KUNOT ang noo na napalingon si Edgell sa paligid natapos niyang mapansin na tila abala ang lahat ng mga ka-opisina niyang babae sa pagme-make up. Ni halos hindi siya pinansin ng mga ito, kasama na roon si Bernie na habang naglalakad ay hawak ang pressed power at panay ang apply niyon sa mukha.
"Uy Bernie!"
Hindi siya pinansin nito.
"Bernie!" tawag niya ulit.
Hindi na naman siya pinansin. Napabuntong-hininga si Edgell saka napailing.
"Berna... Bernang maganda!"
Bigla itong lumingon, with attitude na parang nasa shampoo commercial, sabay beautiful eyes, pout ng lips at ngiti sa kanya.
"Yes?" malandi ang boses na sagot nito.
Nanggigigil na nilapitan ni Edgell ang bading na kaibigan, saka inambaan ito ng nakatikom na kamao niya.
"Nananapak ako ng binabae, ang arte nito!"
Biglang niyakap nito ang sarili, saka nagpaawa kunwari.
"You're so harsh to me, my friend!"
"Bakit ba parang aligaga kayong lahat sa pagme-make-up?"
Pumalatak ito ng sunod-sunod.
"Huli ka na naman sa balita, hindi mo ba alam na ngayon ipapakilala ni Mister Lee ang guwapong anak n'ya na papalit daw sa puwesto n'ya?" sagot ni Bernie.
"Ah, kaya naman pala. Akala ko kung ano na."
Natatawa na bumalik na sa mesa niya si Edgell. Habang abala sa tina-type niyang report tungkol sa new product na dine-develop nila. Natigilan si Edgell matapos maalala ang lalaking nagisnan niya ng Sabado ng umaga. Simula ng mag-usap sila ng masinsinan ni Rosa, hanggang sa mga sandaling iyon ay iniisip pa rin niya kung babalik siya sa bahay ng lalaki. Ang problema naman kasi, isipin pa lang ni Edgell na muli niyang makakaharap ang lalaki, parang matutunaw na siya sa hiya. Pero minsan, naiisip niya kung ano nga kaya ang magiging reaksiyon nilang dalawa kapag muli silang nagkita?
KABABALIK lang ni Edgell sa table niya ng bulungan siya ni Rosa.
"Nandiyan na sila Mister Lee," anito.
Nang bumukas ang pinto, sa hindi maipaliwanag na dahilan ni Edgell. Biglang bumilis ang pintig ng puso niya, nabalot ang dibdib niya ng kaba.
Pagpasok ng may edad nilang CEO, gaya ng nakasanayan nilang nakikita mula dito. Agad silang sinalubong ni Mister Lee ng magaan na ngiti na tila masaya itong makita silang lahat. Nagtaka si Edgell dahil ang tanging kasama ng boss nila ay ang Sekretarya nito.
"Hello everyone!" bati ng CEO sa kanila.
"Good Afternoon, Sir!" bati nilang lahat.
Umikot ang tingin nito sa paligid ng tila mapansin nitong naroon sila lahat ay tumango-tango ang mga ito. Muli nitong binuksan ang pinto saka may sinilip ito sa labas, pagkatapos ay nagsalita ito ng Korean. Kasabay niyon, hindi sinasadyang natabig ng kamay Edgell ang mga importanteng papeles sa ibabaw ng mesa niya, kaya nahulog at kumalat ang mga iyon sa sahig. Kaya agad niyang isa-isang dinampot ang mga iyon.
"Annyeong! Good afternoon everybody, I would like all of you to meet my son, Youngjae Lee. He will be the next CEO of LYJ Food Incorporated," narinig niyang anunsiyo ng boss nila.
BINABASA MO ANG
Expat Huntress Series 3: Oppa, Neon Nae Kkeoya! (Oppa, You're Mine!)
RomanceOkay guys, this is another story of Fan-Kpop Idol kind of Story. Alam ko na marami sa ATIN ang makaka-relate at aasam na sana TAYO RIN... :) "I want you to stop look at me as the Kpop idol you once knew. This is real life. I want you to see me as an...