Chapter 45
3rd persons Pov
"Kamusta? Maligayang pag babalik!"
Saad ng lalaking nasa likod ng mga nangyayari ngayon..
Tinignan ni ada ang mga mata ni teal..
Tulala, kulay berde at walang buhay ang mga noong nakangiting mga mata nito..
"Anong ginawa mo keegan.. napaka walang hiya mo!"
Sigaw ng dalaga..
Tumawa lamang ng malakas si keegan...
"Hindi mo ba nagustuhan?.. kung sabagay... mahal mo ang ginamit ko"
Namugto ang galit sa puso ni ada
Ang dating puting awra nito ay nabahid ng itim.. bigla nalang din lumabas ang pakpak nito ngunit kulay itim ito na dati ay isang kulay ulap na mga pakpak...
"Walang hiya ka!!"
Ang dating wand ng dalaga ay naging isang espada na sa isang wasiwas ay maaring nakapatay..
*shing* *skang* *swish*
Nag laban ang dalawa...
Natamaan ni ada si keegan sa braso nang makaiwas ito sa kaniyang kampilan..
"Kinakalaban mo talaga ako ada!"
Bigla namng gumanti nang saksak si keegan sa tagiliran ni ada na siyang dahilan nang pag pilipit nito..
Tatayo na sana si ada ng mawala sa paningin nito si keegan
Isang malakas na halakhak ang bumalot sa tahimik na lugar..
"Keegan! Lumabas ka wag kang duwag!!"
Walang lumabas kung hindi tawa lang ang kaniyang naririnig..
Iwinasiwas niya ang kampilan pero wala ni bakas ng dugo ng demonyitong si keegan ang tumulo..
Iwinasiwas nito muli pero nahagit nito ang kaniyang bisig at hinuli nito.. hinawakan ng maigi at ihinarap sa direksyon na kinaroroonan ni teal.
"Panoorin mo kung paano mamatay ang taong mahal na mahal mo.." saad nito habang pilit kumakawala si ada sa bisig ni keegan.
"Teal.. lumakad ka" saad nito at siya namang sinunod agad ni teal.. dahil sa hipnotismong ginawa ni keegan ay hindi nito pinakikingan ang pag pipigil ni ada sakaniya..
"Teal! Wag please!! Wag!!!" Sigaw nito.. pero walang epekto ito sa lalaking mahal niya..
"Sige lang teal.. wag kang hihinto" saad ni keegan..
Nang makakuha ng tiyempo si Ada ay agad niyang sinaksak ang tagiliran ni keegan gamit ang matutulis nitong armor sa katawan .. kaya nag karoon ng pag kakataon ang dalaga..
Ngunit...
May papalapit na isang pick-up truck sa direksyon ni teal. At malapit na ito sa kaniya
Tinakbo niya ito sa abot ng kaniyang makakaya at sa isang iglap..
*SHREIIEKK*
------
Nagising ang diwa ni teal dahil sa pag kaka tulak sakaniya.. nakapukaw ng pansin niya ang lalaking kumuha sakaniya na naka handusay at naliligo na sa sariling itim na dugo.. at nilamon ng mga uwak ang katawan nito hngang sa hipan ng hangin ang abo nitong bangkay..
Lumingon naman siya sa kaniyang kaliwang gawi
At doon niya nakita ang nag ligtas sa kaniyang buhay..
Bumalik sa pagiging puti ang mga magagandang pakpak nito.. nag babago narin ang kaniyang kulay chokolateng buhok na nag kukulay puti na muli ang buhok nito..
Agad na binuhat at iniunan nito ang dalaga sa kaniyang bisig..
"A-ada!.. gumising ka ada!"
Pinilit na idinilat ng dalaga ang kaniyang magagandang mga mata kahit na dumudugo na ang kaniyang ulo.
"T-teal"
"Ada.. nandito ako.. di kita iiwan.. mahal na mahal kita ..please.. lumaban ka!"
"T-teal.. ligtas ka.. salamat ligtas ka"
Hirap na sambit nito
"Tsk.. a-alam mo.. tanga ka kasi.. sumsama ka sa di mo kilala haha" nagawa pa nitong mag patawa sa kanilanv sitwasyon.
"Ada. Tatawag-"
"Unang araw.. ng pag dating ko dito.. ang hirap.. syempre d-di ko pa alam ang mga bagAy bagay tungko sa .... sa in-yo.. pero nang mga nagdaan?.. naging masaya ako.. lalo na nung .... nung nakasama ko ang taong mahal ko"
Hinaplos nang dalaga ang muka ni teal na may bahid ng luha..
"T-teal..wag kang iiyak.. alalahain mo minsan na tayong naging masaya.. kaya s-sana.. para saakin.. maging masaya ka.. para sa pamilya mo a-at sa magiging anak mo...patawad di ko sinabi ang tunay na katauhan ko
Pero sana di ka mag bago.. mahalin mo si A-ann.. aalagaan mo siya.. at siguradong aalagaan ka din niya..
Isa lang ang hiling ko na sana tuparn mo...
Mahalin mo si ann naparang ako ang minamahal mo... sa sandaling lisanin ko na ang mundo niyo.. sana maalala mo ko.. balang araw.. mag babalik ako.. babalik ako para mapasaya ko kayo..."
"Wag kng mag salita ng ganiyan ada.. tatawag ako ng ambulansya-"
"Teal.. please.. di ko na kaya.."
Hinalikan ng dalaga ang mga labi ni teal at pinakatitigan ang mga mata nito
"Paalam teal... m-mahal na m-mahal kita.... Paalam"
Tuluyan nang nawalan ng buhay ang dalaga sa bisig niya..
Pero himbis na umiyak
Ngumiti lang ng mapait si teal at..
"Mahal din kita ada.. mag pahinga ka na... mahal na mahal na mahal kita... Adalina my Guardian Angel.."
At.. niyakap at hinagkan ng binata ang walang buhay na si ada..
Nang biglang nagliwanag ang katawan nito at nag palutang lutang sa ere... at tuluyan nang naging abong krystal ang katawan ng taong mahal niya..
Nang malaglag ang kwintas nitong hugis ipin...
Pinulot niya ito at hinawakan ng mahigpit.
"Paalam mahal.. gagawin ko ang sinabi mo... paalam.."
BINABASA MO ANG
Ever Since The World Began
FantasyPublished:December 31 2017 -on going -Slow update -i need take time to my studies too i will do my best to keep this story good hehe^^)
