Kabanata 6

77.9K 1K 78
                                    

Kabanata 6

Guard

Quiet. The car filled with empty words. At kung ako ay wala ding maisip na sabihin. Tumingin na lang ako sa labas, pinagmamasdan ang maganda naming bayan kahit iilan lang ang may ilaw. Kapag ganitong gabi na ay madalang narin ang tao dito.

"Are you hungry?"

Umiling ako. Napunta ang tingin sa dala-dala kong supot. Nagusot 'yon ng bahagya. May tira pang tinapay doon dahil hindi ko naubos kanina.

Sinungaling ako kung sasabihin ko na hindi ako gutom. Kani-kanina sana bago kami umuwi ni Ella ay yayain ko siya sa karenderya kaya lang... 

Kinimkim ko na lang ang gumugulo sa tyan ko. Binigyan niya na ako ng tinapay. Sapat na 'yon. Sa susunod na lang. Sana...

"Do you want me to lower the temperature?"

"Okay lang. Hindi naman ako giniginaw."

"Hi Sir! Ano pong pangalan mo?" Si Ella na humawak sa magkabilang upuan namin. Nasa gitna at kitang-kita ko sa gilid ng mata ko.

"I'm Marcus." Sagot namin niya.

Nakinig lang ako sa kanila buong byahe dahil wala akong ganang magsalita. Mas gustong kong matulog  kaya lang nakakahiya. Pinilit kong imulat ang mga mata kahit pagod na ito. Naalala kong kaunti pa lamang ang nalalagay kong banderitas kaya dapat mas bilisan ko ang pag-gawa.

"Sir Marcus maganda ba sa El Sajano?"

"Not bad." Tipid nitong sagot.

"Gusto kong makapunta doon kasi maganda daw doon sabi ni Chacha,diba?"

"Kay Genard ko nalaman kasi doon siya nagtatrabaho." Tipid kong sagot. Tumaas ang kilay ng gwapong lalaki sa akin. Ayan na naman siya! Iisipin ko na talaga na...

Maganda daw doon sabi ni Genard. Malapit sa dagat kaya gusto kong makapunta. Hindi pa ako nakakaranas pumunta ng dagat dahil hindi naman ako marunong lumangoy pero nakakapayapa ang ganoong pakiramdam. Kaya gustong-gusto ko. Dito sa amin kahit probinsya at malayo sa syudad ay marami ka parin gagawin. Pero hindi naman ako nagrereklamo, ah!

Ang alam ko ay walong oras ang layo ng El Sajano sa bayan namin. Pero sa estado namin sa buhay ay napaka-imposibleng pumunta doon. Kung ako ay papalarin syempre gugustuhin ko, ang kaso pati 'yon ay mukhang malabo.

"Doon siya pinanganak at lumaki Ella." Sambit ko.

Sumulyap ang gwapong lalaki sa akin. Agad kong natanto na parang may alam ako sa buhay niya sa paraan na sinabi ko. Nakakahiya ka Chacha!

"Sasabihin ko kay mommy na pumunta kami doon sa susunod na bakasyon tapos ikukwento ko sayo Chacha kung nagandahan ako." Magalak ni Ella na sabi. 

May inggit man na makakapunta siya doon ay isinantabi ko alang-ala sa pagkakaibigan namin. Sa mga kwento ay malalaman ko din naman. Mabait siya at halos nagkakaintindihan kami sa lahat kaya sigurado akong magugustuhan niya doon. Naunang bumaba si Ella kaysa sa akin kaya nagpaalam na ako sa kanya. Magkikita kami ulit bukas para sa karagdagan na ikakabit sa plaza.

"Hindi ka ba papagalitan ng mama at papa mo kasi ginabi ka?" He asked out of nowhere.

Ilang minuto na ang nakalipas mula ng bumaba si Ella. Ako na lang ang natira at naging tahimik ako para makaiwas sa pagkakamali.

"Hindi naman siguro. Madalas na umuuwi akong gabi dahil sa school activities. You know, member na ako ng student councils kaya dapat maganda record ko."

"But you have to take care of yourself. Hindi maganda na lagi kang umuuwi ng gabi."

Tumagilid ang ulo ko. His adam apples moved bago napiling ibaling sa unahan ang tingin. Was he concern about me? Napahagikgik ng konti. Pigilan mo ang sarili mo, Chacha! May girlfriend na siya, remember! He's just being friendly! Wait... friend ba kami?

Unwavering Love (Major Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon