Chapter 8

15 4 0
                                    

Myuri's POV


Kanina pa nila gustong kumausap sa akin pero hindi ako kumikibo. Nagsasalita lang ako kapag tinatanong. Ayoko nga silang makasama makausap pa kaya. Napipilitan lang ako.

"Ano tingin mo dito?" Tinaas ni Dwayne ang isang bag. Kulay black ito na may kaunting diamonds na nakadikit sa harapan. Hindi ko masyadong makita kung anong shape iyon.

"Maganda," sagot ko at nagpatuloy sa paghahanap ng bag na gusto ko.

"Maganda oh!" Nai-atras ko ang mukha ko dahil sa sobrang pagkakalapit ng bag sa mukha ko. "Bagay sa'yo," sabay alis ng bag kaya nakita ko ang nakangising mukha ni Ian. Isang kulay pink na bag ang hawak niya at merong hello kitty na nakaburda sa harapan nito.

Like duh... Sa mukha kong 'to pagsusuotin niya ako niyan!? Nang iinsulto ka ba Ian?

Umiling ako.
"Ayaw mo?" Sabi ni Ian habang nakanguso.

Magsasalita na sana ako ng pero itinaas ni Mark ang hawak niyang bag at inilapit sa akin.

"Mas maganda. Not girly also not boyish," sabi ni Mark sabay ngiti. Kitang-kita ang parang kumikinang niyang ngipin.

"Pwede na. Pero pang lalaki ang kulay!" Komento ni Dwayne.

"Hmp! Baduy!" sabi ni Ian. Hindi ko na pinansin si Ian dahil natuon ang tingin ko sa bag.

Parang may kamukha siya.

Kinuha ko ang bag mula kay Mark at pinakatitigan ito. Isang simpleng backpack na kulay gray na may nakaburdang M sa harapan. Bigla kong naalala ang bag ni Papa. Meron din 'yong M sa harapan pero kulay red ang kulay non.

"Gusto ko 'to," sabi ko at tiningnan sila.

"Good!" sabi ni Mark. "That means I am more fashionista than you!" Baling niya sa dalawa. Binagsak nila ang mga hawak nilang bag.

"Doon naman tayo sa section ng mga notebooks!" Sabi ni Dwayne sabay turo doon sa nasabing section.

Agad naman kaming nagpunta doon. Hindi ko maiwasang mailang habang kasama ko ang tatlong 'to. Nakukuha kasi nila ang atensyon ng mga tao. Lalo na dahil kasama nila ang isang panget na kagaya ko. Pinagbubulungan kami. Binabantayan pa ang bawat kilos namin lalo na ng mga babae. Baka ngayon pinapatay na nila ako sa isip nila.

"Ito ang kunin mo Myuri!" Sabi ni Ian habang nakaturo sa mga naka-file na notebooks.

"Hindi! Ito ang kunin mo!" Napalingon ako kay Dwayne na nakaturo sa iba.

"Mas okay naman 'to!" Sabi naman ni Mark sa nakaturo sa kabila.

Napa-roll eyes ako kahit hindi kita dahil sa bangs ko.
"Ako na bahala. And please pick yours. 'Wag na kayong makialam sa akin," sabi ko. Pilit kong itinatago ang inis ko.

"A-Ahh... Hehehe... Sige. Sabi mo e!" Sabi ni Dwayne. "Pero magsabi ka lang kung kailangan mo ng tulong with the other stuff and I will help you," sabi niya na parang nagpapacute. Napatingin ako sa paligid. Nakatingin sila sa amin.

"Oo na," walang ganang sagot ko.

"MARKY!?" Napatingin kami sa kung sino man ang tumawag.

"MAXXI!" Sigaw ni Dwayne at akmang yayakapin na niya ang babae pero pinatid siya ni Ian. Muntikan na siyang matumba. Nagpigil ng tawa ang mga nakakita.

"Hahaha!" Tawa nong babae. "Wala parin kayong pinagbago!" Sabi nito.

Sinamaan ng tingin ni Dwayne si Ian. Binelatan lang siya ng huli.
"Ano ginagawa mo dito, Maxxi?" Tanong ni Mark habang naka-cross arms.

The MissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon