CHAPTER FOUR

2.1K 76 13
                                    

"KAMSAHAMNIDA, jeongmal kamsamhamnida," paulit ulit na sabi sa kanya ni Mister Lee. "Thank you. Thank you very much."


Ngumiti si Edgell sa matanda saka marahan umiling. "Aniyeyo, sajangnim."


"Wala po iyon, President," ang ibig sabihin ni Edgell sa naging sagot niya.


"Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung nawala sa amin si Youngjae, kaya maraming Salamat," sabi pa ni Erlinda habang umiiyak, ang stepmom ng binata.


"Ginawa ko lang po ang dapat. Magiging boss ko si Sir, kaya hindi na rin po siya iba. At bilang dating fan ni Sir noong member pa siya ng Galaxy, tanging kaligtasan lang din po niya ang inisip ko."


Nakaligtas si Youngjae. Ayon sa mga doctor, malalim ang sugat na natamo ng binata. At kung hindi daw niya nadala ito sa ospital ay baka hindi nakaligtas si Youngjae. Hindi makakalimutan ni Edgell kung paano siya nakahinga ng maluwag at napaiyak muli sa tuwa matapos sabihin ng mga doctor na ligtas na ang binata.


Agad nahuli ang dalawang kriminal na sumaksak kay Youngjae. Ayon sa imbestigasyon ng pulis, modus-operandi daw pala ng dalawa ang kunwari ay babanggain ang isang sasakyan pagkatapos ay papatayin at nanakawan ang may-ari ng kotse. Umamin daw ang dalawa na ilang araw na nilang tinitiktikan ang paligid ng building ng LYJ Food Incorporated, at si Youngjae nga ang natyempuhan ng mga ito.


Wala naman nawala sa mga gamit ng binata, mabuti na lang daw at dumating siya agad. Pinuri din ng mga pulis ang ginawa niya sa mga kriminal. Nagulat daw sila sa lakas ng loob at tapang niya para banggain ang kotse ng mga ito. Kumbaga, she hit two birds in one stone. Nahuli niya ang mga kriminal, at nailigtas ang buhay ng biktima. Pero pinayuhan din siya na susunod ay mag-iingat dahil baka daw siya naman ang mapahamak. Tama din daw ang ginawa niya na bumusina ng sunod-sunod, at ang malakas ng pagkakabangga niya sa kotse ng dalawang Kriminal, dahil doon ay nakuha niya ang atensiyon ng mga Security Guards ng LYJ.


Mayamaya ay dumating ang Abogado nila Mister Lee. Lumabas ang mga ito ng silid ni Youngjae para pag-usapan ang kaso na isasampa sa dalawang lalaki. Walang


pag-aalinlangan na nagprisinta siyang maging witness laban sa mga suspect.


"Edgell!"


Biglang naputol ang pag-iisip niya saka napalingon sa pinto. Si Rosa ang dumating at may dalang paper bag, paglapit at agad nitong inabot sa kanya iyon. Matapos sabihin ng mga Doctor na ligtas na si Youngjae, saka pa lang niya naisip tawagan si Rosa. Sa boarding house ng Tita niya nakatira ang kaibigan, nakiusap si Edgell na dalhan siya ng damit at ipaliwanag sa Tiyahin ang nangyari.


"Thank you sa pagdala ng damit ah," sabi niya.


Hanggang ngayon ay ang uniform pa rin niya ang suot na puro dugo ni Youngjae.


"Naku, ano ka ba? Wala 'yon. Kumusta naman si Sir?"

Expat Huntress Series 3: Oppa, Neon Nae Kkeoya! (Oppa, You're Mine!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon