"HINDI mo ba nami-miss ang pagkanta?" tanong ni Edgell.
"Nami-miss," sagot ni Youngjae.
"Accepting the CEO position from your Dad, does it mean you're not planning to go back to Music Industry?" tanong ulit niya.
Humugot ng malalim na hininga ang binata. Naroon sila sa porch ng gabing iyon. Alas-onse na ng gabi, pero pareho pa rin silang hindi makatulog.
"I think so, but I will still write songs. Ang totoo, may offer sa akin noong lumabas ako ng Military Service. My old Record label wants me to sign another contract with them. Singing is my first love, pero ng mga panahon na iyon. Kinausap ako ng masinsinan ni Dad, doon niya sinabi na gusto niyang mag-take over ako sa kompanya. Wala naman siyang anak kay Tita Erlinda, kaya walang ibang magmamana nitong LYJ kung hindi ako. And I want to spend time with my Dad, matagal kaming nagkalayo at hindi nagkita simula ng magkahiwalay sila ni Mom. Naisip ko, ayokong ma-miss ang ganitong moment. I can release an album if I want too, madali naman sabihan ang record label ko. Pero hindi ko na mababalikan ang moment na puwede kong mamiss kasama si Dad," seryosong sagot n Youngjae.
Napangiti siya. Ang tanging pagkakaalam ni Edgell sa ugali ng binata, ayon sa napapanood niya noon. Masayahin at seryoso ito pagdating sa paggawa ng kanta. Pero hindi niya akalain na mas malalim pala ang pagkatao nito sa ibang bagay, lalo na sa pamilya. Dahil doon ay mas lalo niya itong hinangaan.
"That's nice, I mean, hindi biro ang desisyon na ginawa mo. Pinagpalit mo ang pangarap mo," sagot niya.
"It is very hard for me. Pero ayoko din naman pabayaan at mapunta lang kay Tita Erlinda ang pinaghirapan ng Daddy ko," sabi pa ni Youngjae.
Marahan siyang natawa.
"I'm proud of you. Hindi ako nagkamali ng taong tinangala at hinangaan noon," sabi pa niya.
"Edgell."
"Hmm?" sagot niya.
Paglingon niya, saka lang napansin ng dalaga na nakatingin na pala sa kanya si Youngjae. He's looking at her with intense and overflowing emotions, may ibig ipahiwatig ang mga mata nito na hindi niya mapangalanan.
"I hope from now on, you will look at me as me, as Lee Youngjae and not as Hae-Bit anymore."
Natigilan siya sa sinabi nito, seryoso kasi ang ekspresiyon ng mukha nito.
"Ba-bakit naman?" nagtatakang tanong niya.
"Because I want to be closer to you, and I want you to stop look at me as the Kpop idol you once knew. Gusto kong makilala mo ako bilang ako. Hindi na ito ang stage kung saan ako kumakanta. This is real life. I want you to see me as an ordinary man looking at an ordinary woman like you."
Kumabog ng malakas ang kanyang dibdib. Tila inabot ng mga salita nito ang kanyang puso. Kahit hindi nito sabihin, ramdam niya ang sinseridad ng sinabi nito. Pero bakit parang may iba pang gustong iparating ang mga sinabi ng binata. Parang may gusto pa itong sabihin na hindi niya mahulaan.
Tumikhim siya saka ngumiti.
"Okay," sagot niya.
Nang gumuhit sa labi ang guwapong ngiti ng binata ay lalong nagwala ang kanyang puso. Ang sarap sa pakiramdam na siya lang ang nakakakita ng mga ngiting iyon. Kung puwede lang na huminto muna ang oras sa mga sandaling iyon. Kung saan exclusive lang sa kanya ang tingin at ngiti nito.
BINABASA MO ANG
Expat Huntress Series 3: Oppa, Neon Nae Kkeoya! (Oppa, You're Mine!)
RomanceOkay guys, this is another story of Fan-Kpop Idol kind of Story. Alam ko na marami sa ATIN ang makaka-relate at aasam na sana TAYO RIN... :) "I want you to stop look at me as the Kpop idol you once knew. This is real life. I want you to see me as an...