Chapter 7

27 4 0
                                    

Ian's POV

"Sige na, Dre!" Sigaw ko sa kay Jave. Kanina pa namin hinihila si Jave papasok ng bahay. Nang makita kasi namin si Myuri napagdesisyunan naming ngayon na simulan ang oplan MMP.


"AYOKO!" Sigaw ni Jave na malakas ang kapit sa halaman.


"'Langya ka dre!" Sabi ni Dwayne. "Sige na. Kailangan na nating simulan ang misyon na 'to!"


"Hindi ko kaya, Dre!" Parang maiiyak na sabi ni Jave na nakapikit na habang nakakapit sa halaman. Kawawa naman ang halaman kanina pa nabibinat. 


"We should start the game,Idiot! Akala ko ba matapang kang ungas ka!? Bakit ngayon pinapakita mo sa aming mahina ka!? Mahina ka, 'yon ang totoo," sabi ni Mark sa malamig na boses. Napatigil kami kahihila kay Jave at napatingin sa kanya. Seryoso na talaga siya. Tumingin kami sa reaksyon ni Jave. Tumigas ang mukha niya. Merong halong pagka-insulto.


"Hindi ako mahina!" Singhal ni Jave. Inalis niya ang kamay namin mula sa pagkakahawak sa damit niya.


Naglakad na siya papasok ng mansiyon. Naiwan kaming nagkatinginang tatlo. Sinundan naman agad namin siya. Mabilis kaming nagsiakyatan at naabutan namin si Jave na nakahawak na sa doorknob.


"Dre,teka——!" Nabuksan na niya ang pintuan. Dali-dali naman kaming pumasok pero sabay-sabay naman kaming nagsigawan ng makita ang portable DVD sa kama ni Myuri.


"AAAAAHHH!!!" Nag-unahan kaming lumabas ng pinto pero bigla na lang itong sumara. Sinubukan ko itong buksan pero hindi na bumukas.


"Bakit hindi bumubukas!" Inis na sabi ko.


"What!?" Nilapitan ako ni Mark. Sinubukan niya ring buksan ito pero hindi parin bumukas.


"Guys... T-Tingnan niyo!" Napalingon kami. Doon natutok ang tingin namin sa tinuturo ng kanang kamay ni Jave.


"WHAT THE F*CK!" Napamura agad si Dwayne sa nakita namin.


May mga skull, skeleton, mannequin na puno ng dugo at mannequin na pugot ulo. Nakadisplay ito sa pinakagilid ng kwarto sa may kaliwa. Nagsimula ng manginig ang buong katawan ko. Hindi ko kinaya ang nakikita ko. Bakit ganito ang kwarto ni Myuri?


"This is sooo... S-scary!" Sabi ni Dwayne. Napalibot naman ang paningin namin. Ang part na 'yon lang ang madilim. The rest ay maliwanag naman.


Ano bang trip mo Myuri?


Medyo hindi na ako natatakot kay Myuri pero ngayon mukhang bumabalik na. Hindi ko maintindihan kung bakit niya dini-display ang mga bagay na 'to e hindi pa naman halloween. At mas lalong natakot kami ng bigla na lang gumalaw ang skeleton.


"WAAAAAHHH!!!" Sigaw namin at nag-unahang buksan ang pintuan. Kahit anong pilit naming buksan ang pinutuan hindi parin. Hindi parin bumubukas ang pintuan. Pakiramdam ko maiihi na ako sa salawal ko sa sobrang takot.

The MissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon