CHAPTER ONE

3.3K 74 10
                                    

Note:

I will apologize in advance. This is a raw copy, meaning self-edit lang po ito. Pasensiya na po kung may makita kayong typo or grammatical errors. Anyway, happy reading! 😘

"PANAGINIP ba ito?"

Iyon ang tanong ni Edgell sa sarili niya. Hindi siya makapaniwala. Ang lalaking laman ng kanyang panalangin at pangarap ay narito sa kanyang harapan. Looking at her with all those unexplainable emotions. Mga tingin na tila inaabot ang puso niya. His chinky eyes. His perfect sculptured-like nose, his flawless fair skin, his kissable red lips, ang buhok nitong sumusunod sa marahan pag-ihip ng hangin. Hindi niya maiwasan mapabuntong-hininga habang halos nakatingala siya sa mataas na height ng binata. Naririnig niya ang ingay sa paligid, pero ni hindi magawang ibaling ng dalaga ang tingin sa iba. Parang nakapako ang mga mata niya sa guwapong mukha ni Hae-Bit.

Her heart started beating crazy, when his hand moves and gently placed it on her cheeks. Naramdaman niya ang marahan pag-haplos ng mga daliri nito doon. Again, she sighed. This time, her heart is in chaos when he smiled at her.

Nang hapitin siya ng binata palapit at ikulong sa isang mainit at mahigpit na yakap, mabilis ang naging pintig ng kanyang puso. Mayamaya ay bahagya siyang nilayo nito at muling sinalubong ang kanyang tingin. Pumikit si Edgell ng dahan-dahan ibaba ni Hae-Bit ang mukha, kasabay ng paghanda niya sa sarili sa halik na igagawad nito. When she felt his lips finally touches hers, agad niyang sinunod ang bulong ng puso. Tinugunan niya ang halik na iyon. Kahit isang pagtanggi ay wala sa kanyang isip. It is a dream come true. Bilang isang ordinaryong fangirl, wala siyang ibang pinangarap at pinagdasal kung hindi ang pansinin at mahalin ng lalaking pinaglaanan niya ng puso.

Mahal kita, Edgell. Iyon ang paulit-ulit niyang narinig mula kay Hae-Bit. Hindi siya sumagot, ngunit pinaramdam naman niya sa pamamagitan ng pagganti ng yakap, ang pagmamahal niya. Nang mga sandaling iyon, hindi alam ni Edgell kung paano ilalarawan ang saya na nararamdaman niya. Naiiyak siya sa sobrang saya. Ang akala niya ay mananatili na lamang pangarap ang mahalin ng isang gaya ni Hae-Bit. Naisip niya, maybe she must've done something good in her life, and Heaven give her this kind of precious blessings. Unbelievable. Amazing.

NAKANGITING binalot niya ang sarili ng kumot matapos maramdaman na nanunuot sa kanyang balat ang lamig ng hangin. Kinuskos niya ang mga paa sa makinis at malambot na bedsheet. Dahan-dahan siyang dumilat, at kinikilig na niyakap ang malaking unan na naramdaman na nasa kanyang gilid. She just had a wonderful dream about Hae-Bit. Ang pinakamamahal niyang lalaki sa buong mundo.

Hae-Bit is a former member of the Kpop Group, Galaxy. Lima ang miyembro ng grupo at si Hae-Bit, na siyang pinaka-favorite niya na lead vocalist. Hae-Bit which means Sunshine. Kinse anyos pa lang siya ng mauso ang Kpop sa Pilipinas, at ng mga panahon na iyon ay kaka-debut lang ng grupong Galaxy. Unang beses pa lang niyang napanood ang Music Video ng mga ito, at unang beses niyang marinig ang magandang boses ni Hae-Bit na kumakanta. Edgell fell in love with him immediately. Simula noon hanggang ay sinuportahan niya ito. Bili ng merchandise kaliwa't kanan, lahat ng albums at posters mayroon siya. Watched every Music Videos, shows and other TV Show guestings. Voted for them on every award shows. Lahat ng concert at fanmeets dito sa Pilipinas ay pinuntahan niya, at sinisiguro na nasa pinaka-unahan siya kung saan palaging nakatayo si Hae-Bit. Kabisado lahat ni Edgell ang mga kanta nito, at mauso ang social media ay wala siyang napalampas na post nito. At masasabi niya na simula ng makilala si Hae-Bit, he had been her inspiration on her studies, bukod sa former crush niya sa school na si Andrew Dixl.

But her whole world fell apart, when she woke up one morning with a heartbreaking news. The Kpop Group Galaxy, na sinuportahan niya simula pa noong College siya hanggang sa mga oras na binabasa ang balita, announced the group's disbandment. Labis niyang dinamdam at iniyakan ang pagkawala ng grupo. The group's leader wants to be a solo artist, habang ang dalawa pang kasama ni Hae-Bit ay nag-concentrate sa Acting career.

Expat Huntress Series 3: Oppa, Neon Nae Kkeoya! (Oppa, You're Mine!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon