Chapter 13

10 3 0
                                    

IAN'S POV

Lahat ng plano namin palpak. Paano na namin masasakatuparan ang misyon? I can't bear to lost this opportunity to have a free rent.

Kanina pa palakad-lakad si Mark sa harapan namin. Kami na nga ang nahihilo sa kanya. At halatang stressed pa siya dahil kinakagat-kagat niya na ang mga daliri niya.

"We need to do something!" Sigaw ni Mark. Lahat kami frustrated. We can not think well.

"Lagot tayo kay Auntie Lorein kapag nalaman niya ang nangyari kay Myuri!" Sabi ko.

"Yeah. For sure!" Sabi ni Dwayne.

"As much as possible kailangan nating bantayan si Myuri. Baka kung ano na namang kalokohan ang gawin nila sa kanya!" Sabi ko.

Naalala ko na naman kanina ang nangyari kay Myuri. Nakakaawa. I'm sure her head right now is aching. Ikaw ba naman pagtulungan ng madaming babae.

"F**K!" Sabay kaming napatingin kay Dwayne. Hawak-hawak niya ang phone niya. Lumapit kami para matingnan kung anong tinitingnan niya.

Binabasa niya ang mga comments ng mga nakapanood ng ginawa niyang video. At halos mga nag-comment ay mga LALAKI!

Ilan ito sa mga comments na nabasa namin. Galing sa mga kalalakihan.

'Anong bang sayaw 'yan?'

'WHAT THE F! Back up dancer niya si Sadaku?'

'Ampanget ng nasa likod ah!'

'Tinagurian pa namang prince... Tsk. Tsk. Tsk.'

'Anak siya ni Chairman Dominic diba?'

'Galing ba siya sa Elizalde talent agency? Ba't ganyan siya magchoreo? May nilalagay na aswang sa likod! Hahaha....'

Meron namang mga nakikisimpatya. At mga kababaihan naman 'to.

'It's okay Baby Dwayne!'

'Don't be scared Love. Nandito lang ako!'

'Extraordinary!'

'Dapat sumayaw rin ang nasa likod! 😈
Para maganda!''

'Ayos lang naman maging tanga minsan e Papa DP!'

Napangiwi kami nang mabasa namin. Grabe. Hindi ko matake ang mga opinyon ng mga tao ngayon! Hindi na sila nag-iisip kung meron bang masasaktan sa mga tina-type nila. Hindi ba nila alam na sa simpleng type lang makakaapekto na sa isang tao.

"Tsk. I kow it's not gonna make a big effect to you, Dwayne," sabi ni Mark. "It has a big effect to Myuri. Look oh. Her bashers are more than YOUR bashers. Mga babae pa na mga avid fan mo!"

"Kaya hindi na kataka-takang binubully siya sa school," sabi naman ni Jave.

"What if Auntie Lorein see this?" nag-aalalang tanong ko sa kanila.

Nagkatinginan sila. At walang ano-ano'y kinuha ni Mark ang phone ni Dwayne.

"Uy! Anong gagawin mo!?" Sigaw ni Dwayne.

"I will delete this video!" Sagot ni Mark.

Mabuti pa nga. Para hindi na makita ni Auntie Lorein ang video at baka kung ano pang mangyari.

--

MYURI'S POV

Masakit ang ulo. Super. Parang sasabog na nga ito sa sobrang sakit. Kapag talaga ako ang napuno humanda sila sa akin. Galit pa sa angry ang ipapakita ko sa kanila.

The MissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon