HIW 7

21.7K 329 6
                                    

Tapos na kaming magdinner at naguusap usap nalang sila. At ako naman ay sobrang bagot na bagot na.

Kaya nagpaalam akong pupunta munang comfort room. Tatayo na sana ako ng magsalita ang mama ni zee hubby ko.

“Kenester, samahan mo naman ang fiance mo.”

Napatingin ako kay zee hubby ko na mariin ang tingin pero nakatutok lang sa cellphone niya. Tumango tango naman ang daddy niya na samahan ako kaso hindi siya kumibo.

“Uhm. Okay lang naman po. Kaya ko na ang sarili ko.” ngumiti ako sa kanila at tumayo saka na umalis.

Nawala ang ngiti sa aking labi ng makalayo na ako. Huminga nalang ako ng malalim at inaalala kung ano na kayang mangyayare sa akin mamaya.

Maging succesful kaya 'tong pekeng kasal na 'to? Magiging masaya kaya ako sa piling niya?

Sa lalim ng aking pagiisip hindi ko namalayan na may nabangga na pala ako. Shems! Ang clumsy ko talaga at nandamay pa ako!

Natapon ang hawak hawak niyang wince at kumalat sa sahig. Napakagat nalang ako ng mariin sa aking ibabang labi.

“I-I'm sorry! S-sorry talaga! H-hindi ko s-sinasadya!”

Madami naring mata ang nakatuon sa amin. Patuloy lang ako sa paghingi ng tawad sa lalaking nabangga ko. Nagangat siya ng tingin sa akin ng nakangiti.

“Im sorry talaga! Uh? Papalitan ko nalang ang wine mo. Im really sorry, mister.” sabi ko.

Nagkasalubong ang mga mata namin at nagulat ako dahil sobrang gwapo niya! As in! Super! Napalunok tuloy ako ng wala sa oras. Buti nalang hindi nabasa ang dress ko.

Pero bakit parang pamilyar siya? Have we met before?

“No. Its okay. It was actually my fault, lady. ” aniya ng nakangiti sa akin.

Feeling ko nakita ko na siya! Somewhere that hindi ko lang alam.

“H-ha? Kasalanan ko! I was spacing out kaya hindi ko namalayan na may mababangga na pala ako. I'm really sorry.”

“No, it was my fault. Nakita kita at may oras pa akong umiwas ngunit nabighani ako sa iyong kagandahan, binibini.”

Natawa tuloy ako ng wala sa oras dahil sa sinabi niya. Makata pala ang lalaki na 'to.

“Ginoo, ako'y simpleng babae lamang at hindi ako nakakabighani. Ikaw ay namamalikmata lamang.” sabi ko ng nakangiti.

Pareho kaming natawa at siya naman ay tinawag niya ang waiter para ipalinis ang kalat sa sahig.

“Ako nga pala si Eazer, binibini.” aniya at inilahad ang kanyang kamay.

“Ikinagagalak kong makilala ka, eazer. Ang aking pangalan naman ay se---.”

Nagulat ako ng may umakbay sa akin at walang sabi sabing inilayo ako sa lugar na 'yon. Lumabas kami ng restaurant na akbay akbay parin ako ng lalaki na 'to pero parang pamilyar ang amoy niya!

It's my hubby!

Huminto kami sa harap ng sasakyan niya at dun na niya ako hinarap. Kaya tama ako at si hubby talaga ang umakbay sa akin.

“H-hi hubby! Ba't mo ako inilayo dun? Umalis na ba sila mama?” tanong ko.

Hindi siya nakatingin sa akin paro ramdam ko na galit siya dahil nagaalab ang kanyang mga mata.

Sinundot sundot ko naman ang bewang niya dahil hindi niya ako sinagot. Ang mokong na 'to! Manghihila nalang bigla tapos hindi naman magsasalita.

“Hubby?” tawag ko ulit pero hindi manlang njya ako nilingon. “Uy? Galit ka ba?” napanguso nalang ako.

His Intruder Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon