HIW 22

23.2K 374 13
                                    

Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. How did this happened?! Ang nakuhanan na picture ay nung tinutulungan ako ni zee na bumaba ng bangka. At ang pangalawa naman ay nung nasa buhangin kami at nanunuod kami ng sunset.

Kasama na din roon habang magkayakap kami at magkahawak ng kamay. Napahilot nalang ako sa aking sentido.

Hindi ko alam kung bakit nangyayare 'to. Nagsasabay sabay na lahat ng problema. Hindi talaga umaayon si tadhana sa mga gusto natin. Malala na nga ang sitwasyon namin ngayon, ma's lalo pang lumala dahil sa pesteng article na 'to.

"Because of the article that was posted yesterday about the two of you, mabilis 'tong nakaagaw ng pansin kaya naapektuhan eto ang contract mo sa ibang projects. Ang mga ibang company ay nagsimula ng ipulled out ang mga commercials mo at soon to be projects mo!" Mr. Chen said and looked pissed.

I just rolled my eyes on him. Wala akong pakialam kung magsicancelan ang mga projects ko and commercials ko ng dahil diyan. Pero alam kong si zee ang may pakana ng lahat ng 'to.

Sigurado naman ako na gagawin ang lahat ni zee para lang bumalik ako sa kanya. Pero tama na ang lahat ng kagaguhang ginawa ko noon. Hinding hindi na ako babalik sa puder ng lalaking 'yon ulit. Never ever again!

Tinapunan ko ng tingin si zee na mariin at madilim na nakatingin sa akin...kanina pa. Pinantayan ko ang tingin sa kanya at blanko lang na emosyon ang ipinakita ko sa kanya. Like I don't care anymore.

"Aren't you going to do anything about it?" matapang kong tanong.

Ngumisi siya sa akin kaya ma's lalo lang akong nainis. I knew it! Alam kong siya ang may gawa ng lahat ng 'to!

"Why would I? That's even fvcking better, because they know now that you're mine."

Napabuga nalang ako ng hangin. Napakawalang hiya talaga ng lalaki na 'to! At punong puno na ako! Bakit ba gusto niya akong bumalik sa buhay niya?!

Hindi ba dapat na maging masaya siya dahil sa wakas, aalis na ako at maghihiwalay na kami! At magkakaroon na ng pagkakataon si ate nova na maging sila ni zee! Hindi ba't 'yon naman talaga ang plano niya?!

Tumayo ako at hinila siya patayo at kinaladkad palabas ng office. Tumigil kami sa isang hallway na madalang lang ang mga staff na dumaan. Agad kong binitiwan ang kamay niyang nakahawak sa akin.

"You planned it."

That's not a question but a statement.

"Why did you leave me? Anong nagawa kong mali serine para iwan mo ulit ako? Please...umuwi ka na ng bahay! I feel so empty, miss na miss na kita, wife..."

Ng mapatingin ako sa mata niya ay kitang kita ko kung paano mamuo ang mga butil ng luha niya. Shit!

"Don't me, zee! Bakit mo pa gugustuhin na bumalik ako sa bahay kung maghihiwalay na din naman tayo!"

Nagitla naman ako ng bigla niya akong hawakan sa aking magkabilang balikat.

"The last time I know, we're okay! Pero bigla ka nalang hindi umuwi ng bahay! Sobra akong nagalala sayo...akala ko may masamang nangyare sayo!"

Sunod sunod na pumatak ang mga luha niya. Nanuyo ang aking lalamunan at hindi ako makapagsalita. Hindi rin ako makagalaw na para bang may pumipigil sa akin na gumawa ng kahit ano.

"T-tama na ang pagpapanggap, zee! I'll give the annulement papers right away! Baka kase kating kati na kayo ni ate nova na magsama!" sigaw ko at itinulak siya.

Agad naman akong nakawala sa kanya kaya lumayo ako para hindi na niya ulit ako mahila. Habang sinasabi ko ang mga salitang 'yon ay para akong nasasaktan.

His Intruder Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon