PROLOGUE

5.6K 91 13
                                    

SPECIAL DEDICATION:

To my dearest friend, a little sister, isa sa karibal ko kay JB... Ed Gelleinie Borja. 😁

Edgell, hanggangngayon, nalilito pa rin ako sa spelling ng pangalan mo. Haha! 😂 This is my promise to you. Ang price mo dahil nalagpasan mo ang dare ko sa'yo for one week! I actually didn't expected that you will take the challenge seriously. But you made me proud dear girl. Also, this also serves as my Graduation gift for you. I hope you will like it! Love yah! 😘



*********************************************************


"IKAW NA magsabi!" sabi ni Andie kay Edgell, saka siya bahagyang tinulak.


Mabilis siyang umiling. "Ikaw na!"


Bigla siyang napahinto sa pagbubulungan ng lumingon sa kanila ang tatlo pang kaibigan.


"Ano ba 'yan para kayong mga bubuyog na nagbubulungan diyan?" tanong ni Elissa.


"May problema ba?" tanong din ni Jane.


Sasagot n asana si Edgell ng mapasinghap ng malakas si Regina at napatutop pa ang bibig nito.


"Sabihin mo sa akin, sino ang ama ng dinadala mo?!" bulalas nito.


"Ay wow, best actress!" sagot ni Andie.


Nagtawanan silang lahat.


"Lukaret! Hindi iyon! Virgin pa ako! Alam n'yo naman kay Hae-bit lang nakalaan ang katawan ko!" sagot ni Edgell.


"Oh, eh ano nga iyong pinagbubulungan n'yo nga?" tanong ulit ni Elissa.


Bumuntong-hininga siya at naupo sa tabi ni Regina.


"Nakausap ko na si Kuya, pumayag siya na mag-shift ako ng course. Kaya next year, hindi na ako dito mag-e-enroll," sagot niya.


Bumakas ang lungkot sa mukha ng mga kaibigan.


"Sabagay, hindi malayong kami rin," ani Regina.


Napatingin sila dito.


"Hirap na kasi, mga besh! Malapit ng matuyo ang ganda ko sa pag-aaral at pagtatrabaho. Kawawa naman si Andrew Dixl kapag naubos ang ganda ko, paano na lang siya?" dagdag pa nito.


"May Fatima naman siya," pabirong sagot ni Edgell.


Biglang umasim mukha ni Regina. "Bakit ba hindi na lang siya naging akin? Mas puno naman ako ng alindog kaysa sa isang 'yon?"


Natawa na naman silang apat.


"Kailangan talaga involve si Andrew?" tanong ni Andie.


"Oo, ano ka ba? Alam mo na, priorities," sagot ni Regina.


"Eh ikaw, Andie?"


Malungkot na ngumiti ito.


"Tuloy na rin paglipat ko ng school at course next school year. Hindi na talaga kaya ng utak ko 'to! Sayang lang kasi 'yong mga subjects na puwede ko ma-credit kaya pinilipit ko na lang na tapusin," paliwanag nito.


"Basta ha? Walang puputol ng communication ah!" sabi pa ni Elissa.


"Oo naman!" nakangiting sagot ni Jane.


"Syet! Saglit lang! Si Dixl!" hiyaw ni Regina.


Dahil sa lakas ng boses nito ay napalingon sa gawi nila si Andrew. Mabilis na napatungo silang apat, habang si Regina ay kumaway pa habang todo ngiti. Napatingin sila ng biglang tumili ito, noon nila nakita na kumaway at ngumiti si Andrew sa kanila. Kaya pati silang apat ay kinilig sa nasaksihan.


"Gosh, ang guwapo talaga!" sabi pa ni Jane.


"Ayoko na, grabe! Suko na talaga puso ko sa kanya!" sagot naman ni Andie.


"Hoy! Akin s'ya!" mabilis na kontra ni Regina.


"Ay, excuse me!" mabilis na react ni Elissa.


Pero natigilan sila ng mayamaya ay umagapay sa paglalakad ni Andrew ang girlfriend nitong si Fatima. Tumingin pa ito sa kanila, sabay irap at hawak sa kamay ng nobyo.


"Aray ko, te! Grabe 'yon, harap-harapan," komento ni Edgell.


"Masakit 'yon ah!" sigaw ni Regina.


"Ayoko na nga, dito na lang ako sa Oppa ko!" sabi niya, saka hinaplos ang larawan ng favorite member ng Korean Group na Galaxy na ginawa niyang cover ng notebook.


"Buti pa itong si Edgell, may reserba," sabi pa ni Andie.


"Hayaan n'yo girls, magkakaroon din tayo ng Expat na Papa!" sabi naman ni Jane.


"Tiwala lang," sagot naman ni Elissa.


"Oo, tiwala lang sa alindog n'yo," sang-ayon naman ni Regina, pagkatapos ay nag-high five silang lima.


"Tara, ikain natin ito!" yaya ni Edgell sa mga kaibigan.








Expat Huntress Series 3: Oppa, Neon Nae Kkeoya! (Oppa, You're Mine!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon