Kabanata 2

155K 1.4K 156
                                    

Kabanata 2

Masigla akong umuwi habang humuhuni at kahit malayo ang nalakad ay hindi alintana sa magandang balita na ibabahagi ko kila mama at papa. Sa bawat hakbang na ginagawa ko sa lupang putikan ay lumalakas ang boses ko.

"Ako ay uuwi na... ako ay uuwi na..." maligayang- maligaya akong umaawit sa kantang ako lang nakakaalam.

Hindi na makita ang kulay kahel na ulap dahil napapalitan na ito ng itim.

Ang alaala ng senyora ay sumagi sa isip ko. Napakabuti niya. Her beauty is timeless at hindi kakikitaan ng kahit anong panghihima. Kaya lang ay mag isa pala siyang naninirahan sa malaking mansyon na 'yon. Kung ganoon ay napaka tahimik naman pala siyang namumuhay. Naisip ko kung sakaling kailanganin niya ang pamilya ay hindi kaagad niyang makikita dahil malayo sa ito naninirahan.

Sa pagkakaalam ko ang Salanueva ang isa sa pinakamayaman dito sa bayan, sumunod sa Roxas at Andrada. Hindi man sila gaano kasikat dahil mas gusto nilang manahimik ay lagi naman silang dinadawit ng mga kolumnista dahil sa kayamanan na mayroon sila.

Iniisip ko kung may ganoon akong kayamanan ay wala na akong mahihiling pa. Una kong gagawin ay magpatayo ng bahay, sunod ay sasakyan, negosyo at lupa. Huli ay ang paglilibot sa ibang bansa. Syempre kasama ang buong pamilya ko.

"Saan ka na naman nagpunta Chacha." Si mama, ng makita ako kakapasok lang ng bahay. Kakarating niya lang at mukhang naubos ang paninda dahil wala ng laman ang basket na dala-dala.

Nagmano ako ng makalapit.

"Pumunta po ako sa mansyon, mama. Nakausap ko ang senyora."

Hindi ko naman inakala na magtatagal ako sa mansyon dahil gumaan ang pakiramdam ko ng makausap ang senyora.

Sumulyap sa akin si mama at hindi nagsalita. Tinanggal niya ang bag na nakasabit sa kanya at dumiretso sa kusina. Pumasok naman ako ng kwarto para magpalit dahil hindi na maganda ang amoy ko.

Nakakahiya! Paano kaya kung naamoy ako ng ganito ng senyora!

Dumiretso ako sa kusina matapos magbihis.

Tinulungan ko si mama sa magiging hapunan namin ngayong gabiq. Nilabas niya ang malaking bag na buhat kanina. Naging malaki siguro ang naging benta niya sa bayan dahil nakabili siya ng marami ngayon kumpara noong mga ilang araw. May karne, manok at iilang rekado pangluto doon. May mga de lata din. At dahil wala kaming ref para sa mga frozen foods ay nilagay na lang 'yon sa malaking balde na may yelo.

Hindi malaki ang kinikita nila kaya imposible kaming makabili. 

Kadalasan ay tuyo o kaya naman danggit ang nagiging ulam. Kapag wala talaga ay kamatis lang. Swerte narin dahil may tanim na gulay sa likod bahay kaya may makakain kami.

"Hindi ba pinagbawalan ka ng iyong papa na pumunta doon?" Si mama na nagsimulang maghiwa ng bawang at sibuyas.

"Opo pero pinapasok po ako, e. Nakita ko din po si senyora." Magiliw na sabi ko.

"Nakita mo ang senyora?" Nagtatakang tanong niya. "Buti ay pinapasok ka?"

"Nakita po kasi akong sinaktan nung manong guard nila kaya nagalit ang senyora." Sabi ko. Kinuha ang toyo at nilapag sa tabi. Kinuha 'yon ni mama at hinalo na sa manok na ginigisa niya.

Unwavering Love (Major Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon