MYURI'S POV
"ARAAAAYYY!!!" Pakiramdam ko dinig hanggang sa labas ang sigaw ni Dwayne.
Kinuha ko agad ang kutsilyo. Kasalukuyan kasi siyang naghihiwa ng mga spice. Tinuturuan ko na silang magluto. Hindi naman pwedeng ako ang paglutuin nila. Independent nga diba? Paano sila mabubuhay niyan kung kahit pagluto hindi nila magawa?
Hinawakan ko ang kamay niya at tiningnan ko kung malaki ba ang hiwa. Hindi naman masyadong malaki ang hiwa pero alam kong mahapdi parin at masakit.
Pinisil ko ang kamay ni Dwayne kaya napasigaw na naman siya.
"O.A na ah!" Sabi ni Travis."Hindi mo nararamdaman ang nararamdaman niya kaya wag kang ganyan," sabi ko.
"Wag mo ngang pisilin!" Angal ni Dwayne na ang sama na ng tingin sa akin.
"Kumuha ka nga ng cotton," sabi ko na binalingan si Ian. Tumaas ang kilay niya. "Bilisan mo kung ayaw mong matige ang buhay ng kaibigan mo!" Mabilis siyang tumayo at kumuha ng cotton doon sa first aid kit na nakalagay sa hanging cabinet.
O.A naman kung matitige ang buhay nito. Ang liit nga lang ng sugat niya.
"Hindi ka kasi nag-iingat," sabi ko kay Dwayne.
Kunot-noo naman siyang tumingin sa akin.
"Hindi nga ako marunong diba?"Nag-iwas ako ng tingin.
"Edi sana nag dahan-dahan ka!" Inis na sabi ko. "Kapag hindi ka marunong sa isang bagay 'wag mong idaan sa pagiging marahas," sabay tingin sa tatlo."Wow. Nakasalita si Teacher PANGET," sabi ni Travis na pumalakpak pa ng mahina. Napatitig ako sa kanya dahil sa pagdiin niya sa salitang 'panget'.
Parang biglang bumagal ang kilos ng paligid at nakatutok lang ang mga mata ko sa kanya. Hindi parin nawala ang pilyong ngiti sa mukha niya. Halatang hindi niya alam na may nasasaktan na sa mga sinasabi niya. Gusto ko siyang tuktukan dahil sa inis ko. Gusto kong baliin ang leeg niya. Gusto kong saktan siya. Nakakainis. Nakakapikon. Nakakainit ng dugo.
"Ito na,Myuri," natinag ako sa boses ni Ian. Inalis ko ang tingin ko kay Travis at tinuon ang atensyon kay Dwayne na umaaray parin sa sakit.
Hawak parin ang kamay ni Dwayne,nilagay ko ito sa binti ko. Kahit awkward ang posisyon namin ay wala akong magagawa. Nag-aatungal ang lalaking 'to eh! Baka mamatay dahil sa malalang sakit dulot ng HIWA NG KITCHEN KNIFE.
Ilang saglit lang ay natapos ko naman ang paglalagay ng band aid sa kamay niya.
"Thank you, Myuri!" Nag-angat ako ng mukha. Nagulat ako dahil ang lapit-lapit ng mukha niya sa akin. Amoy na amoy ko ang pabango niya. Pakiramdam ko hindi ako makagalaw at kinakabahan ako. Lalo na ng ngumiti siya sa akin. Para akong biglang nalagutan ng hininga.
"Okay! Let's start cooking!" Binitawan ko agad ang kamay ni Dwayne dahil sa gulat ko sa boses ni Mark.
Tumayo na ako.
"Manood na lang kayo," sabi ko habang lumalapit sa stove. "But next time you will cook on your own!" hindi ko pinahalatang naiinis na ako. Pero baka mahalata na rin nila later. My feelings reflect on what I am doing. Kaya kapag walang lasa 'to...Hahaha... Tama lang.
Habang nasa kalagitnaan na ako ng pagluluto para akong artista na nasa t.v dahil sa pagtatanong sa akin ni Ian. Palagi siyang nagtatanong kung para saan 'to, para saan 'yan,bakit lalagyan ng ganyan, bakit lalagyan ng ganito at iba pang tanong tungkol sa ginagawa ko.