Epilogue

35.4K 600 45
                                    

Thank you po sa lahat ng sumuporta sa HIW! Sa mga walang sawang sumusuporta sa mga stories ko simula una palang, maraming maraming salamat po at kung hindi dahil sa inyo, hindi ko po 'to matatapos💖

Again, sana suportahan niyo po ulit ang bago kong story na 'Never Not Fall For You' at mga previous story ko po. Paki-tignan nalang po sa works ko and do'n niyo po makikita hiihi.

Saranghae💖

“Behave kayo, okay? Huwag niyong pasasakitin ang ulo ng mga Lola at Lolo niyo.” sabay halik ko sa mukha ng mga anak ko.

Yes, mga anak ko. Five years narin ang lumipas at lumaki na ang mga kambal ko. Nakakatuwang isipin dahil hindi namin inakala ni zee na, na kambal pala ang magiging anak namin.

“Yes, mommy!” Seriah replied.

Tumingin naman ako sa anak kong si zeikel na busy sa paglalaro ng PSP niya.

“Zeikel...”

Binitiwan niya ang PSP niya at lumapit sa akin. Niyakap niya ako at hinalikan sa aking pisnge. Bumaling naman siya sa dad niya ay nag fist bumb nalang.

Si seriah, ay isang masayahing bata. Kabaliktaran naman si zeikel na nagmana sa ama niya. Napakaseryoso at hindi pala-daldal.

Nakuha lang ni zeikel ang mga Mata ko at ang buong mukha niya ay nagmana sa ama niya. Si seriah naman ay pinaghalong features namin ni zee kaya siguradong paglaki niya, ay pagkakaguluhan siya ng mga lalaki.

Kaya pala sobrang laki ng tiyan ko noon at grabe ang mga cravings ko, 'yon pala ay dalawang chikiting ang nasa sinapupunan ko.

“Oh! Mag enjoy kayo sa date niyo, ha?” nakangiting sabi ni Mamie Ellie.

Ipinulupot naman ang braso ni zee sa aking bewang at napangiti nalang ako ng halikan niya ako sa aking pisnge.

“Yes, mom. We'll make it memorable.”

Napataas nalang ang kilay ko sa sinabi niya. Humalik nalang ako Kay dad at mom. Ni hindi ko nga inakala na andito pala sila mom and dad. Sabi daw nila ay gusto nilang makalaro ang mga apo nila kaya andito sila ngayon.

His Intruder Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon