Kabanata 11
Ulan
Tulala at di ako makapagsalita mula kanina noong nasa burol kami. Nilalamig ang aking buong katawa. at may pakiramdam ko'y magkakasakit ako. Niyakap ko ang sarili at tumagilid, kaharap ang masukal na daan papuntang mansyon.
Ilang sandali lang ay nakaramdam ako ng kaunting kaginhawaan ng humina ang lumabas na hangin ngunit hindi parin 'yon sumapat sa lamig na naramdaman ko.
Nanlalambot na ako pero hindi parin kami nakakarating ng mansyon. Gusto kong magtanong ngunit masyado akong mahina para magsalita. Napagtanto ko na lang na huminto kami.
"Stay here." Sinabi nito.
Pinatay nito ang makina ng sasakyan ngunit hinayaang nakabukas ang bintana kaya naman yumakap kaagad sa akin ang malakas na hangin sa labas. Binuksan niya ang pinto sa likod pagkatapos ay binuksan rin ang pinto ko.
May binigay siya sa akin na makapal na tela. Binalot ko 'yon sa aking sarili. Tinulungan niya ako doon bago umalis. Nawala siya sandali kaya mag-isa ako na naghintay habang pinapanood ang mga sasakyan, mga nagtatawanan na tao at mga batang naglalaro sa labas. Unti-unti nawala ang mala-kahel na langit ang napalitan ito ng gray na kulay.
Sa sandali kong paghihintay sa kanya ay may napagtanto ako sa aking sarili. Mga tanong. Paulit-ulit at hindi ako nilulubayan. Bakit niya ginagawa ang lahat ng 'to? Para saan? Para kaawaan ako sa malupit kong nakaraan o dahil sa apo ako ng senyora Salanueva?
Inaamin ko na minsan akong nagkagusto sa kanya. Sa unang pagkikita pa lamang namin ay alam ko na 'yon. But that was my young heart back then. Full of curiosity and wilderness. Unang beses may gumawa sa akin na kabutihan at galing sa isang lalaking hindi ko kilala. I was overwhelmed. My heart is filled with joy, but with the sudden turn of fate he left. And I was scared. I was scared to be left again. I was scared to hope again.
But I want to be happy. Kahit sa sandali lang. Kahit panandalian lang. A pure and genuine happiness that I long for.
Bumalik siya pagkaraan ng ilang minuto. May dala siyang dalawang supot sa magkabilang kamay. Nang pumasok siya sa sasakyan ay kaagad kong nalanghap ang mabangong amoy.
"I bought you your favorite bread." Nilagay niya ito sa pagitan naming dalawa.
Dumampi sa aking noo ang mainit niyang palad. Tumagal iyon habang ang mga mata ay sa akin. Pumikit ako at dinamdam ang bawat sandali iyon. Parang tumgil ang mundo ko na parang panaginip at ayaw ko ng magising.
Nang aking dinilat ang mga mata ay naabutan ko siyang nakangisi. Nang mapansin akong nakatingin ay mabilis itong umiwas.
"You have a slight fever. Eat this before you take a medicine." Aniya.
Inabot niya ang supot sa akin. Nanginginig ka kamay ko 'yong tinanggap. "You want me to feed you?" Pagtatanong nito na may halong pang-aasar.
"I can manage!"
"Alright. I won't force you." Tanging nasabi niya.
Umilaw ang cellphone niya nasa may shift gear. Nang makilala kung sino ang nakaregister doon ay umahon kaagad ang iritasyon ko.
Sariwa pa sa alaala ko kung paano niya ako hinusgahan dahil lang sa ampon ako ng senyora. Naisip ko tuloy kung alam ba ni Silver ang ugali ng babaeng 'yon, e pakakasalan niya pa!
"May nag-text yata sa'yo." Tanong ko. Sa isang supot siya nakatingin at hindi napansin ang cellphone.
Binalingan niya ang cellphone na ngayon ay tumutunog na. Hindi makahintay? Kinuha niya 'yon at sinagot.
BINABASA MO ANG
Unwavering Love (Major Revision)
General Fiction(Ongoing-Incomplete) -Formerly known as "A Cruel Husband" *El Sajano Series #1 Charmaine Serenity Salanueva is not an innocent woman. Bata pa lamang ay pinangarap niya ng libutin ang mundo. Siya na mahal na mahal ang pamilya. She want to explore, h...