PASADO alas-dose na ng hatinggabi, gising na gising pa rin ang mata at diwa ni Edgell. Hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi siya makapaniwala. Ilang beses na niyang sinampal at kinurot ang sarili, baka sakaling panaginip lang ang lahat ng iyon. Pero hindi, malinaw na malinaw na totoo nga ang mga nangyari. Bigla siyang dumapa sa kama at binaon ang mukha sa unan saka doon tumili ng tumili.
"Oh my gosh, nayakap ko si Hae-Bit! Nakausap ko siya ng personal! At magiging boss ko pa! Gosh, parang 'yong mga napapanood ko lang sa Korean Drama, niligtas ako ng bidang lalaki sa mga manyak na foreigners na 'yon!"
Napalingon siya sa bintana at agad na bumangon at sumilip at tumingin sa madilim na kalangitan.
"Lord, wala ng bawian ah?" sabi pa niya.
Bumuntong-hininga si Edgell saka hindi pa rin mawala ang ngiti na nahiga siya. Tumagilid siya para tingnan ang mga poster ni Youngjae na nakadikit sa pader.
"Oppa, huwag kang mag-alala. Dahil sa ginawa mong pagligtas sa akin, babawi ako sa'yo. Mamahalin kita ng sobra," pagkausap pa niya dito.
Niyakap niya ang unan matapos iyon, saka pinikit ang mga mata. Nawa'y kinabukasan ay hindi bawiin ni Lord lahat ng magagandang nangyayari sa buhay niya nitong mga nakaraan araw.
KAKALAPAG pa lang ni Edgell ng gamit niya ng magsilapitan halos lahat ng mga ka-opisina sa mesa niya. Kunot-noo na tiningnan ang mga ito isa-isa.
"Anong meron?" tanong niya.
"Ikaw ah, kailangan mo magpaliwanag," sabi ni Wilma.
"Tungkol saan?"
Nilapit ni Bernie ng husto ang mukha sa kanya.
"Anong mayroon sa inyo ni Sir Youngjae?"
"Wala!" mabilis niyang sagot.
"Grabe Edgell, bakit parang ang sweet n'yo?" tanong naman ng isa pang kasamahan nila.
Napakunot-noo siya. "Hinimatay na nga ako, ang sweet pa rin!" natatawang sagot niya.
"Ay, ang sweet kaya! Nahimatay ka tapos nasalo ka niya!" sabi naman ng isa pang ka-opisina niya.
Napailing na lang siya ng impit na napatili ang mga ito. Bahagyang natigilan si Edgell ng makitang nakatingin sa kanya si Beth. Hindi nakaligtas sa mga mata niya ang simpleng pag-ismid nito. Mayamaya ay lumapit si Rosa doon sa puwesto niya.
"Uy girl, may meeting kayo in thirty minutes," paalala nito.
"Yes, ihahanda ko na gamit ko," sagot niya.
Pagbalik niya sa puwesto ay muli siyang nag-retouch, pagkatapos ay hinanda na niya ang mga gamit na dadalhin sa meeting. Malapit na kasing i-launch ang latest product ng LYJ Food Incorporated this month. Isang healthy food pocket which includes organic meat and veggies na microwavable. The concept of that project came from her, naisip kasi niya ang most convenient way to eat faster without much effort para sa mga single and working na gaya niya. Para hindi palaging de lata ang maaari nilang i-offer sa consumer, at the same time, hindi masyadong pricey. At nagustuhan ni Mister Lee ang idea niyang iyon. Madalas kasi sa mga ready to eat food ngayon ay puro preservatives, kaya ang pag-offer ng organic food ang isa sa paraan para magkaroon ng mas healthy options ang consumer.
Eksaktong alas-otso ng umaga ay nagpunta na silang mga Food Technologist sa Conference Room. Hahawakan pa lang niya ang doorknob ng bigla iyong bumukas at bumungad sa kanya ang guwapo at fresh na mukha ni Youngjae. Her heart automatically reacted. Bumilis ang pintig niyon at parang may paru-parong umiikot sa loob ng kanyang tiyan. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala. Dati ay pangarap lang na malabong matupad na makita at makaharap niya ng malapitan ang binata. Ngunit ngayon, hindi lang niya basta nakita. They are meant to see each other almost everyday of their lives starting today.
BINABASA MO ANG
Expat Huntress Series 3: Oppa, Neon Nae Kkeoya! (Oppa, You're Mine!)
RomanceOkay guys, this is another story of Fan-Kpop Idol kind of Story. Alam ko na marami sa ATIN ang makaka-relate at aasam na sana TAYO RIN... :) "I want you to stop look at me as the Kpop idol you once knew. This is real life. I want you to see me as an...