Chapter 36

1 0 0
                                    

Chapter 36

Ada's Pov

Dalawang araw nalang ang nalalabi ko dito sa bahay na ito..
Matapos ang sumunod na araw ay kinakailangan ko ng lisanin ang lugar na ito

Ayokong madamay pa ang taong mahal ko sa mga nangyayari sa buhay ko..

30 days...
Tama na yon..

Kasalukuyan kaming nag hahapunan sa mga oras na ito.. tahimik lang kami.. at walang gustong mag salita saamin..

Hindi ko pa nasasabi sakanya ang pinag usapan namin ng mommy niya kumukuha pako ng tamang tyempo.

Maya maya pa ay si teal na mismo ang bumasag sa katahimikan.

"Ayos ka lang ba mahal?.. may problema ba?"

"Wala naman mahal.. iniisip ko lang"

"Ang alin?"

"Kung anong mangyayari saatin matapos ang ilang buwan o taon"

Napangiti nalang siya sa aking tanong

"Syempre.. mag papakasal tayo mahal tapos mag kakaanak ng madame kailangan kong mag padami ng lahi..at syempre mangyayari yon kung hindi natin iiwan ang isat isa"

Napatigil ako sa sinabi niya.. yon nga ang isang malaki kong problema
Kailangan ko siyang bitiwan"

"Hindi mo naman ako iiwan diba ada?."

Sorry teal..

"O-oo hindi kita iiwan pangako nandito lang ako sa tabi mo"

Napangiti siya ng matamis habang ako ay nag hihirap sa mga susunod na mangyayari..

Patawad teal bukas makalawa hindi ko matutupad ang pinangako ko sayo..

Ever Since The World BeganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon