Kabanata 4
Rain
"Lala... lala... lala..." sa mahina kong tinig ng malapit ng makarating sa bahay.
Hinatid lang ako ng gwapong lalaki sa may kanto namin dahil hindi na makakapasok ang sasakyan niya. Madyadong masikip sa lugar at mga tao lang ang pwedeng dumaan.
"Lala... lala... lala..." Sumasayaw-sayaw pa ako at hindi nagkakaroon ng kahihiyan na ginagawa 'yon dahil walang namang makakakita. Sa kamay ko ay bitbit ang isang plastic na may lamang pagkain. Tumatama iyon sa gilid ng katawan. Binigay ni senyora bago ako umalis ng mansyon. Hinabol niya ako para doon.
Kaunting liwanag lang ang makikita sa aming bahay na gawa sa kawayan. Wala kaming kuryente at tanging gasera lang ang nagsisilbing ilaw. Kung hindi ka sanay sa dilim ay magkakaroon ka talaga ng takot. Lalo na naglalakad akong walang ilaw sa dinaraanan ngunit kabisado naman kaya ayos lang.
Nag-ingay ang pinto na gawa sa kawayan ng binuksan ko ito. Walang tao sa loob. Siguro ay tulog na sila. Pumunta ako sa likod bahay para mag igib ng tubig sa poso dahil nakaramdam ako ng uhaw.
"Saan ka galing?" Isang tinig sa likod ko.
"P-papa?" Nauutal na sabi ko. Pinahid ko ang tubig na tumulo sa aking labi.
Pumasok muli ako sa loob para komprontahin si papa. Binaba ko muna ang plastic na bitbit. Nakaupo siya sa upuan na gawa sa kawayan. Nasa gilid niya ay isang gasera na nagbibigay liwanag sa kanya.
"Pumunta po ako sa mga Salanueva, papa." Pagsasabi ko ng totoo. Sasabihin ko ang tunay na pakay ko doon para maliwanagan siya ngunit natakot ako dahil nag iba ang timpla niya.
Nagsalubong ang kilay nito at may kinuha sa bulsa. Nilagay niya ito sa kanyang bibig at sinindahan pagkatapos ay bumuga siya ng maraming usok. Kahit sanay akong malanghap iyon ay nakakapanibago parin ang amoy nito. Gusto kong takpan ang aking ilong dahil sa pumapasok na usok ngunit isinasantabi na lang 'yon.
"Hanggang saan mo kayang subukan ang pasensya ko, Chacha." Sinabi nito. Mahina ang boses niya pero halata ang diin sa boses nito.
"Magpapaliwanag po ako papa."
Nanatili siyang nakatingin sa akin, hinihintay ang magiging sagot ko.
"Nasa burol po ako kanina para magpahinga kaya lang ay naibato ko po ang pinaglalaruan na bato sa dumaan na sasakyan. Nabasag po iyong bintana niya kaya sumama po ako-"
"Sumama ka sa hindi mo kilala!" Sigaw ni papa sa akin. Napapikit ako sa lakas nito at halos takpan ang aking tenga. Dapat pala hindi ko na sinabi na sumama ako! Nabigyan pa ng ibang kahulugan!
Mula sa kwarto ay lumabas si mama na naalimpungatan. Kinukusot nito ang mata at bumaling sa akin.
"Nandyan ka na pala Chacha. Kumain ka na ba?" Tanong sa akin ni mama.
"Opo." Kinuha ko ang plastic na aking dala at pinakita sa kanya. "May pasalubong po ako." Iniangat ko ito para mas makita ng mainam.
Mula sa akin ay tumingin si papa kay mama na umiinom ng tubig. Lumapit siya dito at may sinabi. Mahina 'yon kaya hindi ko naiintindihan.
BINABASA MO ANG
Unwavering Love (Major Revision)
Ficción General(Ongoing-Incomplete) -Formerly known as "A Cruel Husband" *El Sajano Series #1 Charmaine Serenity Salanueva is not an innocent woman. Bata pa lamang ay pinangarap niya ng libutin ang mundo. Siya na mahal na mahal ang pamilya. She want to explore, h...