Chapter 10

16 4 0
                                    

Myuri's POV



First period na. Pansin ko kanina na marami pala kaming mga transferee kaya magpapakilala kami isa-isa pati na rin ang mga old students para naman makilala sila ng mga new.

Hindi naman kagulat-gulat na magtilian ang mga kababaihan at kabaklaan sa tuwing nagpapakilala ang apat na kumag. Pansin ko rin na sila lang apat ang gwapo at yayamanin dito. Kaya naiintindihan ko ang mga babae at bakla kung bakit sila tumitili.

Dahil magkakatabi kami ng apat na kumag ako ang panghuli na sa kanila kasi nasa may aisle ako nakaupo. Nang ako na ang magpapakilala lahat ng mga kaklase ko tumahimik. Lahat sila nakatutok ang paningin sa akin. Nakakailang naman. Pakiramdam ko tuloy sa mga tingin nila ang ganda-ganda ko kahit kabaliktaran naman.

Tumayo na ako. At parang binalot ng katahimikan ang buong classroom. Pati ang teacher namin parang nayelo ng makita ako. Psh. Hindi naman ako halimaw na nangangagat.
"Hi. My name is Kam Myuri Dela Torre," maikli lang ang pagpapakilala ko. Walang ni isang pumalakpak o humiyaw ng magpakilala ako. Well, ano nga namang aasahan ko diba? I know what I look like. Para akong multo na nag-aaral kasama ang mga gwapong nilalang didto sa ibabaw'ng lupa 

Naupo na ako.
"O-Okay n-next..." Sabi ni Ma'am.

Aish. Mukhang hindi magiging maganda ang pananatili ko dito.

——

"Goodbye and thank you Mrs. Hibaya," Sabay-sabay kaming nagpaalam sa Math teacher namin. Bibit ang mga libro lumabas na ang teacher namin.

Binalingan ko ang apat.
"Hindi niyo na ako kailangang sundan," malamig kong sabi sa kanila.

"We don't have plans to follow you everywhere," napahiya naman ako ng konti don. Pero taas kilay parin akong nalakad paalis ng room.

Naglalakad na ako papuntang canteen ng biglang may tumawag.

"Hey! Huminto ka naman!" Nagulat pa ako ng bigla na lang itong humawak sa balikat ko.

Paglingon ko nakita ko 'yong kabarahan ni Ian kanina. Siya si Miss Braided hair.
"Yes?" Sabi ko sa kanya.

Bigla niyang inalis ang pagkakahawak sa balikat ko at umayos. Napalunok pa siya.

"Pwedeng——"

"MYURI!" napalingon sa tumawag. Lumapit siya sa akin at matamis na ngumiti. Bahagya niyang tiningnan si Miss Braided hair bago niya ako tingnan muli. "Can I join you?" Tanong niya.

Hindi ako nakasagot.
"Ako rin. Pwede ba?" Sabi naman ni Miss Braided hair. Lalo akong hindi nakasagot.

Hindi kasi ako sanay na may lumalapit sa akin at nag-aalok kung pwede ba nila akong sabayan. Sanay kasi akong kinatatakutan, binubully at pinagtatawanan. Kaya nakakapagtakang may dalawang naggagandahang babae ang lumalapit sa akin ngayon.

"Ayos lang ba?" Tanong ni Miss Braided hair. Marahan akong tumango.

"Nice! Let's go?" Hinawakan ni Maxxi ang kamay ko't hinila papunta sa cafeteria.

Pinagtitinginan kami ng mga nakakasalubong namin. Dada kasi ng dada si Maxxi tapos 'tong isa naman tawa ng tawa sa pinagsasabi ni Maxxi. I guess magkakilala sila at malapit sa isa't-isa. Magkasundong-magkasundo e.

Nang makarating na kami sa cafeteria agad na naghanap si Maxxi ng mauupuan. Nang makahanap na siya hinila niya ako papunta ron. Nang maupo kami nagpresenta siyang siya na ang mag-order at lilibre na niya kami.

Bigtime. Pwede ko siyang samahan anytime dito sa cafeteria kung palagi naman akong libre.

Naiwan naman kami ni Miss Braided hair. Awkward nga kasi nagtititigan lang kami kahit hindi naman niya nakikita mata ko.

The MissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon