Chapter 3

24 3 0
                                    

IAN'S POV

"M-Myuri," tawag ko sa kanya pero hindi niya ako pinansin.

We found ourselves dumbfounded after Myuri left. Napasunod pa kami ng tingin habang paakyat na siya. Nang hindi na namin siya makita ay nagkatinginan kaming apat.

"What was that?" Tanong ni Mark. Walang sumagot sa amin.

"Hugasan mo na ang mga pinggan, Jave. And follow her advice, sterilized it!" Utos ni Dwayne.

"Really Dwayne? You will follow what she said?" I asked. "Naniniwala kang gagawan niya tayo ng masama?" Tanong ko.

Napataas ang kilay niya.
"Paano ako hindi maniniwala? Her looks and the scene earlier is enough for me to believe!" Giit niya.

"Yeah right I also agree," sabi ni Jave na maarteng hinahawakan ang bawat pinggan.

"And her face really matters, Ian," sabi naman ni Mark.

Nainis na ako sa mga pinagsasasabi nila. Really? Naririnig ba nila ang kanilang mga sinasabi?

"Alam niyo bang pamangkin ni Auntie Lorein ang pinag-uusapan natin?" Tanong ko sa kanila.

"Alam naman namin pero hindi lang talaga namin mapagkakatiwalan si Myuri e," sabi ni Jave. "Sa ngayon," dagdag niya.

"We don't know that much Ian. In fact, today is our first day with her," Ani Mark na mukhang pilit na ipinapaintindi sa akin.

"Pero hindi parin tama na tinatrato at pinagsasalitaan natin siya ng masama," Giit ko. "Wala naman siyang ginagawang masama ah!"

"Hindi natin alam Ian. Dahil hindi pa nga natin siya ganoon ka kilala," sabi ni Jave.

"Tsaka, dre,kasama ka namin kanina no'ng naghatid tayo ng pagkain! She was... She's evil!" Singit ni Dwayne.

Napabuntong hininga ako habang nakatingin kay Mark.
"Akala ko ba matalino ka? Naisip mo bang ipapadala 'yan ni Auntie Lorein dito kung mangkukulam 'yan? Or whatever you call her," sinusubukan ko paring ipaintindi sa kanila ang side ko. Ang rason ko.

Natahimik ang sila. Saglit silang napa-isip.
"But it is impossible!" sabi ni Dwayne. "Di kaya ampon si Myuri? Akala lang ni Auntie Lorein na pamangkin niya talaga si Myuri?" Agad ko namang binatukan si Dwayne. Saan ba niya nakukuha ang pinagsasasabi niya?

"Ganoon lang ang itsura ni Myuri pero hindi siya kung ano man ang inaakala niyong siya sa at this moment. Witch or whatever. Dudes, yan ang itsurang ipapabago sa atin ni Auntie!" Paliwanag ko.

Ilang saglit silang tumahimik. Ang mukha ni Jave ay parang hindi parin naliliwanagan dahil nakakunot pa ang noo. Si Dwayne naman ay parang hindi naman nakikinig sa paliwanag ko kasi sa kung saan nakatingin. Si Mark ang siyang napatingin sa akin.

"Y-Yeah. That look, we are scared of, is exactly what Auntie Lorein wants us to change," Sabi ni Mark.

"Nakakatakot parin ang mukha niya," ani Jave. "Hindi niyo man aminin natatakot parin kayo. You keep believing and convincing yourselves to not judge her," sabi pa niya.

"We can't force ourselves. Kung hindi natin kayang pakisamahan siya dahil diyan sa mukha niya edi wag nating pilitin ang sarili natin," sabi ni Dwayne tsaka siya umalis ng kusina.

The MissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon