Kabanata 5
Listen
Tumila na ang ulan kaya nagpatuloy muli kami sa paglalakad. Pinagmamasdan ko siyang pinupunasan ang basang buhok.
"Nabasa ka tuloy. Sana hindi mo na lang ako sinamahan."
Tinaasan niya ako ng kilay.
"I'm fine. Hindi ako magkakasakit."
Namilog ang mata ko. He was so sure! At bakit sinasabi niya sa akin 'yon?
Lumiwanag na ang kalangitan, hudyat na natapos na malakas na pagbuhos. Medyo natuyo narin ang dami naming dalawa.
"Dito na lang. Salamat muli sa paghatid."
Tumingin siya sa aking likod, parang may sinisilip doon.
"Uh... malapit na lang naman na lakaran kaya ayos lang." Kinamot ko ang aking batok. Hindi sigurado kung tama bang nasabi ko 'yon.
"Ingat ka."
"Ikaw din. Ingat ka." Sandali siyang tumitig sa akin bago tumalikod. Hinintay ko siya hanggang mawala ang anino niya.
Masaya akong pabalik sa bahay habang dinuduyan ng hangin ang itim at mahaba kong buhok. Nadatnan ko si mama doon na nagsasampay. Nag-mano ako pagdating. Sinuri niya ako.
"Nagpaulan ka?"
"Hindi po, naabutan po ako ng ulan." Tumango siya.
"Sa susunod ay magdala ka ng payong. Mukhang maaga ka ngayong nakauwi, ah..." Sinilip niya ang langit, sumilay na ang palubog na araw. "Magbihis ka na doon at baka magkasakit ka pa."
Pumasok na ako sa bahay at nagpalit ng damit. Isang bestida na hanggang tuhod ang haba ang pinili kong suotin. Lumabas ako para tulungan si mama sa mga sinasampay.
"Si papa po?" Tanong ng hindi ko siya nakita sa bahay.
"Bumalik na siya ng El Sajano. Tumawag si Genard at sinabing nangangailangan sila ng trabahador doon."
"Pinayagan niyo si papa?"
"Makulit ang papa mo, ang sabi ko ay sa susunod na buwan na lang. Mukhang magtatagal siya doon dahil malaki ang gagawin nila."
Kung ako man siguro ang pipigil kay papa ay hindi ko siya mapapayag. Masyado itong mapride bilang isang ama ng tahanan namin. Halos siya ang kumakayod para sa amin araw-araw. Mayroon din naman maitutulong si mama ngunit hindi 'yon sasapat. Lalo na ngayon pasukan ay senior high na ako at susunod na taon ay kolehiyo. Pangarap kung makapag-aral sa maynila ngunit isang magandang panaginip na lang 'yon. Ayokong taasan ang posibilidad na maaring mangyari. Susunod na lang ako sa agos kung saan ako dalhin nito.
Kaya naman isang linggo bago magpasukan ay dumalaw ako sa mga Salanueva. Ibinalita ko sa senyora na masaya akong magbalik-eskwela lalo pa't makikita ko na ang matalik kong kaibigan.
"Mabuti naman ay may kaibigan ka doon mukha kasing malungkot ka sa inyo dahil nag-iisang anak ka lang."
Medyo nakaramdam ako ng kalungkutan sa sinabi ng senyora. Kung pu-pwede lang humingi pa ng isa pang kapatid kay mama ay ginawa ko na. Bata pa lamang ay hiniling ko na 'yon dahil mag -isa ako pero alam kong may katandaan narin sila saka isa pa ay masaya naman kaming tatlo. Kahit ako lang mag isa ay nabibigyan parin naman nila ako ng gabay sa dapat kong tahakin. Minsan nga, naiisip ko kung may kapatid ako, mag iiba kaya ang trato nila sa akin?
BINABASA MO ANG
Unwavering Love (Major Revision)
Genel Kurgu(Ongoing-Incomplete) -Formerly known as "A Cruel Husband" *El Sajano Series #1 Charmaine Serenity Salanueva is not an innocent woman. Bata pa lamang ay pinangarap niya ng libutin ang mundo. Siya na mahal na mahal ang pamilya. She want to explore, h...