Kabanata 8

68.6K 689 31
                                    

Kabanata 8

Honor

"Saan tayo pupunta?" Tanong kong muli. Kanina ko pa siya kinukulit kung bakit siya pumunta ng school. Ang sabi niya ay may pupuntahan kami pero hanggang ngayon ay hindi niya parin ako sinasagot.

"Stop asking, young woman. You'll see when we get there." He smirked without giving a glance. Umirap ako. Umayos ako ng upo at tumingin na lang sa labas. Kumanta ako ng gawa-gawa ko lang habang pimagmamasdan ang nagtataasang mga puno. Nang mapagod ay nakatulog ako. Nagising na lang sa paulit-ulit na galaw.

"We're here."

Kinusot ko ang aking mata. Napabaling sa labas na hindi pamilyar sa akin. Napansin kong nakahinto ko at nakababa ang bintana.

"Nasaan tayo?"

Ngumiti siya. Sinundan ko kung saan siya pumunta. Humampas sa mukha ko ang malakas na hangin. Nanlaki ang mata habang papalapit.

"I know how badly you want to see the sea..."

Nangilid ang luha ko. Napatakip ng bibig. Isa sa pangarap ko ang makapunta sa dalampasigan pero hindi ko lubos na maisip na magiging isa 'yon sa aking katuparan. In my dream, I hope for the calming sea and right now I clearly see it. Parang isang panaginip at ayoko ng magising.

"Paano mo nalaman ang lugar na 'to?"

"I have my own ways, Chacha."

Nilapit ko ang aking paa at unti-unting nadama ang lamig ng dagat. Patuloy na humahampas 'yon sa akin at mas lalong umaapoy sa dibdib ko ang kagalakan.

Pinalis ko ang lumandas na luha sa aking mata. It may shallow what I have feel but this is true. Ang dagat. Ang malakas na ihip ng hangin. All of these, I will never forget it. Napatingin ako sa lalaking nagbigay katuparan nito. Nakatingin sa malayo at mukhang malalim ang iniisip at ang buhok ay sumasayaw. Nang mapansin ako ay nagbigay ng ngiting hindi umabot sa mata.

"Maraming Salamat. Hindi ko alam kung paano ko masusuklian ang lahat ng 'to pero salamat."

"Your happiness..."

"Ha?"

"Never let anyone get that from you, Chacha." He smiled. My being was satisfied.

But it was a curse...

Him telling me that no one will get my happiness. Dahil nakarinig ako ng balitang ikagigimbal ko. That day came was one of my fall, it was destructive that I don't know how to compose myself. Nanginig ang buong katawan ko at walang paglagyan ang luhang dumadaloy sa pisngi ko. Isa lang ang gusto kong mangyari at iyon ang makita sila.

"Chacha..." it was just a whispered but enough for me to heared it.

Alam kong binilisan niya ang pagtakbo ng sasakyan dahil mabilis kaming nakarating sa amin. Napuno ng tao ang labas ng bahay namin. Karamihan ay gusto lang makaalam ng balita. Kaliwa't kanan ang ingay at pagkislap ng ilaw sa kung saang anggulo nanggaling. Pagkaraan lamang ng limang minuto ay may lumabas na apat na tao sa bahay kaya mas lalong nag-ingay ang lahat. May buhat sila at parehong nakatakip ng puting kumot. Tumakbo ako ngunit hindi nakaaboy dahil may pumigil sa akin.

"Pakawalan mo ako!" My voice echoed as thunder.

Mahigpit ang hawak niya sa akin. Patuloy sa pagdaloy ang luha ko. Walang pakialam kung malaman nila kung sino ako. Nilakasan ko ang paghigit pero masyado siyang malakas para sa akin.

Unwavering Love (Major Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon