MYURI'S POV
Pagbangon ko naamoy ko agad ang sunog na niluto. Nagmadali akong lumabas at bumaba papuntang kusina. Naabutan ko ang apat na nakadungaw sa kawali na para bang may interesanteng bagay na nakalagay doon.
Dahan-dahan ko silang nilapitan.
"Anong tinitingnan niyo?" Marahas silang napalingon sa akin at sabay-sabay na sumigaw."Waaaaaahhh!!!" Kitang-kita ko ang paglaki ng kanilang mga bunganga. Napatakip tuloy ako ng tenga dahil dinaig pa ang babae kung makasigaw.
"Ano ba!!!" Iritang sabi ko. Napahinto sila't napatitig sa akin.
"Tinatakot mo ba kami!?" Inis na tanong ni Travis. Medyo nasaktan naman ako dun. Nakakatakot na pala talaga ako mukha ko? Hindi na ba kaya talagang matingnan? Hindi naman halata ang mga tagigawat ko ah dahil sa bangs ko.
He's too harsh!
"Ginulat mo kami Myuri!" Nabaling ang tingin ko kay Ian. Meron siyang dalang frying ladle.
"Courtesy call naman diyan 'pag may time!" Sabi ni Dwayne na hawak-hawak pa ang dibdib.
O.A ah!
"We're trying to cook," sabi ni Mark habang nagkakamot ng ulo.
Lumapit ako sa niluto nila kaya agad silang nagbigay daan. Itlog lang pala ang niluluto nila nasunog pa. Mga walang alam at karanasan talaga ang mga lalaking 'to.
"What are your basis if it's cooked? Getting burned?" Tanong ko sabay harap sa kanila.
Nag-iwas sila ng tingin maliban kay Travis.
"We don't know since we don't know how to cook," May angas na sagot ni Travis.Napaatas ako ng kilay kahit hindi kita dahil sa makapal kong bangs. Wala naman sigurong gustong kumain ng nasusunog na ulam.
"E bakit kayo nagluto hindi naman pala kayo marunong?" Inis na sabi ko."We're hungry and we might be late," sabi ni Travis na ang sama na ng tingin sa akin. "Kung sana maaga kang nagising hindi sana magiging ganyan 'yan!" dagdag niya.
Nagulat ako sa sinabi niya.
"Hey! Am I a servant here!?" Napataas ang boses ko dun. "I am here because it's MY Tita's House! I didn't apply here as your servant! Sa katunayan kayo dapat ang magmukhang katulong sa atin dito!" Sabi ko.They were taken aback. Maybe because they didn't expected what I've said. Minamaliit kasi nila ako. Mukhang dapat sila ang manliit sa sarili nila. Because not all the time there's a maid that will do all the chores. Hindi nga nila alam ang magluto.
May mga bagay na kailangang matutunan mag-isa.
"P-Pasensya na M-Myuri pero hindi kasi g-ganon ang i-ibig--"
"Pasensya na rin pero ganon ang pagkakaintindi ko," putol ko sa gustong ipaliwanag ni Ian. "Help yourselves. Hindi ko kayo tutulungan," sabi ko saka sila iniwan doon. Hindi bagay sa kanila ang magsalita ng ganon kanina.
Dumiretso na lang ako sa kwarto ko. Nakakainis ang mga ugok na 'yon. Sana hindi na lang ako nagpakita ng pagmamalasakit sa kanila. Namimihasa.
Naligo na ako. Magbibihis na sana ako ng mapansing wala pa pala akong uniform. Exempted siguro ako kasi transferee. Namili na lang ako ng damit na disente. Pero kahit anong pagkadesinte nito hindi parin bagay sa mukha ko.
Nasa kalagitnaan ako ng pamimili ng damit ng may biglang kumatok sa pintuan.
"Myuri?" boses ni Mark.
Ano na naman?! Psh.
Nagdadabog akong naglakad papunta sa pinto at binuksan ito.
"What!?" Inis kong tanong.