Chapter 12

10 3 0
                                    

MYURI'S POV


"That's a big trouble. You have more or less 1 M friends and followers in Facebook, Twitter and IG," sabi ni Mark habang nakatingin sa phone niya. Kanina pa kami nag-uusap at nagsisisihan sa nangyari kanina.

"Prepare for your bashers, dude," sabi ni Travis sabay higop sa kanyang black coffee.

"You will also have more or less 1 M bashers, Dwayne. Hahaha..." sinamaan ng tingin ni Dwayne si Ian.

"And not only you. Also Myuri," sabi ni Travis.

"It's a big problem dude," sabi ni Mark.

Nasapo ni Dwayne ang noo niya at napailing.
"This can't be happening!"

"Psh. Bakit ka ba kasi doon dumaan sa likuran niya, Kam Myuri?" inis na tanong ni Travis.

Dahan-dahan akong tumingin sa kanya at matalim ko siyang tinitigan.
"I didn't know that he was having a live performance for his fans!" Depensa ko.

"Tsh. You should've pass through the front. Bakit sa likod pa!" sabi ni Travis.

"As I've said, I didn't know that his having a Facebook live. It wasn't my fault!" giit ko.

"Hey. Kumalma nga tayo. Hindi makatutulong ang pagsisisihan sa atin," awat ni Ian.

Mabuti pala talagang hindi nila nakikita ang mga mata dahil ilang ulit ko na silang inirapan at sinamaan ng tingin ngayong araw.

"Let's just hope na walang mga bashers sa video mong 'yon Dwayne," sabi ni Mark. "For now, let's prepare for school dahil baka malate na tayo."

"I didn't cook breakfast," sabi ko.

"Eh? Walang niluto? Paano 'yan?" nag-aalalang tanong ni Travis.

Mukhang 'yan lang ang hinihintay niya...

"Eat in the school. Small problem..." Sabi ko at iniwan na sila.

Nakakainis din pala kapag may kasama kang tao na matakaw PERO hindi marunong magluto. Psh. Mukhang magbibigay na ako isa-isa sa kanila ng schedule ng cooking sessions namin para naman matuto na silang magluto kahit papano.

Nauna na ako sa kanilang pumunta sa school dahil naliligo pa sila. Wala namang problema sa kanila ako kasi transferee at male-late pa.

Nasa academy na ako at papasok na ng gate nang makita ko ang mean girls na nakatambay sa harap ng guard house. Naka-uniform sila. Pati pag-krus ng braso UNIFORM.

Hindi ko na lang sila pinansin. Papasok na ako nang bigla na lang akong napatid. Hindi pala. PINATID.

Nagtawanan silang lahat. Walang humpay na tawanan. Dahan-dahan akong tumingin sa kanila.

Kahit anong sama ng tingin ko ngayon sa kanila hindi naman klaro dahil na rin sa bangs ko. Tumayo ako at nagpagpag ng uniform.

"What?" Naiiritang tanong ko.

Ngayon ay ang sarap-sarap na nilang markahan ng kulay violet sa mukha. Kapag ako talaga hindi nakapagtimpi grr.

"Nothing. We're just..." Sabi ni Cynthia. Natinginan sila.

"HAPPY!" sabay-sabay na sabi nila.

"You wouldn't be happy anymore if you keep doing this to me," banta ko. Natahimik silang lahat. Para ngang unti-unting naglalabasan ang mga pawis nila e. Takot naman pala pinagtitripan pa nila ako.

Iniwan ko na sila doon. Sa tuwing may nakakasalubong akong estudyante napapatingin sila sa akin. 'Yong kadalasan nilang tingin na 'Woah! Meron pa palang ganitong mukha?!'. Tsh. Nai-imagine ko na ang mga mukha nila habang pinag-uusapan ako.

The MissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon