HIW 9

20.7K 341 13
                                    

I am still seventeen and will be eighteen tomorrow. And the next day will be my wedding---Fake wedding. Great?

And the other day will be hell. Sa tatlong buwan naming pagsasama parang nawawalan na ako ng gana---ESTE pag asa, pag asa na mamahalin niya ako at magbabago pa siya.

Wala nga atang araw na wala siyang kasama na babae. Walang araw na hindi niya pinaparanas sa akin na hindi ako mahalaga sa kanya at wala siyang pakialam sa akin.

Hindi naman ako mahirap mahalin, hindi ba? Bakit? Huminga ako ng malalim bago pirmahan ang pinapapirma niya sakin.

Kasulatan daw para sa kontratang pekeng kasal namin. Ni hindi ko na binasa dahil nanlalabo na ang mga Mata ko. Anumang oras, tutulo na ang luha ko.

“Happy? 130 days will start when our fake wedding is done, right?”

Kahit na malabo ay nakita ko pa siyang ngumisi at tumango.

“G-great!”

Umalis na ako sa harap niya at nagkulong nalang sa kwarto. Umiyak ako ng umiyak dahil malapit na ang pekeng kasal namin. At sa oras na yon, kailangan ko ng ihanda ang sarili ko para pakawalan siya.

Nagising ako ng may nakayakap sa akin. Amoy palang niya, kilala ko na agad. Simpleng gesture lang niya, umaasa nanaman ako.

Konting pakita lang niya ng sweet gestures, tanga nanaman ako.

Maingat akong umikot para makita ang napakagwapo niyang mukha. Kung tutignan mo, hindi mo aakalain na ang maamo niyang mukha ay may masama palang ugali.

Sa totoo lang, ang dami dami kong rason para iwan siya. Ang dami daming rason para hindi ko siya mahalin pero ayaw ni puso eh. Sabi niya, kaya pa niya.

Dahil siguro, dadating at dadating din tayo sa end point natin kung hanggang saan natin kayang magpaka martyr. Dadating din tayo sa punto na, pagod ka na at kailangan mo ng sumuko.

“Hubby?” tawag ko sa kanya ng maramdamang gising na siya.

Gumalaw ang kanyang mga Mata at naramdaman ko ang kanyang napakabango at mainit niyang hininga.

“Hmm?”

Pagsamantalahan ko kaya 'to? Charot.

“Can we go out today? It's my birthday. Kahit 'yon nalang ang birthday gift mo sa akin.”

Sana pumayag siya. Birthday ko na at Eighteen na ako! Bukas na ang kasal este pekeng kasal namin. Hindi ko alam pero parang ang gaan ng pakiramdam ko ngayon.

“Okay.”

Napangiti nalang ako at isiniksik ang aking mukha sa balikat niya kaso bigla siyang lumayo. Nawala tuloy ang ngiti sa labi ko at dumistansya nalang.

Panandaliang saya. Ang great!

Maaga palang ay naghahanda na ako para sa baon namin mamaya. Hindi paren siya bumababa kaya nanatili lang akong nagluluto dito.

Masaya kong pinagmasdan ang mga dala kong pagkain at ready nang ilagay sa kotse. Sandali palang ay narinig ko na ang mga yabag ni hubby pababa ng hagdan.

I smiled and greeted him. “Good morning hubby! Tapos ko na ang mga baon nating foods.” I said.

Kumunot ang noo niya at pinagmsdan ang mga Tupperware na nakalatag sa lamesa.

“What? I have something to do today , serine. Tsk.” sabi niya at dumeretso sa kitchen at kumuha ng malamig tubig sa ref.

“But it's m-my birthday, hubby.” naiiyak kong sabi kaya napakagat nalang ako sa aking labi. “...at pumayag kana kanina.” at napahikbi nalang ako.

His Intruder Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon