Chapter 2

31 3 0
                                    

MYURI'S POV

"What country are you going to visit this time, Tita?" Tinawagan niya ako para sabihing aalis na naman siya at gusto niyang pagbalik niya ay nasa masyon na ako. Sinabi pa niyang dapat kapag nagkita kami hindi na ako magmukhang katakot-takot. Naiintindihan ko naman siya kung bakit niya nasabi 'yon.

"Japan!" Sabi niya. Nanlaki agad ang mga mata ko sa aking narinig.

"J-Japan?!" Ulit ko.

"Mmm... May jowa kasi akong hapon don. Hihihi..." Sabi niya sabay hagikhik na parang nakikiliti.

Hindi ko talaga ma take ang ganitong mga instances kapag kinikilig si Tita.

"Umm... Pwede humingi ng pasalubong?" Pero syempre hindi ko sinabi. Hindi ko kasi ugaling humingi kay Tita. Siya kasi palagi ang nagbibigay. Kahit gustong-gusto ko ng sabihin.

"'Wag kang mag-alala pamangkin. Meron akong pasalubong sa'yo!"

Lumaki ang ngiti ko. Meron na naman akong bagong series.
"Salamat Tita!" Masayang sabi ko.

"You're welcome, pamangkin!"

"Sige na Tita. Mag-iimpake pa ako," sabi ko.

"Owkayy! Goodbye Myuri! I love you pamangkin!"

"Take care. I love you too Tita," I replied.

Si Tita Lorein na lang ang natitirang kamag-anak ko. Ulilang lubos na ako. Sunod-sunod na namatay ang parents ko nong 8 years old pa lang ako. My Dad died in a car accident while my Mom died in a shipwreck. Super tragical right? It was never easy for me to accept it.

I don't know if I will accept it.

My Tita Lorein adopted me since I am the only child and my parents are gone. She has many husband. It was the reason why she's very wealthy. Akalain mong mga Foreigner na mayayaman ang mga asawa niya. Hindi rin naman nagtatagal ang mga nakakarelasyon ni Tita. After a a year or two, divorced na sila. And during their so-called marriage non-stop money will go to her bank account.

I know that she never used her husbands for her to be more wealthy. Tsaka hindi naman siya umaasa talaga sa mga jowa niya. She has her own business. Kaya naman no problem na kami.

I was raised by her alone. I was lucky because Tita had no children. Wala akong kahati sa lahat ng meron si Tita. Lahat ng kanya ay akin din. But it never crossed my mind to embrace her overflowing wealth. Hindi ako materyalistikong tao. Money? It will vanish.

Meron siyang mansiyon na bago na sa pagkakasabi niya ay sobrang laki. Malaki pa sa bahay na tinitirhan namin ngayon sa kasalukuyan. Bago ko lang nalaman na nagpagawa pala siya ng mansiyon. Sabi niya pinapaupahan niya raw ito sa mga mayayamang mga estudyanteng nag-aaral sa Academy na papasukan ko ngayong taon.

Dahil don naisipan niyang doon na ako patirahin tutal malapit naman daw sa school at mas kompotable daw ako doon dahil malaki. Naisip niya bang malaki na para sa akin ang bahay na 'to? Wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya. Sinusunod ko naman si Tita kaso hindi palagi at hindi sa lahat ng bahay. Meron din akong sariling kagustuhan na hindi na pwedeng baguhin ng iba kahit si Tita.

Binilin ako ni Tita sa driver namin kasi siya ang nakakaalam kung saan ang mansiyon niya. Matapos kong mag-impake ay nagyaya na agad akong pumunta na sa mansiyon na sinasabi ni Tita. Medyo malayo ang mansiyon kaya nabagot ako ng konti kakahintay kung kailan makakarating.

The MissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon