"KUMUSTA na ang Boss mo?" tanong ni Emil, ang Kuya ni Edgell habang magkausap sila via Video Call.
"Okay na siya, Kuya. Nagpapagaling na sa ospital. Bukas ng umaga, puwede na siyang lumabas ng ospital."
"Ed Gelleinie, natutuwa ako sa ginawa mong pagligtas sa kanya. Ang totoo, proud ako sa'yo dahil niligtas mo ang buhay niya. Pero sana huli na 'to, baka mamaya ikaw naman ang mapahamak."
Napangiti siya sa narinig mula sa kapatid.
"Kuya, masyado kang nag-aalala sa akin," sagot niya.
"Natural lang, dalawa na lang tayong natitira dito sa mundo. Magkalayo pa, sabi ko naman kasi sa'yo sumunod ka na dito para magkasama na tayo."
"Eh, ayoko pa Kuya. Masaya naman ako dito sa Pilipinas. Isa pa, mahal ko ang trabaho ko. Stop worrying yourself about me, ang asikasuhin mo ang pamilya mo. Malaki na ako, I'm already twenty-eight. Kaya ko na ang sarili ko, kaya ko na rin suportahan ang sarili ko, saka malay mo ako ang ma-promote. Magre-resign na kasi ang Food Production Manager namin eh, kaya open ang position na 'yon," sabi pa niya.
"Talaga? Hindi na rin naman ako magtataka kung ikaw ang ma-promote. You're very hardworking," sagot ng kapatid.
Napangiti siya. "Hmm, bilib ka na naman," biro pa niya.
"Teka, maalala ko pala. Ikaw ba wala pang balak mag-asawa? Aba, dalawang taon na lang trenta ka na!"
"Kuya Emil naman! Paano napunta sa pag-aasawa ang usapan?"
"Wala ka bang boyfriend? Iyong Boss mo, baka mamaya may gusto 'yan sa'yo kaya nag-request na ikaw ang magbantay sa kanya," sabi pa ng kapatid.
Natawa ng malakas si Edgell. Naibalita kasi ng Tita niya sa Kuya niya ang
nangyari kay Youngjae ng tumawag ito sa bahay nila noong Friday ng gabi, kung saan nangyari ang pagsaksak sa binata. Para mawala ang hinala nito, kinuwento niya sa kapatid kung bakit close agad sila ni Youngjae.
"Akalain mo nga naman ang pagkakataon oh," komento ni Emil.
"Kaya nga, di ba? Kaya impossible ang sinasabi mo na may gusto siya sa akin! Kahit wala na siya sa Music Industry sa paningin ko. Siya pa rin si Hae-Bit na member ng Galaxy na man of my dreams ko. Kumbaga, nasa tuktok siya ng bundok, ako nasa kapatagan lang!"
"Ano bang impossible? Maganda ka naman, wala sa lahi natin ang pangit!"
"Naku, ayoko nga isipin 'yan!"
"Saka kung nasa tuktok siya ng bundok, puwede naman siyang bumaba para puntahan ka," sabi pa ng kapatid.
Natawa siya sa sagot ng Kuya niya.
"Kuya, maipilit!"
"Basta, kahit sino pa 'yan. Ang importante lang sa akin, hindi ka niya sasaktan."
Napangiti siya sabay buntong-hininga.
"Don't worry, Kuya. I'll be fine."
Linggo ng umaga ng magpaalam si Edgell kay Youngjae na uuwi muna. Pumayag ito sa pangako na babalik din siya agad. Ang totoo, maging siya ay hindi maintindihan na kung bakit parang sobrang attached sa kanya ng binata. Pero kaysa magreklamo siya, buong pusong nagpapasamalat si Edgell na binigyan siya ng Diyos ng pagkakataon para maging ganoon ka-close sa dati ay pinapanood lang niya sa TV at Internet.
BINABASA MO ANG
Expat Huntress Series 3: Oppa, Neon Nae Kkeoya! (Oppa, You're Mine!)
RomanceOkay guys, this is another story of Fan-Kpop Idol kind of Story. Alam ko na marami sa ATIN ang makaka-relate at aasam na sana TAYO RIN... :) "I want you to stop look at me as the Kpop idol you once knew. This is real life. I want you to see me as an...