CHAPTER TEN

3.3K 132 29
                                    

"SAAN tayo magkikita?" tanong ni Edgell kay Andie. Ang bestfriend niya since College. Magkausap sila via video call ng mga sandaling iyon. Lunch break nila sa office, at iyon ang huling araw nila sa trabaho bago ang Christmas Vacation. Sa December twenty-seven ay magkakaroon sila ng college reunion.

"Doon na siguro sa school," sagot nito.

"Sige," pagpayag niya.

"Ano ba ang attire ulit?" tanong ulit ni Andie.

"Semi-formal, pero ako baka simpleng dress lang isuot ko."

"Ako rin, ayokong magpaka-bongga doon," ani Andie.

"Paano? Kita na lang tayo, ilang araw na lang pala," sagot niya.

"Oo nga, ilang araw na lang. Miss na miss ko na kayo! Si Regina, umaalagwa ang career sa social media!" ani Andie.

Natawa si Edgell. Bigla na naman niyang naalala ang naging reaksiyon matapos makita sa social media ang video ng isa sa kaibigan nila na si Regina tungkol sa mga AFAM. Kahit noon pa ay masaya na itong kasama, kaya naman nag-click agad ang friendship nila. Ngunit sa pagbalik ng masasayang alaala niya noong college years nila, kasama niyong pinaalala ang naging kasunduan nila sampung taon na ang nakakalipas.

Napangiti na lang si Edgell ng maalala kung paano sila nabaliw sa isang lalaking estudyante ng school nila na foreigner. Pero sa huli ay walang pinansin kahit isa sa kanila, dahilan para ma-broken hearted silang magkakaibigan. Kaya naman nabuo ang pangako nila sa isa't isa, na makalipas ang sampung taon, sa reunion nila, dapat ay may mga boyfriend na silang foreigner. Ang totoo ay nakalimutan na ni Edgell ang tungkol doon. Naalala na lamang niya ng banggitin ni Regina, Jane at Elissa noong makausap niya sa chat. At mukhang hindi na yata siya makakatupad sa usapan nilang iyon.

"Oo nga, nakakaloka! Buti pa siya!"

"Edgell, matutupad mo ba 'yong usapan natin?" tanong pa niya.

Pinilit niyang itago sa likod ng pekeng ngiti ang lungkot na nararamdaman niya sa mga sandaling iyon.

"Hindi eh, mukhang wala. I don't think it will work out," sagot niya.

Bumuntong-hininga ng malalim si Andie, isang pagak na tawa ang pinakawalan nito.

"Pareho pala tayo," sagot ng kaibigan.

"Di bale, kapag kasama nila mga jowa nila sa reunion. Tayong dalawa ang magkasama, masarap pa rin naman ang maging single, di ba?"

"Korek!" sang-ayon ni Andie.

"So, paano? Chat na lang ulit tayo bago mag-twenty-seven, malapit na mag-ala una. Kailangan ko ng bumalik sa trabaho," aniya.

"Sige."

Nang matapos ang video call ay saka siya napatungo sa ibabaw ng mesa at humugot ng malalim na hininga. Baka sakaling kahit paano ay gumaan ang patuloy na bumibigat niyang dibdib.

It's been almost two weeks since Youngjae left the Philippines. Matapos nalaman ng mag-ama ang panloloko ni Erlinda sa asawa. Nalaman na lang niya na umalis ang binata mula sa sekretarya ni Mister Lee, kasabay niyon ay nabalita rin sa kanila na tuluyan ng pinalayas si Madam sa bahay ng ama ni Youngjae. Sobra nasaktan ang dalaga, hindi alam ni Edgell kung ilang araw niyang iniyakan ang pag-alis ng binata ng wala man lang paalam. Pakiramdam ng dalaga ay tuluyan na itong tumalikod sa relasyon.

Expat Huntress Series 3: Oppa, Neon Nae Kkeoya! (Oppa, You're Mine!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon