"I HAVE A surprise for you," nabasa niyang sabi ni Youngjae sa text message.
Napakunot-noo si Edgell, saka sumandal sa swivel chair na kinauupuan.
"Surprise? Ano naman kaya 'yon?" tanong niya sa sarili.
Mayamaya ay napangiti siya saka nagreply.
"Anong klaseng surprise 'yan?"
Ilang sandali pa ay nakatanggap na naman siya ng reply mula sa binata.
"You'll see, I think my surprise for you is already there," anito.
Wala sa loob na napatingin siya sa pinto ng opisina nila. Inaasahan niya na may papasok na isa sa staff na may dalang kahon, o kung medyo assumera siya, baka flowers. Pero nakalipas na ang halos tatlong minuto ay wala naman dumarating. Nakaramdam ng pagkadismaya si Edgell.
"Paasang Oppa, wala naman 'yong surprise. Lakas mang-echos no'n," sabi pa niya.
Halos dalawang linggo na siyang nakakabalik doon sa opisina. Kapag eksakto sa oras siyang nakakalabas ng office. Dumadaan siya sa bahay ni Youngjae para bisitahin ito. Kapag may appointment ang binata sa doctor ng weekend ay siya rin ang kasama. Kapag naman may weekdays at nasa opisina siya, kinukumusta niya si Youngjae ng madalas, at pinapaalala ang oras ng inom ng gamot. Ayon sa binata ay ito na rin ang naglilinis ng sugat nito.
Sa ilang araw na hindi sila madalas magkita. Hindi magawang itanggi ni Edgell na nami-miss niya si Youngjae. Nais niyang makasama itong muli. Iyong gaya ng ginagawa nila noong naroon pa siya tumutuloy sa bahay ng binata. They will just sit down and talk and tell each one's stories, then they will just laugh at anything. Mga sandali na pakiramdam niya ay tila silang dalawa lang ang tao sa paligid. Mga oras na pakiramdam ni Edgell ay espesyal siya sa binata.
Bumuntong-hininga siya saka inalis sa isipan si Youngjae. Baka nagbibiro lang
ang isang iyon at napag-tripan na naman siya ng araw na iyon. Mayamaya ay lumapit sa kanya ang isang officemate niya.
"Edgell, pinapatawag ka ni Ma'am Marquez sa office niya. Dalhin mo daw 'yong report na sinabi niya sa'yo noong isang araw," nakangiting sabi nito.
"Okay. Thank you," sagot niya saka ngumiti din dito.
Inayos muna niya saglit ang sarili bago tumayo dala ang papeles na hinihingi ng Manager niya. Bago pumasok sa pribadong opisina ay kumatok muna siya.
"Ma'am, heto na po iyong report na hinihingi n'yo," sabi niya saka inabot ang folder.
Kinuha nito iyon saka binasa. Mayamaya ay nakangiti itong tumingin sa kanya.
"Good job. Thanks, Edgell," anito.
"Thank you, Ma'am."
"Kaya pala kita pinatawag dito, can you do me a favor?"
"Oo naman po, ano po iyon?"
"May lakad kasi ko bukas kasama ang asawa ko. Alam mo na, palapit na kasi ng palapit ang araw ng pag-alis namin. Nag-conflict kasi ang schedule ko, kailangan kasing i-meet bukas ang event organizer ng launching ng product natin this weekend. Puwede bang ikaw na lang ang pumunta? Iyon ay kung wala kang lakad."
"Sige po, walang problema. Wala naman po akong ibang schedule bukas pagkatapos ng office hours," aniya.
Agad napangiti at nakahinga ito ng maluwag.
BINABASA MO ANG
Expat Huntress Series 3: Oppa, Neon Nae Kkeoya! (Oppa, You're Mine!)
RomanceOkay guys, this is another story of Fan-Kpop Idol kind of Story. Alam ko na marami sa ATIN ang makaka-relate at aasam na sana TAYO RIN... :) "I want you to stop look at me as the Kpop idol you once knew. This is real life. I want you to see me as an...