CHAPTER EIGHT

1.7K 49 2
                                    

NAKANGITING nakipag-kamay si Edgell sa babaeng Event Organizer maging si Youngjae. The meeting went well, sa kabila ng hindi mapakaling puso niya. Halos nakahanda na ang lahat para sa Product Launching nila sa isang araw. Mula sa venue, sa mismong program at produkto, sa pag-anunsiyo ni Mister Lee ng pagbaba nito sa puwesto at sa pagpapakilala kay Youngjae bilang bagong CEO ng LYJ Food Incorporated hanggang sa mga giveaways. Siniguro sa kanila ng even organizer na walang magiging aberya, and everything will be perfect.


"Mauna ka na, magta-taxi na lang ako pauwi," baling niya kay Youngjae matapos makaalis ng ka-meeting niya.


"No, sabay tayong dumating dito. Sabay din tayong aalis. And please, try not to argue because you know I won't listen," giit ng binata.


Napabuntong-hininga na lang si Edgell at hindi na nga nakipagtalo pa. Matapos ang biglang pag-amin ng nararamdaman ng binata sa kanya. Hindi nakapagsalita ang dalaga sa labis na pagkabigla. Hindi naman siya manhid, at tama ang sinabi ni Youngjae kanina. She's just trying to ignore it, pero ang totoo, ramdam na ramdam niya na gusto siya ng binata. At hindi magawang takasan ni Edgell ang katotohanan kahit anong pilit niya, na walang pagkakaiba ang nararamdaman niya sa binata. Mahal din niya si Youngjae, pagmamahal na inakala niya noong una ay ordinaryong damdamin ng fangirl sa iniidolo. Hindi namalayan ni Edgell na mas higit na doon ang nararamdaman niya para sa binata.


Hanggang sa makarating sila sa Hotel and Casino na siyang magiging venue ng Product Launching nila ay pareho silang tahimik. Habang nagmi-meeting kasama ang event organizer, pansamantala muna nilang tinabi ang tensiyon at pinairal ang pagiging propesyunal.


"Okay, sige na. Hintayin mo ako dito, magsi-CR lang ako," sagot niya.


Marahan tumango si Youngjae. Habang naglalakad papunta sa CR ay pilit na pinapakalma ni Edgell ang sarili. Alam niyang hindi pa natatapos kanina ang pag-uusap nilang dalawa. Ang marinig deretso sa labi ng binata na mahal siya nito, ay tila isang panaginip. Natatakot siyang maniwala na ang isang gaya ni Youngjae, na tinitilian at hinahangaan hanggang ngayon ng karamihan ay mamahalin siya ng ganoon. Pero hanggang kailan niya maitatago ang tunay na nararamdaman? Hanggang kailan niya kayang magsawalang-kibo?


Matapos mag-CR, at bago siya lumabas ay tinitigan munang maigi ni Edgell ang sariling repleksiyon sa salamin. Pilit niyang kinalma ang sarili at winasto ang takbo ng isip maging ng kanyang puso.


"Fighting, Edgell," mahina ang boses na sabi niya sa sarili.


Nang makalabas siya sa Comfort Room. Bigla siyang natigilan ng matanaw ang pamilyar na babae na tila may hinihintay sa pinaka-bungad ng hallway na iyon.


"Madam Erlinda?" aniya sa kanyang isipan.


Tatawagin sana niya ang Ginang pero na-distract siya ng mabangga ng isang lalaki na galing sa likod niya.


"Sorry," sabi pa ng lalaki.


Ngunit hindi inasahan ni Edgell ang susunod na tagpo. Lumapit ang lalaking nakabangga sa kanya kay Madam Erlinda pagkatapos ay hinalikan ng masuyo ang Ginang sa labi. Natutop ang labi at hindi nakakilos si Edgell at natulala na lang sa labis na pagkabigla ng nasaksihan. Hindi na niya kailangan hulahaan kung ano ng asawa ni Mister Lee ang lalaki, dahil obvious na may relasyon ang dalawa. At sa tantiya niya ay parang nasa late twenties ang lalaking iyon.

Expat Huntress Series 3: Oppa, Neon Nae Kkeoya! (Oppa, You're Mine!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon