CHAPTER NINE

1.8K 49 7
                                    

"GREAT job, Edgell," salubong ni Misis Marquez pagbaba niya ng stage.

"Thank you po," nakangiting sagot niya.

"Jal Handa," sabi naman ni Mister Lee, na ang ibig sabihin ay "Well done."

Bahagya siyang yumukod sa harap ng CEO.

"Kamsahamnida," pasasalamat niya kay Mister Lee.

Paglingon niya kay Youngjae ay malapad itong nakangiti. Masaya siya dahil bakas sa mukha ng binata na proud ito sa kanya. Kung wala nga lang ibang tao, malamang ay niyakap na siya nito.

Laking pasalamat ni Edgell dahil nagawa niyang kontrolin ang emosyon. Imbes na magpa-apekto siya sa pananakot sa kanya ni Madam Erlinda at sa pang-iinis ni Beth. Tinuon na lamang niya ang sarili sa pagbabasa ng ipe-present sa audience ng health benefits at nutrition facts ng Food Pockets.

Hindi alam ng dalaga kung paano dumaan ang labinlimang minuto simula ng tumuntong siya sa stage. Nang magsimula na siyang magsalita, parang hinipan ng hangin ang inis na nararamdaman. Marahil ay dahil na rin sa nakikita niya sa kanyang harapan ang maamo at nakangiting mukha ng binata. Hindi mabilang ni Edgell kung ilang beses siyang kinindatan ni Youngjae, at sapat na iyon para kiligin siya ng husto. Mabuti na lang at hindi siya na-distract. Ang guwapo kasi nito sa dark gray suit na suot nito.

Noon active pa ang Galaxy, nakikita lamang niya ang ganoon ayos ng binata sa mga awards night. Ngayon ay narito na ito sa kanyang harapan at panay ang pagkaka-cute sa kanya. Lihim siyang napapabuntong-hininga sa tuwing naiisip ang mga pangyayari sa kanyang buhay nitong mga nakaraan buwan. She's indeed a one blessed fangirl.

Matapos i-announce ng MC ang free samples ng Food Pockets para sa mga audience. Sumunod ang farewell speech ni Mister Lee, doon ay opisyal na nitong in-anunsiyo ang pagbaba nito sa puwesto, kasabay ng pagpapakilala kay Youngjae

bilang bagong CEO ng LYJ Food Incorporated. Magkahalong lungkot at saya ang naramdaman nilang mga empleyado. Mister Lee has been a great and wonderful Boss to everyone. Wala silang masabi sa kabaitan nito, bukod pa sa generous ito. Kaya naman hindi niya maiwasan magalit kay asawa nito ng malaman niya ang panloloko ng babae. Minsan nga ay natutukso na siyang magsalita kay Mister Lee. Nako-konsensiya siya na nato-tolerate niya ang kalokohan ng babae. Hindi deserve ng mag-ama na tratuhin ito ng ganoon.

Naputol ang pag-iisip niya ng magsimulang magsalita si Youngjae. Napangiti siya ng marinig na nagtilian ang ilang kababaihan sa audience. Obvious na nakilala ng mga ito ang binata. Hindi na nagtaka ang dalaga dahil sikat na sikat kasi noon ang grupong kinabilangan nito. At hindi naman masisisi ni Edgell ang mga ito kung magtilian ng malakas, kahit sinong babae ay hahanga sa kaguwapuhan ni Youngjae.

"Pero sorry na lang, he's already mine."

Lihim siyang natawa sa sarili dahil sa naisip.

"Good evening, everyone, I will be the new CEO of LYJ Food Incorporated. The last time I stand on a stage like this. I stand as a performer. Never in my life, I think or dream that I will run our company one day. Ilang beses ko ng tinanong ang sarili ko kung kaya ko ba? One thing I am worried and scared of, is to fail the people from our company. But my Dad told me, to believe in myself and trust our people. And aside from that, someone came along, that person became one of the most important people in my life. She gives me inspiration..."

Napangiti si Edgell sa narinig kasunod ng pasimpleng pagsiko sa kanya ni Bernie.

"Nakakainsulto na 'yang ganda mo, friend. Hindi ko na keri," bulong nito.

Expat Huntress Series 3: Oppa, Neon Nae Kkeoya! (Oppa, You're Mine!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon