman ako?

Bakit bumabalik na naman ang mga sakit?

Huminga ako ng malalim at pumikit. Iniisip na tapos na...na apat na taon na ang nakalipas. Wala na akong masasaksihan.

Napalunok nalang ako ng maramdaman ang mainit na bagay sa ibabaw ng aking kamay. Lumingon ako at nakita ko si zee.

“Don't worry, wife. I'm not going to do the same mistake I did before. I love you, okay? Just trust me this time.” he wiped my tears and hugged me.

Kahit papano ay nakahinga ako ng maluwag. Bumukas ang pintuan at sabay namin 'yong hinarap. At gaya ng dati, walang pinagbago.

“Bakit ganito parin?”

Umupo ako sa dulo ng kama at pinagmasdan ang paligid. Hindi siya sumagot kaya kinuha ko ang gamit ko at pinakita sa kanya ang papel.

Kunot noo niya 'tong tinanggap. “Thats my rules for staying here. I hope you wouldn't mind, right?” ngumiti ako sa kanya at humiga ng kama.

My rules are:

1. Huwag na huwag mo akong pinapakialaman sa mga ginagawa ko.

2. No making out or should I say no sex with me.

3. Huwag kang magdadala ng babae sa bahay.

4. You're not allowed to date anyone except me.

5. I allowed serine to date any guy she want.

His Intruder Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon