HIW 18

22K 364 6
                                    

Take time to read this!

Hello guys! Thank you very much sa mga nagcocomment and sumusuporta sa akin. Lalo na 'yong ibang reader na sinusubaybayan lahat ng works ko and I do really appreciated that, Mhexy_Scarlett yeah, gustong gusto talaga kitang pasalamatan sa pagsuporta sa akin and EDchikas thank you also❤ sana hindi kayo magsawang basahin ang mga story ko at sa mga susunod pa LOL. And also, ALLIAH CABATBAT thank you din! Lablab❤

“Why?!!” I asked and tears keep falling down into my cheeks.

Umiwas siya ng tingin sa akin. “Natakot ako, wife.” saka siya humiga at tinalikuran ako.

Hindi ko alam kung bakit tuloy tuloy parin ang pagpatak ng luha sa aking pisnge. Natakot?

Ano naman ang ikinatakot niya? Pinagloloko ba niya ako?

Bakit? Natakot siya kaya nagawa niya akong saktan? Ang great lang talaga!

Pinunasan ko ang aking luha at humiga din. Mapait akong napangiti. Pinagmasdan ko ulit ang kalangitan. Sobrang daming stars at malamig ang simoy ng hangin.

“Alam mo...matagal kong pinangarap na gawin natin 'to. Noon kase, halos lumuhod ako sayo para lang sa atensyon mo. Kase...lagi kang busy sa mga babae mo. Ako, laging naghihintay at umaasa sayo.” huminto ako para maalala ang mga nangyare noon. “Masakit pero kinaya ko kase alam kong dadating din ang panahon na makikita mo ang halaga ko. Na...na dadating din ang panahon na matututunan mo din akong mahalin.”

Ramdam ko na nakatitig siya sakin pero hindi ko inalis ang aking Mata sa mga bituin sa langit.

“Pinili kong masaktan, at tiisin lahat ng sakit. Ang makita ka na nakahubad at may kasamang iba't ibang babae...sa mismong kwarto pa natin...kaya natutunan kong sumuko. Umalis ako ng araw na 'yon dahil hindi ko na kaya. Bumalik ako hindi para sayo...” pinunasan ko ang luha ko dahil lumalabo na ang paningin ko. Tumingin ako sakanya. “...bumalik ako para kunin ang dapat sa akin. Kung anong nararapat sakin at...at h-hindi na kita m-maha---”

“We should sleep now.” aniya at mabilis na umiwas ng tingin. Tumalikod siya at humiga na.

Huminga ako ng malalim at humiga nalang din. Pinagmasdan ko nalang  ang kanyang likudan dahil hindi ako makatulog. Tama. Kailangan kong magplano.

Kung paano ko mababawi kay zee ang kompanya namin. Pero paano ko naman 'to patatakbuhin? Ugh!

Sa nga pala, bibisitahin ko ang isang kaibigan bukas. Isama ko kaya si zee?

Huminga nalang ako ng malalim at natulog na. Madami pa akong kailangang gawin bukas.

Nagising ako na wala na si zee sa tabi ko. San naman kaya 'yon nagpunta?

His Intruder Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon