Kabanata 7
Ways
"Paalam senyora!" Magiliw na sabi ko.
Mabilis akong tumakbo palabas ng mansyon madilim ang kalangitan at nasisiguro ang nagbabadyang malakas na ulan. Tumingala ako at nanalangin na hindi ito matuloy dahil piyesta na mamaya.
Sa pagtakbo ay paulit-ulit sa isipan ko ang sinabi ng senyora sa akin. Hindi ko mawari kung bakit niya naisip 'yon. Dahil ba bata ako ay masyadong ako magpapatianod sa nararamdaman ko? Wala ba silang tiwala sa sarili kong pag-iisip? Ang dami nilang sinabi sa akin na mag-ingat ako at sa totoo lang ay sinusunod ko naman ngunit ang pagbibigay ng opinyon at paninira ay magka-iba.
Masyado nila binibigyan ng hindi magandang imahe si Silver sa aking isipin at naiirita ako sa tuwing pinipilit nila sa akin 'yon.
Dumaan muna ako sa bahay bago pumunta ng bayan. Nadatnan ko si mama na mukhang matamlay ngunit ng makita ako ay ngumiti ito pero hindi umabot sa mga mata nito. Pinilig ko ang ulo ko. Ayos lang naman siya diba?
Nagpalit ako ng damit dahil nag-amoy pawis na ako kanina. Pumasok si mama ng nag-aayos ako ng gamit na dadalhin ko.
"Pupuntahan ko ang papa mo sa El Sajano..." Sambit nito.
"Bakit po? May nangyari bang masama kay papa?" Tanong ko ng may pag-aalala.
Tumamlay ang mga mata ni mama kaya lalo akong nagduda. Bumigat ang pakiramdam ko at di mapakali.
"Hindi ko pa alam kaya pupunta ako. Nag-text lang sa akin si Genard na kailangan kong pumunta doon."
Kinuha ni mama ang malaking bag at nagsimulang maglagay ng mga damit doon. Maraming siyang nilagay dahil hindi niya alam kung hanggang kailan siya mananatili sa El Sajano. Gusto ko sanang sumama ngunit hindi siya pumayag. Ang sabi niya ay mas importante na manatili ako dito dahil sa pag-aaral ko. Lalo ngayon na graduating ako at mas kailangan ko daw mag-focus muna.
"Huwag kang mag-alala at babalik kami ng papa mo."
Iyon ang huling sinabi ni mama bago umalis. Naiwan ako mag-isa sa bahay. Puno man ng pag-aalala ay pinilit kong pumunta ng bayan para sa piyesta. Si Ella ang unang nakapansin sa akin at nahalata ang pagiging balisa ko. Ngumiti ako ngunit alam kong di man lang 'yon umabot ng mata ko.
"Magiging maayos rin ang papa mo, Chacha." Si Ella sa mababang boses nito.
Alam ko kaya binigyan pansin ko na lang ang piyesta. Nagsisimula ng mag-ingay ang lahat habang lumalalim ang gabi. Binuksan narin ang ilaw na siyang nagbigay liwanag sa buong plaza. Ang mga banda ay naghahanda na para sa magiging parada mamaya. Ililibot nila sa buong bayan ang prusisyon para bigyan ng pasasalamat ang masaganang ani.
"Viva! Viva! Viva!" Hiyaw ng karamihan ng dumaan sa kanila ang prusisyon.
Pinili kong tumabi at hindi na makigulo sa karamihan. Si Ella ay umalis sandali para bumili muna ng meryenda namin. Mamaya pa kasi ang kainan at nakaramdam kami kaagad ng gutom. Tumatalon-talon ako habang paparating ang prusisyon ng bigla akong natalisod. Akala ako ay babagsak ako ngunit nagulat ng may mainit na palad ang sumalo sa akin likuran. Kumunot ang aking noo. Pinasadahan ang lalaking nakasumbrero at shades. Inayos niya ako para makatayo. Lumunok ako ng mariin.
"Salamat po!"
"Be careful." Kumurba ang kanyang labi na para bang pinaparatangan ako na hindi nag-iingat.
Umusbong ang irita ko ngunit ng tinanggal niya ang salamin ay halos lumuwa ang mata ko sa nakita. Akala ko!
"Hey..." binasa nito ang labi. Uminit ang pisngi ko.
BINABASA MO ANG
Unwavering Love (Major Revision)
Genel Kurgu(Ongoing-Incomplete) -Formerly known as "A Cruel Husband" *El Sajano Series #1 Charmaine Serenity Salanueva is not an innocent woman. Bata pa lamang ay pinangarap niya ng libutin ang mundo. Siya na mahal na mahal ang pamilya. She want to explore, h...